CHAPTER 43

4.8K 80 2
                                    

Hindi ko na alam kung ilang ulit ko pang binasa ang nakasulat sa papel na inabot ni Jena. Hindi ko na rin mabilang kung ilang buntong hininga ang pinakawalan ko habang mariing tinititigan ang maliit na kapiraso ng papel, na hindi ko na mabitawan kanina pa.

"Ano bang nakasulat sa papel, Victoria? Bakit lumong lumo ang itsura mo?" Usisa ni Daddy. Napansin niya rin ata ang pananahimik ko sa likod nila.

"Sa Friday pa pala ang flight nila, Daddy. 10am sharp. Apat na araw pa pala ang kailangan kong antayin para makausap ko sila." Gusto ko kasi sanang matapos ito ngayon o bukas. Ayoko na sanang patagalin pa dahil may nag-aantay sa'kin.

I sighed. Apat na araw pa pala ang kailangan kong tiisin at antayin. Kamusta na kaya si Skyrile? Kumakain ba siya ng maayos? Nakakatulog ba siya ng mapayapa? Nahihirapan na rin ba siya? Sana...sarili na lang muna niya ang isipin niya. Love yourself first, Skyrile. Pagkatapos ng lahat ng ito, ako mismo ang tatakbo papunta sa'yo. Hintayin mo lang 'ko, baby. Papalayain ko lang ang sarili ko para buong buo kong mabigay ang puso ko sa'yo.

"Mabilis lang lumipas ang araw, Anak. Mabuti na rin 'yan at may panahon ka pa para makapag-pahinga. You still need time, Victoria."

Sumandal ako sa likod ng upuan at lumingon sa labas ng bintana. Sabagay. Kailangan ko nga namang magpalakas at mag-ipon ng tapang. "Daddy, tingin mo ba kakausapin ako ni Tita Tricia? Siguradong galit na galit pa rin siya hanggang ngayon." Malungkot kong sabi.

He sighed heavily. "Siguro nga, anak. Siguro nga galit pa rin siya hanggang ngayon pero wala na tayong magagawa pa para alisin 'yon sa kaniya. Nawalan siya ng anak at siguro....galit nalang ang meron siya para manatiling matatag. Victoria, naniniwala pa rin ako na ang matigas na puso, pwede ring lumambot kapag tumagal. Matatanggap niya rin, anak. At sana makalimutan niya na rin ang galit niya sa'yo." Nangilid ang mga luha ko. Posible kayang mabura ang galit niya sa'kin? Para kay Tita Tricia, ako ang dahilan kaya namatay si Samantha. Mapapatawad niya pa kaya ako? "You both need to talk, Anak. Kailangan niya na sigurong malinawan at magising sa katotohanan na wala na ang anak niya. Kailangan niya nang mag-move on at ituloy ang buhay dahil 'yon ang dapat. 'Yon ang gusto ng anak niya para sa kanila. Isa pa'y may atraso siya sa'yo, sana'y ma-realize niya rin 'yon kalaunan.

   Ikaw naman ay kailangan mo rin siyang makausap para maalis na 'yang guilt na nararamdaman mo at para makahingi ng tawad, kahit hindi ko maintindihan hanggang ngayon kung anong mali ang ginawa mo sa kanila. Ikaw ang sinaktan nila pero ikaw ngayon ang naghahabol para humihingi ng tawad. Iniisip ko nalang na kailangan mo ito para lumaya ka ng tuluyan sa hindi patas mong nakaraan. Gawin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo, Anak. Susuportahan nalang kita sa lahat ng gagawin at desisyon mo...basta masaya ka."

Nagpunas muna ako ng luha bago siya nilingon. "Thank you, Daddy. Kahit nahihirapan ka na at nasasaktan, hindi mo pa rin ako iniiwan. Salamat dahil parati kang nandiyan sa tabi ko. Salamat kasi parati mo akong iniintindi. At salamat po kasi mahal na mahal mo 'ko..." Garalgal ang boses kong sabi. Noon, sa tuwing pakiramdam ko walang nagmamahal sa'kin, iniisip ko lang siya. Kahit kasi nasa kulungan siya noon parati ko pa ring nararamdaman ang pagmamahal niya.

Hindi man perpekto ang buhay ko. Hindi man ako namulat sa mga fairytales. At hindi man ako agad namulat sa mga magagandang bagay. Siya pa rin ang first love ko, My Super hero, My savior, My loving father...My one and only Dad.

"I love you so much, Victoria. You're my first light, my hope, my strength, my serenity, and you are my daughter. Sobrang saya ko na nanatiling mabuti at malinis ang puso mo sa kabila ng lahat ng masasakit na pinagdaanan mo sa buhay. I'm so proud of you, Anak."

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon