CHAPTER 32

6.6K 127 8
                                    


Jane

"I-I'm so sorry, j-jane."

Napasinghap kami nang bigla na lamang siyang lumuhod sa harapan ko. Natuod ako sa kinatatayuan at hindi alam kung ano ang gagawin. Nalilito ako.

But, nangako ako na gagawin ko ang lahat para sa anak ko, para kay aria.

"T-Tito...." Suminghap si zoel at akmang lalapitan ang taong kinamumuhian ko noon na ngayon lamang lumuhod at humingi ng tawad sa akin, nang pigilan siya ng daddy niya.

Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Ang sakit sakit pa rin pero sa tuwing naiisip ko si aria, gumagaan ang lahat. Unti unting nabubuksan ang puso ko na matutong lumimot at magpatawad. Gusto kong subukang magsimula kaming ulit para sa anak ko. Hindi man sa ngayon pero pwede naman naming subukang simulan, hindi ba?

"M-Mahal na mahal lang k-kita noon. A-Alam kong walang magandang dahilan p-para gawin ko 'yon sa'yo pero kasi wala ako sa sarili noon. Ang tanging n-nasa isip ko lang ay ang m-mahalin mo rin ako. I-I'm so sorry for ruining your life, career and family. Please, forgive me....." Aniya. Napahagulgol ako. "Naiintindihan ko kung hindi mo pa ako lubusang mapapatawad sa ngayon....pero baka pwede naman tayong magkasundo para kay victoria. Kailangan niya tayo. Kailangan ka niya sa tabi niya..." Nanghihina akong napaupo sa upuan sa tabi ko. Hindi ako nakapagsalita at tanging iyak lamang ang naging sagot ko.

Noon ko pa gustong gawin niya 'to, ang humingi ng tawad at lumuhod sa harapan ko. Ito lang naman ang gusto ko...pero kung ginawa niya siguro ito noon baka hindi ko pa rin naman matanggap dahil sarado pa ang puso ko. Galit na galit ako noon to the point na pati ang sarili kong anak ay nadamay. Sinisi ko sa kaniya lahat at sa kaniya ko naibuntong lahat ng galit ko. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nahihirapan ngayon.

Ngayong nasa harapan ko na ang taong kinamumuhian ko, nakaluhod at nagmamakaawang patawarin ko, kahit papano nawawala na ang agam agam ko sa puso't isipan.

Matagal na akong humihingi ng tawad sa Diyos at kay aria sa mga nagawa ko. Maski ang mga nahirapan noon ng dahil sa akin ay hiningan ko na nang tawad. Lahat sila napatawad na ako. Lalo na ang anak ko, ramdam kong kahit kailan ay hindi siya ng nagtanim ng galit sa akin. Mahal na mahal niya ako kahit na napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya.

Kaya ngayon, gusto ko namang subukang patawarin ang taong nakagawa sa akin ng kasalanan, para sa anak ko. Kung siya nga napatawad ako, sino naman ako para hindi magpatawad hindi ba?

"Its okay, mom." Lumapit sa akin si zoel. "Kung hindi mo pa kaya ngayon, maiintindihan namin. Maiintindihan din ni tito kung hindi ka pa handang magpatawad." Pag-aalo niya.

Huminga ako ng malalim. Pilit na pinipigilan ang mga hikbi at sinimulang kalmahin ang sarili. Suminghot ako at unti unting pinunasan ang mga luha ko.

Nag-angat ako ng tingin kay zoel. "Kaya ko....para kay aria..." Determinandong sambit ko.

"R-Rodel..." Bumaling akong muli sa lalaking hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin sa harapan ko. "I-I can forgive you, b-but not now. P-Please give me m-more time, that's all I ask..." Nanginginig pa rin ang mga labing sabi ko.

"I understand jane," Sabi niya. Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Thank you," Sincere niyang sagot.

Tumango lamang ako. Lumapit naman sa kaniya agad si zoel para alalayan siyang makatayo.

"I'm so proud of you...."

Napangiti ako at nag-angat ng tingin sa lalaking pinaka-mamahal ko, si zoey. Noong iniwan nila ako ni zoel akala ko hindi na ulit kami magkakasama. Akala ko hindi ko na ulit siya mayayakap at mahahawakan. Hindi ko alam kung paano ko kinaya lahat noong wala sila, siguro niligtas ako nang isang parte sa akin na nagmamahal kay aria.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now