CHAPTER 40

5.1K 81 4
                                    

Three years

Sa loob ng tatlong taon, I tried so hard to build myself. And ofcourse stay alive...while waiting for her.

Na-isip ko rin na baka tama si Zoel. Kailangan niyang mabuhay at buuin ang sarili niya ng wala ako. Kaya nakukuntento na lamang ako sa mga naririnig kong balita tungkol sa kaniya. Hindi naman na pinagdadamot ni Zoel ang mga importanteng impormasyon tungkol sa kaniya. Although, hindi niya pa rin sinasabi kung nasaan si Aria. Natatakot ata ang loko na hindi ko mapigilan ang sarili at puntahan ko ang kapatid niya. I sighed. Sabagay, kung alam ko nga talaga kung nasaan siya...baka nandoon na ako ngayon.

Baka katabi niya na ako ngayon....

"Kailan daw siya babalik, Zoel?" Mariing tanong ko habang diretso lamang ang tingin sa baso ng alak na hawak ko.

Nasa bar kami ngayon. Gusto daw niyang uminom kami. Inatake na naman siguro 'to ng kaartehan at mas gusto rito kesa sa Condo ko nalang. Mabuti na lang nga at tapos na ako sa mga meetings ko nang magyaya siya. Pero hindi ko rin naman palalampasin ang pagkakataong ito. Siguradong may balita na naman siya para sa'kin.

"You wait, Asshole. Nagpapagaling pa ang kapatid ko at galit 'yon sa'yo dahil sa pagpapakasal mo kay Samantha." He hissed.

Napatiim bagang ako. "Hanggang kailan ako mag-aantay? Paano kung makahanap na siya ng iba? At paano kung makalimutan niya na nga talaga ako?! Anong mangyayare sa'kin, Zoel?" Asik ko. She needs to go home to me, Now! "Saan ako pupulutin? Huh?" Galit kong tinungga ang alak sa bago ko.

Sinenyasan ko ang bar tender na lagyan ulit ako ng inumin. "Goodness! Halos sa ospital na nga siya tumira, tingin mo may panahon pa siya para humanap ng iba?!"

Matalim ko siyang nilingon. "Bakit hindi mo nalang kasi sabihin kung saang lupalop ninyo siya tinatago, huh?! Tatlong taon na akong nag-aantay! Maawa ka naman sa'kin, Zoel! Para na akong mababaliw dito!"

Napailing siya. "Hanggat hindi pa tapos 'yang problema mo sa kasal ninyo ni Samantha, hindi ko siya ibabalik sa'yo. Mabaliw ka diyang gago ka! You deserve that."

Nag-init lalo ang ulo ko. Napamura ako sa sobrang inis. "Isa pa 'yang pinsan mo! Magkamag-anak talaga kayo 'no? Parehas kayong mga gago! Akalain mo ba namang harangin niya ang mga ginagawa ng attorney ko para mawalan ng bisa ang kasal namin na 'yan?! Ayaw pa akong pakawalan! Tangna talaga!"

"Don't be so harsh to her. You're being heartless. Pinasok mo ang gusot na 'to kaya lumabas ka ng may pag-iingat. Don't hurt her too much, Skyrile. Pinsan siya ng babaeng sinasabi mong mahal mo kaya ayusin mo 'yan."

"Sinusubukan ko namang idaan sa maayos na usapan! BPero 'yang pinsan mo, hindi ata marunong umintindi! Mas gusto niya pang parehas kaming mahirapan kesa ang palayain ako! Umaasa pa daw siya na makakalimutan ko si Aria! Pvta!" Nagulo ko nalang ang buhok.

Uminom ako ulit. Mabilis din naman akong sinalinan ulit ng bartender.

"Tsk. Ano bang sabi ng attorney mo kung hindi makikipag-cooperate si Samantha? I thought, madali lang 'to dahil hindi naman dumaan sa tamang proseso?" Sabi niya.

Akala ko rin! "Kailangan daw naming mag-antay ng matagal. Ang korte na daw ang bahala. Taon daw ang aabutin dahil hindi lang naman kami ang kasong tinututukan nila. Gusto ko nga sanang idaan sa koneksiyon kaso gusto ko, dumaan lahat sa legal na proseso. Madali lang naman sana ang lahat ng 'to kung nasa tamang pag-iisip lang 'yang pinsan mo! Parang manhid kasi! Ni hindi na nga ako umuuwi o nagpapakita sa kaniya para matauhan pero mukhang mas lumakas pa ang loob!"

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now