CHAPTER 36

5K 88 9
                                    


Sa araw na 'to. Kami lang ni Mommy at Cain ang nasa Mansiyon. Naging abala na kasi sila Daddy, Kuya Vlane at mga pinsan ko sa pag-aasikaso ng mga hindi nila nagawang meetings noong nasa ospital ako. Natambakan sila ng paper works kaya halos wala na rin silang time magpahinga.

Si Lola Vicky naman ay parati nang kasama si Lola Amanda sa salon o pagsa-shopping. Noong maging close ang dalawang 'yon, hindi na namin mapaghiwalay. Silang dalawa lang daw kasi ang makakaintindi sa isa't isa. Parehas na daw kasi silang matanda.

Natutuwa na lamang kami kasi nage-enjoy silang dalawa sa buhay nila. Hindi na rin nanghihina o matamlay si Lola Vicky kaya hinahayaan na lang din namin. Kahit papaano kasi nakakalimutan niya ang pagkawala ni Lolo.

Binuhat ko si Cain nang abutan ko siyang naglalaro ng robot niya sa kusina. Nandoon din si Mommy na abala sa mga pagkaing nilalagay niya sa mga baonan.

Nginitian niya kami nang lapitan namin siya ni Cain. "Ready na ba kayo?" Tanong niya habang abala sa ginagawa. "Saglit nalang, victoria. Patapos na ako." Sabi niya.

Tiningnan ko ang mga niluto niya. "Bakit pa ho kayo nagluto, Mommy?" Tanong ko.

"Ano ka ba, nakakahiya namang wala tayong dala." Katwiran niya.

Napailing na lamang ako at pinanggigilan si Cain. Umupo ako sa isang stool 'tsaka ko siya binaba sa Island counter. Mahapdi pa kasi ang sugat ko. At hindi pa ako pwedeng magbuhat ng matagal.

Nakipag-kulitan na lang ako kay Cain habang inaantay si Mommy na matapos sa ginagawa. "Cain, ano ngang pangalan ni Mommy?"

"Liezel Muriel Dela Fuentes." Diretsong sagot niya.

Natawa ako. "Galing naman," Sinuklay ko ang medyo mahaba niyang buhok. "Hmm Ano namang pangalan ni Daddy?"

"Rodel Afonso Dela Fuentes."

Pumalakpak ako. "Siguradong hindi ka mawawala!" Sabi ko.

"Syempre! Well trained na 'yang kapatid mo." Natatawang sabat ni Mommy. Nasa Paper bag na ang mga pagkain at naghuhubad nalang siya ng Apron. "I'm done!" Anunsiyo niya.

Tumango ako at akmang bubuhatin ulit si Cain nang bigla akong mapaupo. Nasapo ko ang sugat ko.

"V-Victoria? Why? M-Masakit ba?" Tarantang tanong ni Mommy.

"Kumirot lang po.." Nakangiwing sagot ko.

Napabuntong hininga naman siya. "Huwag ka munang magbubuhat, okay? Pwede mo namang laruin si Cain ng hindi siya kailangang kargahin, eh." Alalang tanong niya.

Tumango lang ako at ngumiti. "I'm fine, mommy. Alis na po tayo?" Tanong ko.

Tinitigan niya ako. "Kaya mo ba? Pwede namang mamaya na lang tayo umalis? Tatawagan ko nalang si Jane.." Pinigilan ko siya ng akmang kukunin niya ang phone niya sa bag.

Umiling ako at malapad na ngumiti. "Mommy, relax. I'm fine." Hindi na siya dapat nag-aalala sa akin. Nalampasan ko na ang limang buwan ko sa COMA. I'll be fine.

Napalunok siya. "Okay. Just tell me kung may iba kang nararamdaman." Buntong hininga niya.

Tumango ako. Binuhat niya naman sa Cain at nagpatulong sa mga kasambahay para dalhin ang mga gamit namin. Sabay sabay kaming naglakad palabas. Nasa harap na rin ng entrada ang suv na gagamitin namin. Nag-aantay na doon ang driver.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon