CHAPTER 11

10.6K 216 6
                                    

HINAYAAN ko siyang hilain ako at ikulong sa bisig niya dahil alam kong ito na rin naman ang huli. Hindi na ako magpapakita pang muli sa kanila pagkatapos nito.

Masakit malayo sa mga minamahal pero kung ito naman ang alam kong makakabuti sa kanila ay titiisin ko. Tutal, doon naman ako magaling...ang magtiis.

"Mahal kita aria..." Sabi niya.

Napatingin ako sa taas nang may luha na namang nakatakas sa mga mata ko. Hearing him saying that three words makes my heart broke more.

"Hindi ako magpapakasal sa kaniya." Sabi niya pa atsaka lalong hinigpitan ang pagkaka-yakap sa'kin. "Kahit itakwil pa nila ako ay hindi ako magpapakasal sa iba. Ikaw lang ang pakakasalan ko."

Napahikbi ako at napailing.

Tinatagan ko ang loob ko at buong pwersa ko siyang tinulak palayo sa'kin. Ayokong masira siya sa pamilya niya nang dahil na naman sa'kin. Ayokong masaktan ko ang parents niya at ayokong maranasan niya ang mga naranasan ko.

Mahal siya nang lahat at mahal ko siya. Ayokong mawala lahat sa kaniya.

"This is our fate skyrile..." sabi ko.

Napailing naman siya at lalong namula ang mga mata. I saw his pain and disapproval sa mga sinasabi ko.

"I love you too but i need to end this--"

"--No!" Natatarantang sabi niya atsaka mabilis na hinawakan ang dalawang kamay ko. "Hindi ako papayag aria..." Tumulo na rin ang mga luha sa mga mata niya. Umawang ang labi ko. "W-Wag mo 'kong iiwan..i'll f-fix this for us..."

You can't.

Umiling na lamang ako. Akmang magsasalita pa sana ako nang may biglang humila sa buhok ko. Nakita kong maski si skyrile ay nagulat rin.

"Walanghiya ka! Balak mo pa talagang ahasin ang fiancee ko!" Nagwawalang aniya.

Bumagsak ako nang malakas niya akong itulak. Napadaing ako. Bumakat ang mga kalmot niya sa'kin at sobrang sakit ng ulo ko dahil sa sabunot niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang akma pa siyang susugod sa'kin. "F*ck samantha!" Rinig kong singhal ni skyrile rito nang itulak niya 'to palayo sa 'kin.

"Kakampihan mo talaga ang malanding 'iyan sky?!" Rinig kong sigaw niya nang lapitan ako ni skyrile at tinulungang tumayo.

"Are you okay?" Alalang tanong niya.

Tumango lang ako at tiningnan si samantha na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa'kin. Nasa tabi niya ang dalawa naming pinsang babae na kapwa masama rin ang tingin sa'kin.

"Ang sama mo talaga aria! Pati fiance ni samantha lalandiin mo." Sabi ni jena.

"Shut up!" Sigaw ni skyrile dito.

"Sam, im sorry..." Nagsusumamong sabi ko rito.

Napahikbi naman ito at tinuro ako. "Ikaw! Lahat nalang sinisira mo! Wala ka nang ginawang tama!" Akusa niya.

Napayuko lang ako. Alam ko naman kasing totoo 'yon.

"Malalaman ito ng buong angkan aria!" Galit ring sabi ni joan.

Hindi ako nakapag-salita. Siguradong mas kamumuhian nila ako.

"I said shut up!" Sigaw ulit ni skyrile atsaka ako hinila palayo roon.

"Skyrile...'yong party..." sabi ko.

"Aalis tayo rito." Seryosong aniya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Hinila ko ang kamay ko mula sa kaniya. "No! Ako lang ang aalis! Ikaw? Maiwan ka rito." Natatarantang sabi ko.

Nagtagis ang bagang niya. "Dalawa tayong aalis rito aria. Naiintindihan mo ba? At kung kailangan pa kitang kaladkarin palayo sa lugar na 'to ay gagawin ko, kung 'yon ang kina-kailangan." Madiin niyang wika.

Napailing ako. I need to stick on my decision. "Hindi pwede..." Mahina kong sabi. "Isipin mo ang pamilya mo, ipapahiya mo sila kapag umalis ka."

"Wala akong pakialam! Damn it."

Humakbang ako palayo sa kaniya nang akmang lalapit siya. "Please skyrile.....tumigil kana." Iwan mo na ako. Lalo lang akong nahihirapan.

"Aria!" Napahinto ako nang marinig ko ang boses ni kuya. Nang tingnan ko ito ay nakita ko ang dilim nang mga mata niya nang makita ang itsura ko.

Hinila niya ako sa likod niya nang makalapit siya sa'kin. "Leave her alone villafontia. Lalo mo lang pinalala ang sitwasyon niya sa pamilya namin." Seryosong sabi ni kuya sa kaniya habang mahigpit ang hawak sa kamay.

Napabuntong hininga na lamang ako at sinandal ang likod sa ulo niya. Suminghot ako at tahimik na umiyak. Alam kong aalis na siya dahil nandito si kuya, hindi na niya ako masasama.

"Hindi ko itutuloy ang pinag-kasunduan nila." Rinig kong sabi.

Napapikit ako. I'm sorry skyrile kung wala na akong magawa. Kahit masakit ito ay kailangan ko na ring tanggapin para sa ikabubuti ninyong lahat.

"Then do it. Gawin mo muna iyang sinasabi mo bago ka lumapit sa kapatid ko. Kung mahal mo siya, hindi mo siya idadamay." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya. Bakit niya kinukunsinti! Mapapahamak lang si skyrile....

"I'll do it but i also want to talk to her..."

Humigpit lalo ang pagkaka-hawak ni kuya sa kamay ko. "I'll let you talk to her if you stop that f*cking engagement! Ngayon umalis kana muna sa harapan ko dahil nandidilim na ang paningin ko...baka maisipan ko pang ilayo ang kapatid ko at dalhin sa lugar na hindi mo siya mahahanap." Banta ni kuya rito.

"Kuya..." Umawang ang labi ko sa mga naririnig kong usapan nila. Obviously, gumagawa sila ng isang kasunduan sa harapan ko.

"Okay." Rinig kong kumpiyansang sabi ni skyrile. "Hintayin mo 'ko aria. Kahit gag* ako tutuparin ko pa rin ang pangako ko sa'yo." Sabi niya bago naglakad palayo.

Skyrile.....

Tumulo ang masaganang luha sa pisngi ko. Oo..hihintayin kita pero hintayin mo rin ako.

Mahal na mahal kita.....

"Aria..." Nag-angat ako ng tingin kay kuya nang harapin niya.

Napamura siya nang makita ang itsura ko. "Galit silang lahat sa'yo ngayon. We need to go." Aniya.

Napayuko na lamang ako. "Wala namang bago kuya eh. Galit naman talaga silang lahat sakin dati pa, pinalala ko lang ngayon." Hikbi ko.

Tumiim lang ang bagang niya atsaka pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Inayos niya rin ang nagulo kong buhok at tiningnan ang mga kalmot sa braso at leeg ko.

"Hindi dapat nila ito ginawa sa'yo..." Madilim ang anyong sabi niya.

"Wag kang magalit sa kanila.." Alam kong nagiging maayos na silang lahat, ayoko namang ako pa ang dahilan kung bakit sila magkaka-sira ulit.

"Stop it. Lalo lang akong nagagalit kung ipagtatanggol mo pa sila."

Natahimik na lamang ako at hindi na nag-salita.

Nagpatiunod na lamang ako nang hilain niya ako. Dinala niya ako sa kusina at nagpakuha nang first aid box sa mga kasambahay na nandon.

Hinawakan ko ang kamay niya nang makita kong nanginginig ito sa galit. "Thank you..." Nangilid na naman ang mga luha ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Wag kang magbabago kuya. Sana lagi kang mabait at bawasan mo na ang pagiging masungit mo. Mahal kita kuya." Ngiti ko sa kaniya.

"Aalis ka ba aria? Bakit ganiyan ka mag-salita?"

Yumuko ako at napakagat ng labi. "Sasama na ako kay daddy. Kasi hindi na ako kinikilalang anak ni mommy kuya, kahit sa papel ay tinakwil na niya ako." Humikbi ako. "Atsaka ayoko na rin kuya. Napagod na rin ako."

"Aria..."

Ngumiti ako. "Pakisabi sa kanila na kahit ano man ang ginawa nila sa 'kin ay mahal na mahal ko pa rin sila."

"S-Sigurado ka na ba sa desisyon mo?"

Tumango ako at yumakap sa baywang niya. "Hindi kita makakalimutan. Salamat sa lahat."


"Kung 'yan talaga ang desisyon mo ay wala na akong magagawa. Tandaan mo lang na kapag kailangan mo 'ko ay darating ako. Mahal din kita little sis..."

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now