CHAPTER 37

4.7K 91 4
                                    

Nagising akong hindi na mag-isa sa kwarto. Nag-inat ako at napahikab. Nakatulog pala ako?

"Hello, sleepyhead..."

Kaagad akong dinaluhan ni Skyrile at tinulungang umupo kahit hindi naman kailangan. Ngumiti ako at niyakap siya sa leeg.

"Buti pinayagan kang pumasok dito?" Antok ko pang tanong.

He chuckle. "Dumaan pa ako sa butas ng karayom, baby. Hindi naging madali ang lahat." Madramang sagot niya.

Marahan ko siyang tinulak palayo. "Drama." Natatawa akong umirap. "Anong oras na pala? Kanina pa kayo dumating?" Tanong ko. Nagsuklay ako ng buhok gamit ang kamay 'tsaka bumaba ng kama. Todo alalay naman siya sa 'kin na para bang anumang oras ay mababasag ako.

"Halos kadarating lang namin. Kumakain na pala sila sa baba." Sabi niya habang nakasunod sa ginagawa ko.

Lumapit ako sa study table at inabot ang tumbler doon. Pinakita ko 'yon sa kaniya. "Naalala mo 'to?" Nakangiting tanong ko.

Tumango siya at kinuha 'yon sa kamay ko. "Ito ang unang bagay na binigay ko sa'yo. Naisip ko kasi noon na baka wala kang ginagamit na tumbler since binigay mo sa'kin ang sayo." Nakangiti niyang binalik ang tumbler sa pwesto nito kanina. "Dahil sa tumbler na binigay mo noon, nagkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan ka. Naduwag kasi ako ng maraming taon." Nangungusap ang mga matang tumingin siya sa'kin. "Sa tuwing nakikita kasi kita noon, mag-isa at parang may sariling mundo. Pakiramdam ko, hindi ako kabilang doon. Natakot din ako na kapag nilapitan kita..bigla ka nalang mabasag..."

"Skyrile...."

"Baby..." Inabot niya ang pisngi ko. "Noong mga panahong hindi mo alam ang importansiya mo sa mundo, ako alam na alam ko na. Ikaw ang hangin ko at kapag wala ka para akong namamatay sa suffocation. Hindi ako makahinga. Kaya....noong nawala ka halos hindi ko na kilala ang sarili ko. May mga bagay akong nagawa dahil sa desperasyon ko." Pumikit siya at pinagdikit ang noo namin. "I feel so bad and sorry..."

"Skyrile..." Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya. Sobra ka sigurong nahirapan dahil sa 'kin. "Thank you for loving me...." Bulong ko.

Pinulupot naman niya ang braso sa baywang ko. Mahigpit niya akong niyakap. "No...baby.." Binaon niya ang mukha sa leeg ko. "Thank you so much...for coming home..with me.." Nanginig ang boses niya.

Pumikit ako kasabay ng pagtulo ng ilang butil ng luha mula sa nag-iinit kong mga mata. Ngumiti ako at nilasap ang ganitong uri ng pakiramdam kasama siya. Masaya, tahimik, at punong puno ng tapat na pagmamahal.

Ibang klase ang pagmamahal na meron si Skyrile para sa'kin. Kahit nahihirapan siya, ako pa rin ang nasa isip niya. It's selfless.

Maingay ang hapag ng bumaba kami ni Skyrile. Si kuya Zoel ang unang nakapansin sa 'min. Masama na agad ang timpla ng mukha nito nang tingnan niya kami ni Skyrile pababa sa mga kamay naming mahigpit ang kapit sa isa't isa.

Ngumisi lang ako at tuloy na tuloy na lumapit sa hapag. May naka-reserbang upuan para sa amin ni Skyrile. May limang baonan ang nakalagay sa tabi ng plato ko. Nagtatakang sinilip ko ang mga 'yon.

Tumayo naman si Mommy Jane at lumapit sa akin. "Ito ang mga pagkain mo, 'nak. Niluto ko 'yan para sa'yo." Masayang sabi niya habang binubuksan ang mga baonan.

Tiningnan ko lang siya pababa sa mga baonan. "Ito ang unang beses na magluluto ako para sa'yo kaya tinanong ko si Liezel kung ano ang mga paborito mong pagkain." Masayang sambit niya habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato.

Sinulyapan ko naman si Mommy na nakatingin din sa'min. Actually, halos lahat pala sila nakaabang sa akin. "I give her my recipes," Ngiti ni Mommy Liezel.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon