CHAPTER 26

8K 146 2
                                    

"Good morning passengers. We will arrive in the island on this afternoon. Please, enjoy our cruiship services while waiting. We have our bars, restaurants, botiques, and other services that you may avail. We also have our staff in every corner. Please, don't hesitate to call them. Thank you and enjoy your stay!"

Napabuntong hininga na lamang ako pagkatapos magsalita ng iperator sa speaker. Every corner of this cruiship has its own speaker kaya kahit saang bahagi ay maririnig ang kahit na anong announcement galing sa operator.

"Feeling better?" Tanong ni dad nang tabihan niya ako sa sofa.

Tumango ako. "Opo," Tiningnan ko ang benda sa paa ko. "Nakakalakad naman ako dad kaya baka pwedeng isama niyo na ako sa party mamaya? Matatakpan rin naman ito ng long gown ko, eh." Pakiusap ko sa kaniya. Kanina ay kinausap na nila ako na sa kwarto na lamang namin sa isla ako muna buong magdamag at sa huling araw na lamang dadalo sa party. Galit pa si mommy sa ginawa sa akin ni sam kaya nanahimik lamang ako. Isa pa'y birthday ni cain ngayon at ayokong pati siya ay madamay sa nangyari sa akin.

"Sorry victoria pero ayaw talaga ng mommy mo." Tinanaw namin si mom na kausap si lola at ang mga pinsan ko. Nasa kandungan niya si cain. Rinig namin mula rito ang halakhakan nila. "She's worried. I hope you understand, anak." I know, dad.

Ngumiti ako at humilig sa dibdib niya. Kaagad naman niya akong inakbayan at buong pag-aalalay na niyakap. Tinupad niya ang pangako niya na hindi niya ako pababayaan. And until now, buong puso niya pa rin akong inaalagaan at pino-proteksiyonan. Sa dami ng mga trahedyang pinagdaanan ko sa buhay ay ngayon ko masasabi na blessed ako. Binigyan ako ng diyos ng pamilya na matagal ko nang hinihiling, sobra sobra pa nga.

Masaya ako at alam kong habang buhay na nasa tabi ko ang pamilya na ito. Hindi na ako masasaktan tupad noon. Mahal na mahal din ako ng pamilya ko....pero minsan ay napapaisip ako. Parang may kulang. Parang pumipigil sa aking maging masaya. Hindi matahimik ang mga tanong sa utak ko at kakulangan sa puso ko.

"Mahal ko kayo daddy." Please, always remember that.

"And we love you, too." Malambing niyang bulong sa akin.

Ngumiti ako at yumakap na rin sa kaniya. But, one thing I know is i'll have them forever. I will love them till the day my heart stop beating.

"HAPPY BIRTHDAY CAIN!"

Humalik ako sa pisngi ni cain nang lapitan niya ako at niyakap. Katatapos niya lang i-blow ang candle niya sa cake at sa akin siya agad lumapit. Naalala ko pa noong una ko siyang makita at mabuhat. He was too tiny. Para siyang crystal na madaling mabasag kaya buong pag-iingat ang bawat hawak ko sa kaniya. Naalala ko rin na magkasama kami ni mommy at daddy na nagiging sa kalagitnaan ng gabi para patahanin siya sa pag-iyak. All the tiring nights are all worth it lalo na't nakikita ko kung paano siya lumalaki ngayon.

He's our precious. Mula nang una ko siyang mahawakan ay pinangako ko sa sarili ko na hindi ko siya pababayaan. Hindi ko hahayaang may manakit sa kaniya.

"Love you..." Bulong niya sa akin.

Namasa ang mga mata ko. "I love you too, baby. So much." Mahigpit ko pa siyang niyakap.

Malapad ang ngiti ni mommy nang lapitan niya kami at parehong niyakap ni cain. We giggled nang paghahalikan niya kami sa pisngi. "Mahal na mahal ko kayong dalawa. Always remember that." Bulong niya.

I know, mommy. And I love you too.

Before we go to the island ay napagpasyahan muna naming mag-celebrate ng birthday ni cain. Pamilya lamang namin ang nandito sa cabin at nagluto ng kaunting pagkain si mommy at syempre tumulong ako.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now