CHAPTER 8

10.1K 181 1
                                    

HINDI MAKAPANIWALANG binalingan ko siya ng tingin pagkaalis ng mga kaibigan niya sa garden. Naiwan na lamang kaming dalawa, hindi siya makatingin sa'kin samantalang ako ay nilulusaw na siya sa titig. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko pero mas nangingibabaw pa rin ang kagustuhan kong may malaman tungkol sa sinabi ni evan.

"Parating nagpu-punta dito si sky kapag nandito ka kaya alam namin kung saan siya hahanapin."

Napapikit na lamang ako nang maalala ko na naman ang sinabi ni evan kanina. Madalas ako dito sa likod ng school dahil tahimik at maganda ang garden dito, hindi ko naman alam na may kasama pala ako dito parati at worse si skyrile pa 'yon.

Ibig sabihin...nakikita niya akong parating umiiyak dito? What the...?

"Aria...."

Tinaasan ko lang siya ng kilay ng sa wakas ay mag-angat na siya ng tingin sa'kin. Namumula pa ang mukha niya at bahagyang napapalunok.

"Pinaglalaruan mo ba ako skyrile?" Seryosong tanong ko.

Nanlaki naman ang mata niya. "What? Ofcourse not!"

"Then, explain to me, what evan said." Matigas at seryoso kong tanong.

Sunod sunod naman siyang napalunok. "I-Its true.."

Umawang ang labi ko. "What the hell skyrile!" Di makapaniwalang sabi ko.

"I'll explain, okay?" Buntong hininga niya.

Napabuntong hininga naman ako at tumango. Bumalik ako sa inuupuan ko kanina at prenteng umupo roon. Tiningala ko siya at hinintay ang paliwanag niya.

"I just want to know you. Gusto kitang lapitan everytime i saw you cry pero tang*na! Nababakla kasi ako." Inis niyang wika. "Dalawang taon. Dalawang taon akong nakabuntot sa'yo. Tang*na! Naging stalker mo 'ko pero wala akong pakialam don! Ang importante makita kita araw araw."

"Skyrile..."

Lumapit siya sa'kin atsaka lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang dalawang kamay kong nakapatong sa aking hita. "Kaya laking tuwa ko nang ikaw mismo ang lumapit sa'kin. At hindi ako gag* para pakawalan ang oportunidad na 'yon. Ginawa ko lahat pansinin at bigyan mo lang ako ng pagkakataong maging bahagi ng buhay mo. Aria, gustong gusto talaga kita."

I was speechless.

"HINDI KA pa rin ba naniniwala sa mga sinabi ko kanina?" Tanong niya habang nasa kalsada ang buong atensyon niya.

Umiling ako. "Naniniwala." Simpleng sagot ko.

"Naniniwala ka na parang hindi."

Ngumuso ako. "Naniniwala nga ako."

"E, bat ang tahimik mo?" Kunot noong tanong niya.

"Wala." Ngumiti ako. Masaya lang ako at hindi pa rin makapaniwalang nasa tabi ko siya ngayon. "Malapit na tayo. Itabi mo lang sa unang madadaanan mong restaurant." Sabi ko sa kaniya nang mapansing malapit na kami sa surpresang sinasabi ko sa kaniya.

"Kakain tayo?" Tanong niya. Tumango ako. "Seryoso? 'Yon talaga ang sinasabi mong surpresa sa'kin? Kakain?" Manghang aniya.

Ngumiti ako nang huminto ang kotse niya sa harap ng arts restaurant. "This is my favorite restaurant, skyrile." Binalingan ko siya ng tingin. "Do you want to enter in my world, right?" Ngumiti atsaka inabot ang kamay niya. "Hahayaan na kitang makapasok ng buo sa buhay ko simula ngayon....just please, take full responsibilty of my happiness and heart."

"Aria..." Halong gulat at tuwa ang bumalatay sa mukha niya nang titigan niya ako. "Oh god...Thank you! Thank you!" Masayang aniya atsaka ako hinila at niyakap ng mahigpit.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon