CHAPTER 25

8.4K 176 11
                                    

PILIT akong ngumiti nang tingnan ako ni cain. Ang pogi pogi niya sa suot na baby suit. Bagay na bagay sa kaniya ang disenyong ginawa ni mommy.

"Victoria," Nag-angat ako ng tingin kay mommy nang tumayo ito sa harapan ko. Naka-roba pa siya pero tapos na atang mag-make up. Gown nalang niya ang kulang and she will be done. "Hindi ko nagugustuhan 'yang pagiging matamlay mo, ha? Ilang linggo ka nang ganyan." Iling niya habang pinagmamasdan ako.

Napayuko lamang ako. Tulad niya ay tapos na rin naman akong ayusan, gown na susuotin ko nalang rin naman ang kulang. The party will start at 7 oclock. May isang oras pa kami para maghanda.

Ito ang unang araw ng party for cost ng aming pamilya. Sasakay muna kami sa isang cruiship para sa unang araw, pagkatapos ay ihahatid kami sa isang isla para sa second day. At ang pangatlong araw ay ang muli naming pagsakay sa cruiship pauwi sa manila. May mga iba't ibang program bawat araw. Sa tatlong araw na iyon mami-meet namin ang mga mayayaman at makapangyarihang tao at pamilya sa buong mundo. Lahat na kilalang tao ay imbitado para sa tatlong araw na party.

"May problema ka ba victoria?" Malumanay na tanong ni mommy.

Umiling lamang ako at yumakap sa baywang niya. Hinaplos naman niya ang kinulot kong buhok. "Kahit hindi mo aminin ay alam ko pa rin na may problema ka. Gabi gabi kang nananaginip at nagigising na umiiyak. Nag-aalala na kami sa 'yo." Malungkot niyang wika.

"Kapag ba naging selfish ako, mamahalin niyo pa rin ako mommy?" Bigla kong tanong.

Bumuntong hininga siya. "Ofcourse honey,"

Napapikit ako. "Then, I'll be selfish this time mommy." Ilang linggo ko rin itong pinag-isipan. Mula nang huling pagkikita namin ni skyrile ay wala na akong narinig mula sa kaniya. He gave me space. Gusto niya na magkaroon ako ng oras para mag-isip at mag-desisyon para sa aming dalawa. Pero sobrang haba naman ata ng oras na binigay niya?

Nauna na sila mommy sa venue dahil kailangan sila ng maaga doon. Si cain at lola naman ay sinama na rin nila kuya vlane, kasama rin nila sila tito martin. Niyaya nga nila ako kaya lang ay mas pinili kong magmukmok muna habang nag-aantay ng oras. Hindi ko rin kasi alam kung kaya ko bang humarap sa maraming tao ngayon.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito matapos ang ilang katok. May nakalimutan siguro si mommy kaya bumalik. Hinanda ko na ang pilit kong ngiti para hindi na rin ito mag-alala sa akin, pero mabilis lang rin 'yong nabura nang pumasok ang hindi ko inaasahang bisita. Nagtaas ito ng kilay nang makita ang gulat sa mga mata ko.

"Shock?" Nag-uuyam ang mga ngiti niya. "Hindi mo siguro inaasahan na dadalawin ka ng taong inagawan mo ng asawa, 'no?"

Napalunok ako. "S-Samantha...." Gusto kong mag-sorry at magpaliwanag sa kaniya pero anong sasabihin ko? Sa galit niya ngayon  ay mukhang wala siyang pakikinggan sa mga sasabihin ko.

Lumapit siya sa akin. Galit na galit ang titig niya sa 'kin. "Bakit kapa kasi bumalik?! Ha?! Sana masaya na kami ngayon! Bakit ba ang hilig hilig mong mang-agaw?!" Tinulak niya ako sa braso. "Namatay ka nalang sana!"

Humakbang ako ng humakbang paatras hanggang sa mapaupo ako sa sofa. "S-Samantha...." Umiiling ko siyang tinitigan. Naaamoy ko ang matapang na alak sa kaniya.

"Ano?!" Singhal niya na nagpa-igtad sa akin. Dinuro niya ako. "You slutty bitch!" Sinampal niya ako. Tumunog ang lalakas non at para akong nabingi. "Para kang mauubusan ng lalaki! Bakit hindi mo nalang kami hayaan, ha?! Bakit kailangan mo pang landiin siya?! Hindi kana dapat bumalik, eh! Dapat nabulok ka nalang sa ibang bansa at hindi na ulit nagpakita sa amin!!" Galit na galit niyang sigaw.

Tinabig niya lahat ng babasaging gamit sa tabi ko. Maski ang mga vase ay hindi niya pinalampas. Napasiksik ako sa sofa nang itapon niya lahat ng iyon malapit sa paa ko. Napaigik ako nang may mga bubog ang tumama sa kanang paa hanggang sa binti ko. Ang puting roba kong suot ay nabahiran na ng dugo ang baba.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon