CHAPTER 10

10.3K 204 4
                                    

MAHAPDI AT  namamaga ang mga mata ko nang magising ako. Halos hindi rin ako makatulog kagabi pagkatapos kong tumakbo paakyat sa kwarto nang maramdaman ko ang hindi normal na pagsikap ng puso ko.

Hindi ko na kinaya ang mga narinig ko kay mommy kaya ako na ang umalis. Hindi ko na kasi kakayanin kung may idadagdag pa siya.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog 'yon. Tumatawag si skyrile.

Tinitigan ko lang ang pangalan niya sa screen. Magsasawa rin iyan at titigil mamaya. Ayoko rin muna siyang kausapin dahil naglihim siya sa'kin. Para niya na rin akong niloko dahil sinabi niyang mahal niya ako gayong engage na pala siya sa pinsan ko.

Wala sa sariling bumangon na lamang ako at pa-ika ika'ng pumasok ng banyo. Medyo mahapdi kasi ang sugat ko sa binti kapag kumikilos kaya dahan dahan lang ako. Hindi rin naman iyon malaki dahil daplis lang nang nabasag na wine glass ang sugat, sadyang mahapdi lang talaga.

Naghilamos lang ako at nag-tooothbrush. Magang maga talaga ang mga mata ko sa kaiiyak. Mukha tuloy akong zombie tingnan.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Nang silipin ko 'yon ay pangalan ni kuya ang nakita ko. Nag-message siya sa'kin.

Kuya,
     He called me. Hindi mo daw sinasagot ang tawag niya. Your man is worried sick little sis and i am too. Are you okay?

Napabuntong hininga lang ako at nagreply ng  'I'm okay..'

Kuya,
      I know you are not. Don't f*cking fool your brother. By the way, susunduin kita bukas sabay na tayong pumunta sa party ni mommy since ikaw ang nag-invite sa'kin.

Napailing nalang ako. Magagalit lang siya kapag sinabi ko ang nangyari sa'min ni mommy kagabi. Ayoko namang ako ulit ang maging dahilan para hindi sila bumalik ng daddy niya sa buhay ni mommy.

Ito nalang ang magagawa ko para sa kanila. Gusto kong ayusin ang mga bagay na nasira ko. Gusto kong maging masaya si mommy....

Papatayin ko na sana ang phone ko nang magpakita na naman sa screen ang pangalan ni skyrile. Hindi talaga ako titigilan ng lalaking 'to.

Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag niya.

"Aria! God! Kanina pa kita tinatawagan! Nasan ka ba? Wala ka ba sa bahay niyo? Kanina pa ako dito sa labas." Sunod sunod niyang sabi.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at napatakip ng bibig nang biglang bumuhos ang mga luha sa pisngi ko. Akala ko ubos na lahat ng luha ko kagabi, may ilalabas pa pala ako.

Lalong nababasag ang puso ko kapag naririnig ko ang concern sa boses niya. Dapat hindi na talaga ako nakipag-lapit sa kaniya. Dapat hindi ako nagpadala sa damdamin ko. Dapat hindi ako naniwala sa kaniya.....

"Aria? Are you still there?" Alalang tanong niya.

Napahikbi ako. "W-Wag mo na akong gag*hin skyrile...." halos pabulong kong sabi.

"W-What?"

Playing innocent, huh?

"T-Tama na. Lubayan mo na ako. Ayoko na." Nanginginig kong wika.

"Aria....hindi kita m-maintindihan..."

Napailing ako at hindi na nag-salita. "Aria? Where are you? Pupuntahan kita. We need to talk." Seryosong sabi niya.

"N-No need...." Napa-iling ako at mabilis na nagpunas ng luha. "Goodbye skyrile..." binaba ko na tawag at tinanggal ang batery ng phone ko.

Pabagsak akong humiga sa kama at binaon ang mukha sa unan. Sana maubusan na talaga ako ng luha para kahit masaktan pa ako, wala na akong ilalabas. Hindi na ako iiyak.


Always unwanted 💯Where stories live. Discover now