CHAPTER 30

6.9K 140 14
                                    


Sa dami na nang napagdaanan ko. May mga bagay akong natutunan, iyon ay ang bigyan ng importansiya ang mga taong nagmamahal sa akin, alagaan sila at protektahan sa lahat ng pwedeng makasakit sa kanila.

"Nandito na po tayo, ma'am." Napakurap ako at tumingin sa labas ng bintana. Lumakas lalo ang kabog ng dibdib ko. Kabadong kabado ako. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko...basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ang maayos ang lahat. "Hihintayin ko pa ho ba kayo?" Tanong ni manong taxi driver. Taxi lang kasi ang sinakyan ko ngayon para hindi malaman nila daddy kung saan ako pupunta. Wala akong pinagsabihan sa gagawin kong ito. Ayoko kasing mag-alala pa sila sa'kin.

"Hindi na po, manong. Thank you..." Inabot ko na ang bayad sa kaniya atsaka na bumaba. Luminga ako sa paligid nang umalis na ang taxi. Hindi pa rin pala nagbabago ang lugar na ito, tahimik pa rin, kung paano ko iniwan noon, ganoon pa rin.

Humakbang ako palapit sa gray na gate na dati ay kulay itim. Ito ang bahay na kinalakihan ko, minahal at kailangan ring iwan. Wala akong maalalang magandang alaala sa lugar na 'to, lahat puro nalang sakit at pangungulila. Dito rin ako namulat na hindi lahat ng bagay sa mundo ay masaya at maganda. Hindi simple ang lahat.

Pero, inaamin ko na sa kabilang banda, dito rin ako lumakas at tumibay.

"R-Ria?.....Ria?!" Nagulat ako nang bumakas ang gate at mula roon lumabas si tatay seth na masayang masaya na makita ako. Kitang kita na ang katandaan nito, lalo na ngayon. Hindi ko inaasahan na nandito pa siya hanggang ngayon. Nangilid ang mga luha ko. "Ikaw ba talaga 'yan, aria?" Nangingilid na rin ang mga luha ng matandang dati pa man ay itinuring na akong anak. Namiss ko ang kaisa isang taong nagpaparamdam sa akin noon na espesyal rin ako sa bahay na 'to, kahit ano man ang pinagmulan ko.

"A-Ako nga po, tatay seth. Kamusta na po kayo? Hindi ko po alam na nandito pa rin po pala kayo. Akala ko ay nag-retiro na po kayo." Sabi ko. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa 60 na ang edad nito ngayon. Napaka-tanda na para mag-trabaho. Dapat ay nagpapahinga na lamang siya ngayon at naglalagi sa kanilang probinsiya.

"Malapit na rin akong umalis dito, 'nak. Sa susunod na buwan ang uwi ko sa probinsiya. Mabuti na lamang at nakita ulit kita bago ako umalis." Iginiya niya ako papasok. "Akala ko hindi na kita makikita. Nalungkot talaga ako nang umalis ka para magpa-gamot. Wala na tuloy akong binibilhan ng pandesal sa may kanto." Kwento niya.

May nakatakas na butil ng luha sa mga mata ko. Nilapitan ko siya at niyakap. "Mabuti nalang hindi pa kayo nakakaalis. Hindi pa po ako nagpapa-salamat sa lahat ng ginawa mo po sa akin. Thank you so much tatay seth." Noong mga panahong walang wala ako ay parati siyang andiyan. Naging ama rin siya sa akin sa mahabang panahon.

"Masaya akong makitang lumaking mabuting tao ang batang pinalaki ko. Dahil sa'yo hindi ko naramdamang nagkulang ako sa aking mga anak bilang ama nila." Napahikbi ako sa mga tinuran niya. "Gawin mo lahat ng magpapa-saya sa'yo, anak. Mas marami nang nagmamahal sa'yo ngayon." Aniya.

Humiwalay na ako sa kaniya at nagpunas ng mga luha. "Maraming salamat sa lahat, tatay seth."

"Seth, andiyan na ba si....A-Aria?" Sabay kaming bumaling ni tatay seth kay manang. Naluluha na ito ng magkatitigan kami. "Aria!" Nagulat ako nang bigla siya lumapit at niyakap ako.

Nagtataka akong tumingin kay tatay seth na ngumiti lamang at nagkibit ng balikat. Hindi na ba galit sa akin si manang? Tanong ko sa sarili na sinagot ng kaniyang mga yakap.

Napangiti ako. "Kamusta na po kayo, manang? Parang hindi po kayo tumatanda, ah?" Ngisi ko.

"Mabuti naman ako, Aria. Sobrang saya ko nang sabihin ng mommy mo na darating ka. Akala ko hindi na kita makikita ulit." Aniya na ikinangiti ko.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now