CHAPTER 28

7.3K 130 7
                                    

NAGULAT sila mommy nang makita si skyrile na natutulog sa sofa. Halos magha-hating gabi na rin nang makauwi sila kaya nang ako ang nagbukas nang pinto ay nagulat sila ng makitang gising pa ako.

"Is that skyrile villafontia?" Naguguluhang tanong ni lola. Bakas na sa mukha niya ang pagod at antok kaya imbis na sagutin ang tanong niya ay iginaya na lamang siya ng mga lalaki sa kwarto niya. Makahulugan lamang akong tiningnan ni kuya. Ang mga pinsan ko naman ay nanatili ang kaseryosohan sa mga mukha nila.

"You have to rest, 'la." Rinig kong sabi ni kuya.

"Victoria?" Napalingon ako kay mommy at daddy na nanatiling nasa harap ko. "What is he doing here?" Seryosong tanong ni daddy.

Napatingin muna ako kay jethro na nakatayo sa tabi ko. "He's drunk, 'dy." Sabi ko.

"Ako po ang nagdala sa kaniya dito, tito. Kasalanan ko po. I'm sorry." Pagpapatuloy ni jeth.

Malakas na bumuntong hininga si mom. "Why jethro? Alam mo namang sinaktan ng asawa niya si victoria." Napahilot ng sintido si mommy. Pinagmasdan ko sila. They look tired. Nakaramdam na naman ako ng guilt. Dapat ay nagpapahinga na sila ngayon imbes na problemahin pa ako.

"Divorce na po sila tita..." Napayuko si jethro sa sinabi niya.

Siniko ko siya at pinanlakihan ng mga mata. Kinunotan niya lang ako ng noo na para bang sinasabi niyang walang mali sa sinabi niya. Napailing nalang ako.

"Seriously, ano ito victoria?" Mahinahong tanong ni daddy.

Napalunok na lamang ako at matapang silang tiningnan. "N-Nakipag-hiwalay po siya kay s-sam para sa akin..." Iyon lamang ang nakaya kong sabihin. Mukhang nakuha naman nila ang ibig kong sabihin dahil sa pagtitinginan nilang dalawa. Kinabahan ako.

"Kaya siya nandito? Hahayaan mo siyang bumalik sa buhay mo kahit nagpakasal siya sa ibang babae habang nag-aagaw buhay ka, victoria?" Napatingin ako kay kuya vlane nang lumabas ito ng kwarto nila. Hindi pa ito nagbibihis.

"H-He has reason,kuya." Halos pabulong ko nang wika. Naninikip ang dibdib ko sa bahaging iyon ng buhay ni skyrile. Bakit kasi hinayaan niyang manipulahin siya ng ibang tao? Bakit...hindi niya muna sinugurado na buhay pa ako?

"Kung ano man 'yon ay hindi pa rin tamang magpakasal siya sa iba gayong ikaw naman ang mahal niya." Ani ni kuya.

Nangilid ang mga luha ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at hindi na nakapag-salita. Tama siya. Hindi pa rin tama ang ginawa ni skyrile, pero para sa akin ay walang tama at mali sa ginawa niya. Hindi ko man alam ang ibang rason kung bakit siya nagpatali sa iba ay hindi ko na iisipin pa iyon, ang importante nasa akin na siya ulit.

"Victoria," Napatingin akong muli kay daddy nang mahinahong pa rin itong nag-salita. "Sigurado ka bang nakipag-hiwalay na siya?" Tanong niya.

Mabilis akong tumango. Hoping that they will understand. "Pinakita niya po ang divorce paper sa akin." Sabi ko.

Bumuntong hininga ang daddy. "Okay, then.." Napatingin siya kay mommy. "Kung inayos na talaga lahat ni skyrile...hayaan na natin sila. I want our victoria to be happy." Naluha ako sa sinabi ni daddy. I mouthed 'thank you' to him.

Napatingin naman ako kay mommy. Please 'my. Sana pati ang suporta niya ay makuha ko. Ngayon ko sila higit na kailangan ni daddy. Ngayon kung kailan nag-desisyon na akong lumaban para kay skyrile at para sa mundong pina-pangarap naming buo-in.

"Do you really love him, victoria?" Tanong ni mommy na nag-pangiti sa akin.

Tumango ako at sumulyap kay skyrile. "So much..." Bumaling akong muli kay mommy at daddy. "Mahal na mahal ko po siya. Noon pa man ay si skyrile na talaga ang lalaking gusto kong makasama. Siya lamang ang gusto kong  makasama sa lahat ng hirap at saya mommy, daddy." Tumingin ako kay kuya. "Hindi ba't sinabi mo noon na, kapag mahal mo gagawin mo ang lahat para makasama siya. Kuya, gagawin ko ang lahat para sa kaniya." Muling tumulo ang mga luha ko. "Parati nalang siya ang gumagawa ng paraan para sa aming dalawa, ngayon ako naman po." Hikbi ko.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon