CHAPTER 39

4.4K 61 5
                                    

Sa tuwing naiisip ko si Aria...parang nadudurog ang puso ko. I really miss her. Gustong gusto ko na ulit siyang makita at mayakap.

"What are you planning to do, Skyrile?" Mariing tanong niya.

"Why do you care?" Tanong ko habang nasa baso lang ng alak ang atensiyon.

Nandito kami ngayon sa Mansiyon ng pamilya nila para sa isang dinner. Hindi ko pinapalampas ang mga ganitong araw na kompleto sila. Alam kong may mga alam sila at gagawin ko ang lahat para malaman 'yon.

"You married my cousin? For what, Skyrile?" Seryosong tanong niya.

I smirked. "What do you think, Zoel?"

"Bastard!" He hissed. "Don't use her, Skyrile. Maawa ka kay Samantha! Masasaktan mo lang siya!"

Matalim ko siyang nilingon. "I don't care! Masaktan na kung masaktan! I'm fcking desperate! Kahit sino sasagasaan ko kahit ang pamilya ninyo!"

Napatiim bagang siya at tila nawawalan na ng pasensiya. Pabagsak niyang binaba ang dalawang palad sa bilog na lamesang nakapa-gitna sa'min. "What do you want, huh? Gusto mong malaman kung buhay pa si Aria?!"

"No." Mariing sagot ko. "Hindi naman ako naniniwalang patay na siya! Ang gusto ko lang malaman ay kung nasaan siya at ano na ang kalagayan niya!"

"Putangna! Ginawa mo 'tong kagaguhan mo para lang diyan?!"

"Lang? You don't understand, Zoel. She is my life! At ang desperasyon kong malaman kung nasaan siya ngayon ang dahilan kung bakit humihinga pa ako. Naiintindihan mo ba?"

"No, Skyrile. You don't understand!" Dinuro niya ako. "Nahihirapan at nag-aagaw buhay si Aria ngayon! At imbes na ayusin mo ang buhay mo at hintayin siya...gumawa ka pa ng panibagong problema! Hindi mo ba naisip na masasaktan mo lang siya sa ginagawa mo?! You have a chance na putulin ang engagement ninyo ni Samantha pero anong ginawa mo? You fcking married her! Gago ka!"

"Nahihirapan? Nag-aagaw buhay? She needs me...." Nangilid ang mga luha ko. "Where is she?!"

Hindi makapaniwalang umiling siya. "Wala ka talagang naiintindihan sa mga sinasabi ko...." Frustrated siyang napahilamos ng mukha. "Hindi ka niya kailangan ngayon, Skyrile. She needs a real man! Hindi 'yong gaya mong kailangan pang manakit ng ibang tao para makuha lang ang gusto! She's soft and too kind, Skyrile. Iyong mga taong hindi siya gusto mahal niya! Hindi mo ba iniisip ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang kasal ka kay Samantha?!"

Napapikit ako. "I already talked to my attorney. Madali daw putulin ang contract dahil hindi daw 'yon dumaan na tamang proseso. Pagdating niya...hindi na ako kasal."

"Damn! At anong balak mo kay Samantha? You'll just leave her? Ganon ganon lang?!"

"Binalik ko na sa pangalan ninyo ang kumpaniya na binenta sa'min noon. We're just even." Bumabagsak ang Shipping company nila noon. Pwede pa naman sanang maisalba kaso naunahan sila ng takot at binenta nalang sa'min. Malaking asset 'yon kaya kinuha ni papa. Maayos na ito ngayon at bumalik na rin sa dati ang mga operation.

"You don't feel sorry for her, don't you?"

Nag-iwas ako ng tingin. "She want this, Zoel. I just took the bait."

"No. You want this." Mariing sabi niya.

Ginusto ko man o hindi. Wala na siyang pakialam doon. Pagod na akong magmakaawa sa kaniya. Iniiba ko lang ang paraan ko ngayon.

"Keep your opinion to yourself, Zoel. I don't need it." Uminom ako sa baso ng alak. "Ang kailangan kong malaman ngayon ay kung nasaan si Aria. Babalik pa naman siya 'di ba? Hinahanap niya kaya ako?" Nanginig ang boses ko.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon