CHAPTER 9

9.8K 210 0
                                    

MAG-IISANG linggo na rin mula nang pumunta kami ni skyrile sa art restaurant. Mula noon ay halos hindi na siya lumalayo sa'kin. Minsan pa nga'y kahit sa lakad nilang magba-barkada kasama ako.

Hindi na rin ako maka-angal sa kaniya o kumontra sa mga pagbuntot buntot niya sa'kin dahil parati niyang pinipilit na siya daw ang boss. Hindi nalang nga ako umiimik minsan dahil na-i-stress lang ako.

"Bukas maaga kitang susunduin." Ngisi niya nang ihatid niya ako sa bahay.

Umirap lang ako at nagtanggal ng seatbelt. "Ang kulit mo." Iling ko.

May lakad kasi kami bukas. Sabado iyon kaya pumayag ako. Akala ko simpleng date lang ang gagawin namin pero may iba pa pala siyang plano. Inaway ko pa siya ng malaman ko ang ginawa niya, nakipag-appointment ba naman siya kay kuya! Gusto niya daw kasing ipakilala ko siya sa nakakatanda kong kapatid.

"Basta bukas, aria..."Pangungulit niya pa.

Ngumuso lang ako. Tiningnan ko siya atsaka pinaningkitang ng mata. "Tell me mr. Villafontia, may ibang plano ka pa ba?" Nanghihinalang sabi ko.

Napahalakhak siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya agad niyang tinakpan ang bibig niya para pigilan ang pag-tawa. Ang cute niya sana! Napanguso ako.

"Gusto mo bang malaman?" Ngisi niya. Napalunok naman ako nang ilapit niya ang mukha niya sa'kin. Napasiksik tuloy ako sa sulok ng kotse niya. Damn!

"Lumayo ka nga sa'kin." Mahinang sabi ko.

"May isa pa akong plano..." Aniya atsaka ako nilantakan ng masuyong halik sa labi. Umawang na lamang ang labi ko. "I was planning to marry you, aria." Sabi niya atsaka ngumiti dahilan para matunaw na naman ang puso ko.

"S-Skyrile...." Again, i was speechless.

"Tutal hinayaan mo na rin naman akong makapasok sa buhay lulubos-lubusin ko na. Hayaan mo akong maging bahagi ng araw mo habangbuhay."

Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay lumayo siya sa'kin.

"Hindi naman kita mamadalian. Bata pa tayo, gusto lang kitang rendahan aria. Maraming gag* ngayon sa paligid baka maagaw ka pa sakin." Seryosong aniya.

Napakagat labi ako. Sinulyapan ko siya. Napanguso nalang ako nang tapunan niya ako ng tingin na nagsasabing 'wala ka bang sasabihin?'.

Napangiti na rin ako. He is really full of surprises. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Kahit marami pang gag* ang nakapaligid sa'kin syempre don pa rin ako sa pinaka-gag* sa lahat...kay skyrile villafontia." Ngisi ko sa kaniya.


MABILIS na nabura ang ngiti sa labi ko nang maabutan ko si mama sa bahay, nasa sala ito at may hawak na kopita ng alak. Mabilis na bumalatay ang takot sa sistema ko nang tinapunan ako nito ng masamang tingin. She's mad again and....drunk.

Napalunok ako at unti unting lumapit sa kaniya. "Saan ka galing?! Ganito ba ang ginagawa mo habang wala ako?!" Sigaw niya.

Napayuko ako. "May ginawa lang po ako sa school..." Pagdadahilan ko, which is true. May mga requirements akong tinapos, hinintay lang ako ni skyrile para ihatid ako.

"Wag mo akong gawing tanga aria! Nakita ko kung paano ka nakipag-lampungan sa villafontia na 'yon! Wag mong sabihing iyang puny*tang pagla-landi mo ang inaatupag mo sa school!" Galit nitong singhal.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa paratang niya. "Mommy hindi po..." umiling iling ako. "May pinasa lang po talaga akong mga requirements." Sabi ko.

"Sinungaling!" Napaurong ako sa gulat ng bigla niya akong sampalin. Nanginginig kong sinapo ang pisngi ko. "Wala ka na talagang ibinigay sa'kin kundi kahihiyan at sama ng loob! Sa dami ba naman ng lalaki ang bunso pa ni frederick villafontia ang inahas mo!" Nanginginig sa galit niyang sigaw.

"Mom...mahal ko po siya," Nangilid ang mga luha ko nang makita ko ang dissapointment sa mukha niya. Parati naman siyang nadi-dissapoint sa'kin kaya sanay na 'ko pero iba kasi ito. Nadi-dissapoint siya kasi pinili kong maging masaya kay skyrile.

Napatalon ako ng bigla niyang ihagis ang kopita'ng hakwak. Nabasag iyon malapit sa paa ko kaya hindi ko naiwasang mapadaing nang madaplisan ako at masugatan.

"Puny*ta!" Nangiginig ang kamay niya sa galit nang hilain niya ako palapit sa kaniya. "Anong karapatan mong sabihin iyan?! Huh?! wala karapatang magmahal salot ka! Isa ka lang basura aria, tandaan mo iyan." Gigil niyang aniya.

"M-Mom..nasasaktan p-po ako..." Daing ko nang hilain niya ang buhok ko. Lalong namasa ang pisngi ko nang makita ang sobrang galit sa mga mata niya.

"Talagang masasaktan ka kapag ipinag-patuloy mo pa ang pakikipag-relasyon sa lalaking 'yon! Isa kang kahihiyan sa pamilya namin at ang mga katulad mo ay hindi nararapat sa kaniya kaya itigil mo na iyang kahibangan mo! Hindi ka nababagay sa bunso ng mga villafontia!" Singhal niya.

Napailing na lamang ako at napahagulgol. May punto kasi siya, hindi kami nararapat ni skyrile sa isa't isa. Perpekto ang buhay niya samantalang ako walang buhay, walang pamilya. "M-Mom..ibigay m-mo na ito sa'kin..h-hayaan mo na akong magmahal.." Hagulgol ko.

"Mag-mahal?! Bakit tingin mo ba may magmamahal sa katulad mong nanggaling sa demonyo?! Tingin mo ba totoong mahal ka nang lalaking 'yon?! Ha?! Nahihibang kana!" Marahas niyang binitiwan ang buhok ko kaya bahagya akong napaurong palayo sa kaniya. Dinuro niya ako. "Gumising ka na sa kahibangan mong babae ka dahil kahit kailan hindi ka magiging masaya!" Singhal niya pa.

"M-Mom..." it hurts.

"You know what...nagtataka nga ako kung bakit hindi ka pa kinukuha ng pamilya ng demonyo mong tatay gayong ibinigay ko na sa kanila ang responsibilidad at rights sa'yo!" Marahas itong napailing. "Siguro kahit sila sinusuka ka na rin."

Ramdam ko ang pag-buhos ng masaganang luha sa pisngi ko. Tuluyan niya na talaga akong binitawan. Wala na ba talagang paraan para makita niya ako bilang anak niya at hindi bilang taong sumira sa buhay niya.

Anak niya pa rin naman ako. Nanggaling naman ako sa kaniya pero bakit parang ang hirap hirap sa kaniyang mahalin ako? Bakit kailangang pati ako kailangan niyang itapon para kalimutan niya lahat ng nagpasakit sa buhay niya.

"M-Mom...gusto mo ba talagang m-mawala na ako sa b-buhay mo...?" Nanginginig kong tanong.

Nanlilisik ang mga mata niyang tiningnan ako. "Oo! At sana wag ka nang bumalik sa buhay namin dahil mula nang dumating ka nasira na ang buhay ko!" Galit niyang sigaw. "Kaya kung aalis ka ngayon palang mas masaya pa ako, doon kana sa pamilya ng tatay mong demonyo!"

"H-Hindi mo ba a-ako minahal kahit kaunti lang?" Kasi kahit ramdam kong ayaw mo sa'kin, mahal na mahal pa rin kita. Kahit hindi mo ako tinuturing na anak mo ay tinuturing pa rin kitang ina ko.

Mapakla siyang natawa. "Minahal? Kahit kailan hindi kita mamahalin dahil ikaw ang nagpapaalala sa'kin sa mga bagay ng sinira ng demonyo mong tatay! Sinira niya ang buhay ko! Sinira niyo ang buhay ko kaya pwede bang maglaho nalang kayong dalawa at wag nang babalik!"

Nasapo ko ang puso ko at napahagulgol. Naninikip na naman ang dibdib ko. Sobra sobra na 'to. Sobra sobrang sakit at paghihirap na 'to.

Parang hindi ko na kaya. Ayoko nang mabuhay kung ganito lang rin ang mangyayari sa buhay ko. Lahat galit sa'kin. Lahat kinamumuhian ako. Marinig lang nila ang Aria de guzman, alam na nilang ako ang nagpapasama sa pamilya nila mommy.

Wala naman akong ginawang masama para maging ganito ako. Minahal ko naman sila sa kabila ng lahat pero bakit hirap na hirap pa rin silang tanggapin ako?

Nagsisisi na naman ang daddy ko. Naghirap rin naman siya sa kulungan, hindi pa ba sapat 'yon?

"May isa pa pala akong sasabihin sayo..." napatingin ako sa kaniya nang muli siyang magsalita.

Napasinghap ako nang humakbang siya palapit sa'kin. Nanlilisik pa rin ang mga mata niyang nakatingin sa'kin pero...may kasiguraduhan doon na may alam siyang labis na dudurog sa'kin. Parang sigurado siyang kung ano man ang alam niya ay 'yon ang papatay sa'kin ng tuluyan.

And she's right...

Nadurog at napatay niya nga ang puso ko sa mga sumunod niyang binitiwang salita.


"Hayaan mo na ang villafontia na 'yon. Layuan mo na siya dahil sa mismong party ko, ipapakilala na siya bilang fiance ni Samantha...."


I'm double dead.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now