CHAPTER 21

9.6K 180 2
                                    

"Don't let them hurt you again victoria...."

Napapikit ako at pinakiramdaman ang bawat tubig na pumapatak sa katawan ko galing sa shower. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggal sa isip ko ang sinabi ni jethro kanina.

"Don't let them hurt you again victoria...."

Paano jeth? Paano ko magagawang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila? Paano ako makakalayo sa kanila? Paano ko makakalimutan lahat ng mga alaala ko kay skyrile? Paano ko mapo-protektahan ang puso ko gayong hinahanap hanap nito ang dating ako? Ang dating mahinang ako?

"Don't let them hurt you again victoria...."

Napabuntong hininga ako. Pinatay ko na ang shower at sinuot ang roba ko. Hindi ko alam na mahirap pa rin palang harapin ang lahat ng tinakbuhan ko noon.

Mahirap palang magpanggap na ayos lang ako. Na-okay lang ako. Ang hirap palang ngumiti sa harap nila na para bang hindi nila ako nasaktan noon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapatuyo ng buhok ng pumasok si mommy ng kwarto ko. Ngumiti siya at kinuha sa kamay ko ang towel. "Are you okay?" Malambing niyang tanong atsaka pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok ko.

"Opo mommy..." Mahinang sabi ko.

Bumuntong hininga siya. "I love you sweety, always remember that...." Malambing niyang wika habang pinupunasan ang buhok ko.

Ngumiti ako at niyakap siya sa baywang. "I love you too, mom." Sabi ko.

Tumingala ako sa kaniya. Ngumiti siya atsaka hinaplos ang pisngi ko. Binaba niya pa ang ulo niya para mahalikan ako sa buhok.

Napabungisngis ako. Parang lahat ng problema't iniisip ko ay naglaho nalang bigla dahil sa pagmamahal na pinaparamdam niya sa'kin.

Kinabukasan ay nagising nalang ako sa katok ni daddy. Nakikiusap ito na kung pwede ay ako na lamang ang sumama ulit kay lola sa check-up nito.

Actually, hindi pa talaga niya schedule ngayon kaya lang nag-alala kami sa kaniya ng biglang sumikip ang dibdib niya kaninang madaling araw. Nagising kaming lahat non at late na kung nakabalik ulit sa pagtulog.

Mabilis lang akong nagbihis at kumain ng almusal na hinanda ni mommy bago kami umalis ni lola. Tinulungan namin siyang makaakyat sa sasakyan, mamaya pa darating iyong private nurse niya na tinawag pa talaga namin sa agency. Natakot na kasi talaga kami sa biglaang pagsikip ng dibdib niya.

"Sabi ko naman kasi na ayos na ako eh." Giit ni lola ng maisakay na siya sa loob ng kotse.

"Kailangan pa rin ito lola," sabi ko atsaka umupo sa tabi niya. "Gusto mo bang tawagin ko sila kuya vlane para makapag-lunch tayo kasama sila sa labas?" Tanong ko pa.

Nagsimula nang umandar ang sasakyan palabas ng gate. Umayos ako ng upo at kinabit ang seatbelt ni lola, na talagang pinasadya namin para sa kaniya.

"Kung hindi sila busy, bakit hindi?" Ngumisi siya.

Napangisi na rin ako. "Alright." Tumango ako at tinxt si kuya at mga pinsan ko. Alam ko namang hindi tatanggi ang mga 'yon. Baka nga mas gusto pa nilang sumama sa amin ni lola kesa ang um-upo upo at ma-bored sa mga opisina nila.

Lumingon ako sa labas ng bintana ng kotse. It was a bright day. May mga nakikita akong naglalakad sa gilid ng daan, mga studyante o office worker. Kahit na naglalakad lang sila ay nagagawa pa rin nilang ngumiti at magtawanan.

Nakakabilib ang mga ganoong klaseng tao. Iyong tipong kahit hirap na ay nagagawa pa ring ngumiti. Ganoon nga talaga ang mga filipino, mga masayahin at matatag.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon