CHAPTER 14

12K 210 2
                                    

TANGHALI na nang magising ako. Kung hindi pa ako pinasok ni cain sa kwarto para gisingin ay baka talagang buong araw na akong tulog.

"Where is mommy and daddy cain?" Tanong ko sa kaniya nang buhatin ko ito palabas ng kwarto ko.

"At the kwitchen.." Aniya.

Napangiti ako. "Who told you to wake me up? Si kuya vlane ba?"

Tumango naman siya. Inabot niya ang buhok ko na madalas niyang ginagawa atsaka ito nilaruan.

He's still wearing his pajama's, paniguradong ayaw na naman nitong magpa-bihis.

Tahimik kaming bumaba ni cain at dumiretso sa kusina. Siguradong maagang umalis ang mga pinsan ko ngayon para asikasuhin ang mga meetings nila dito. Narinig ko ring pinag-uusapan nila kagabi na tatapusin na nila this week lahat ng works nila para makapag-outing kaming lahat.

"Goodmorning..." Nakangiting bati ko kay mommy at daddy nang maabutan ko sila sa kusina. Nagsusubuan na naman sila at naglalambingan.

"Its Good afternoon sweetie.." Pagtatama ni mommy atsaka tumayo. Tiningnan ko si daddy na malawak na naman ang ngisi habang nakamasid sa ginagawa ni mommy. Inaayos kasi nito ang kakainin ko. "Ibigay mo muna iyang kapatid mo sa daddy mo sweetie at nang makain mo na itong food mo." Sabi ni mommy.

Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Nang mabigay ko na si cain kay daddy ay dumiretso naman ako sa pagkaing sigurado akong siya ang naghanda."Thanks mom." Ngiti ko rito.

"Anything for my baby girl.." Aniya atsaka ako saglit na hinalikan sa noo.

"What about me, love?" Sabat ni daddy.

Natawa nalang ako nang makitang ngumuso ito na parang humihingi ng kiss. Nagpapaka-isip bata na naman si dad.

"Mamaya sa kwarto love." Sabi ni mommy dahilan para mabulunan ako. What the hell?

"Get a room!" Namumulang reklamo ko.

Nagkatinginan lang silang dalawa at nagtawanan. What the...? Kailangan pa ba nilang sabihin 'yon?

Pulang pula ang mukha ko nang pumasok si kuya vlane sa kusina. May hawak itong tray na mga plato na marumi nalang ang laman. "How is your grandma vlane?" Tanong ni dad.

"She eat a lot dad. Nagpapahinga na lang siya ngayon." Aniya atsaka bumaling sa'kin. "Why are you blushing?" Takang tanong niya.

Umiling lang ako at yumuko. Sila mommy naman kasi...masyadong sweet!

"By the way, 'yong party for a cost na balak ninyo ay naayos ko na. Kailangan nalang ang mga ideas ninyo para ma-settle na lahat ng mga kinuha kong party coordinator." Rinig kong sabi ni kuya.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila. "Good. Makikipag-appointment nalang kami sa kanila." Sabi ni dad.

Napangiti ako. Isa sa mga focus ng pamilya namin ngayon ay ang tumulong sa mga charity at mag-bigay ng sapat na edukasyon sa mga ulilang bata. Isa isa sa'min ay nagbibigay ng kontribusyon para isali sa auction. At 'yong mga makukuha namin sa auction ay didiretso sa mga charity na tinutulungan namin.

"May date na po ba kayong naiisip dad?" Tanong ko.

Tumingin muna ito kay mommy bago ako sinagot. "Balak ko sana naming gawin sa birthday ni cain..." ngiti ni dad.

Napatango naman ako bilang pag-sang ayon. Thats good. Gusto ko ring mamulatan ang tradisyon na ito ni cain.

"Magandang ideya 'yan dad." Sangayon ni kuya atsaka ako inakbayan. "Saktong sakto kasi balak ni victoria na mag-paint ng actual sa party." Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Wala akong sinabing may balak akong ganiyan!" Gulat kong bulalas.

"Magandang ideya rin iyon sweetheart. Siguradong maraming magbabayad ng malaki para sa ticket kapag nalaman nilang magpi-paint ka nang actual." Excited na wika ni mommy.

"Yeah. You are the famous victoria muriel Dela  fuentes, after all. People who loves painting will surely do everything just to be part of that party." Sang-ayon ni dad.

Napabuntong hininga nalang ako. "Nakakahiya lang po kasi..." Mahinang sabi ko.

"Little sis..." Hinila ako ni kuya palapit sa kaniya. Nginusuan ko lang siya. Siya ang pasimuno nito eh! "Hindi ka naman sisikat kung hindi ka magaling. Anong ikakahiya mo don?" Aniya.

Umiling lang ako at pilit na ngumiti. Kung makakabuti naman ito para sa charity, bakit hindi? Tutal naman ay hindi ako mahihirapan dahil ito naman talaga ang gusto ko.....ang mag-paint ng malaya.

IT WAS lunch time nang bisitahin ko si lola sa kwarto niya. Nandon din si kuya vlane para pakainin siya at asikasuhin ang pag-inom niya ng mga medicines niya.

"Hi..." Ngumiti ako nang sabay nila akong tiningnan pagkapasok ko ng silid.

"Come here victoria.." Ngumiti si lola atsaka nilahad ang dalawang braso.

Magiliw naman akong lumapit sa kaniya at sumampa sa kama niya para tanggapin ang kaniyang yakap. She's so sweet and kindhearted. Noong nabubuhay pa ang lolo ay mas masigla pa siya pero ngayon...dalawang taon pa lang ang lumipas buhat ng magpaalam sa 'min si lolo ay ramdam na namin ang panghihina niya. She once told us that she can't live without lolo. And it pained me, seeing her miserable and pretending to be happy everyday.

Alam namin na ikamamatay niya ang lungkot lalo na kapag nanatili pa kami sa states, thats why, napagkasunduan naming lahat na i-uwi siya rito. Gusto naming ipakita sa kaniya na nandito kaming lahat sa tabi niya. Gusto kong kami ang lakas niya para patuloy na lumaban.

"How are you?" Tanong ko sa kaniya.

Natawa siya atsaka inabot rin si kuya vlane para yakapin. Parehong malawak ang ngiti namin ni kuya nang kapwa kami yakapin ng mahigpit ng pinakamamahal naming lola.

"Maayos na ang lagay ko. Medyo nanlalambot nga lang pero ayos na ako." Aniya.

"That is good to here lola..." sabi ko.

Nag-angat ng tingin si kuya vlane sa kaniya, ganon din ako. "Tomorrow, aalis tayong lahat. We're going to victoria's favorite restaurant." Sabi ni kuya rito.

Lumapad ang ngiti ko at tumango kay lola. Bukas ang unang pagkakataon na makakasama ko silang lahat sa art restaurant, sayang nga lang at wala ang lolo para makasama namin doon.

But, i know for sure, that he's watching us. And he promise me that he will still guide me even if he'll die.

Napatingin ako sa litrato niya sa loob ng kwarto nila ni lola.

I love you lolo.

"I want that mga apo. Gusto kong makasama kayo hanggat nandito pa ako..." Sabi ni lolo.

Nanlaki ang mga mata namin ni kuya. "Lola!" Protesta namin ni kuya.

Natawa lang ito atsaka hinaplos ang pisngi namin nang bahagya kaming napahiwalay sa kaniya. "Come on...we both know na bilang nalang ang araw ko rito." Tipid siyang ngumiti.

"Don't say that lola. Malakas ka pa atsaka ayaw mo bang makita ang apo mo sa'kin?" Nakalabing sabi ni kuya vlane.

Napangisi ako. Apo, huh?

"I will always wanted that vlane. You know how much i love you right? At kahit wala ka pang hinaharap na apo ko sa tuhod sa'min ay mahal na mahal ko na siya." Masuyong sabi ni lola.

Nagkatinginan lang kami ni kuya at kapwa ngumiti ng matipid. Muli kong niyakap si lola ng mahigpit.

Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Iyong may sasabihin siya na para bang nagpapaalam na siya sa'min. I can't lose her yet, not now, not never.

Nawala na sa'kin si lolo at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakalimot...sana naman ay wag muna siyang kunin sa'amin.

"We love you lola...." bulong ko.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now