CHAPTER 29

8.5K 137 38
                                    

"LADIES AND GENTLEMEN, OUR VERY OWN MS. VICTORIA MURIEL DELA FUENTES!"

Narinig ko ang palakpakan ng lahat.

Bumukas na ang ilaw kasabay ng musikang pumalibot sa buong lugar habang nagpipinta ako. Tumingin ako sa emcee at ngumiti rito. Ilang taon na itong emcee sa mga auction ng aming pamilya kaya kilala ko na rin ito. He was famous pagdating sa mga ganitong bagay kaya marami ang kumukuha sa kaniya. Luckily, ay nanatili siya sa amin hanggang ngayon.

Tumayo na ako at humarap naman sa mga nanununod para kumaway. Natawa pa ako nang marinig ang mga sigawan ng mga pinsan ko. Sila lamang ang maingay kaya hindi ko maiwasan ang isiping para silang mga bata.

"Do you want to say something, Ms. Victoria?" Tanong ni Harry, the emcee.

Tiningnan ko ito at inilingan. I'm not fan of this kind of....publicity. Okay na sa akin ang modeling dahil sanay naman na ako at kay mommy naman iyong mga sinusuot ko. Ito namang pagpipinta ko sa maraming tao ay huli na dahil nanginginig ang mga kamay ko sa kaba. Gusto ko na lamang umalis na kaya nang sabihin ni harry na sisimulan na ang auction ay dali dali akong yumuko at nagpaalam na sa lahat.

Sa backstage ay unang hinanap ko si skyrile pero hindi siya mahagip ng mga mata ko. Ang sabi niya ay hihintayin niya ako rito pero saan naman kaya siya nagpunta? Nasa CR kaya?

"Hi victoria! You did great! Congratulations!" Napatingin ako sa event organizer ng buong party.

Ngumiti ako rito. "Thank you, marga." Pasimple akong luminga sa paligid. Where is he? Ang sabi niya ay sabay kaming bababa?

"Welcome..." Mukhang napansin niyang may hinahanap ako. "Hinahanap mo si mr. Villafontia?" Tanong niya dahilan para nahihiyang napatingin ako sa kaniya.

"Sorry, nakita mo ba siya?" Hiyang hiyang tanong ko.

Natawa ito. "Okay lang 'no!" Tumingin siya sa fire exit atsaka tinuro iyon. "Nakita ko siyang pumunta roon," aniya.

Kumunot ang noo ko. "Fire exit?" Takang tanong ko.

"Yeah." Nagkibit balikat siya. "May kausap ata." Sabi niya pa.

Napakurap ako. Sino naman ang kausap niya? At bakit kailangan doon pa? Masyado bang private ang pag-uusap na iyon?

"By the way victoria, may kailangan pa pala akong gawin. I'll see you later nalang ha?" Sabi niya kapagkuwan.

Tumango na lamang ako at bahagyang ngumiti. Nahihiya pa rin ako sa inasal ko kanina. Hindi tamang wala sa kaniya ang aking atensyon gayong halata namang gusto ako nitong pakinggan siya. Nang makaalis siya at maiwan na lamang ako kasama ang mga busy na staff sa paligid ay napatitig ako sa pinto ng fire exit. Kanina pa ba siya nandon?

Tumingin ako sa suot na wristwatch. Sampong minuto na akong nandito pero hindi pa din siya lumalabas at kung sino man ang kausap niya.what took them so long?

Huminga ako ng malalim atsaka tumingin sa paligid. Nang makitang wala namang nakakapansin sa akin ay hindi ko na napigilang lumapit sa fire exit. Hindi naman siguro ako dadalhin ng kuryosidad ko sa kapahamakan diba? And besides, si skyrile lang naman iyon.

Muli akong huminga ng malalim bago dahan dahang tinulak ang bakal na pinto. Medyo mabigat ito kaya kalahating pwersa pa ang ginawa ko, ngunit hindi ko pa man nalalakihan ang pagbukas nito ng makarinig ako ng mga nagtatalong boses mula sa loob. Natulos na lamang ako sa kinatatayuan at nakinig.

Hindi ko alam na ito pala ang tuluyang yayanig sa mundo ko.

"Ako ang tunay niyang ina skyrile! Ako ang may karapatan sa sakaniya pero bakit nilalayo ninyo siya sa akin?!" Iyak ng taong pamilyar na pamilyar sa akin. Ang mommy ni kuya zoel....ang tunay kong ina.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now