CHAPTER 19

10.4K 203 1
                                    

MABILIS na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Abala ang mga tito, tita at mga pinsan ko sa mga negosyo namin kaya minsan nalang talaga kami nagkakasamasama.

Si kuya naman ay nadadalas na rin sa kumpanya niya kasama si dad na tinutulungan siya. Si mommy naman ay abala rin sa kaniyang botique kaya madalas ay sinasama niya si cain at lola, lalo na kapag abala ako sa pagpi-paint.

Ngayong araw ay ako lang at si jethro sa bahay. Wala siyang gagawin ngayon kaya lakas ng loob na mag-ayang manood ng movie. Puyatan daw kami sabi niya. As if naman kaya niya eh alam ko namang kulang siya sa tulog dahil nga sunod sunod ang mga shows niya this past few weeks. Ngayon lang talaga naging libre ang araw niya.

"Gusto ko 'yong nakakatawa!" Sabi niya nang ayusin ko ang dvd sa sala.

"Horror nalang!" Giit ko.

"Di pwede. Takot ako sa multo!" Iling niya.

Natawa ako. "Ang laki mong tao jethro! Mahiya ka naman kay cain!" Natatawang sabi ko.

Sinimangutan niya lang ako at inirapan. Umiling nalang ako at umupo na sa tabi niya ng maayos ko na iyong papanuorin naming COMEDY. Siya muna ang boss ngayon kasi alam kong pagod siya.

Iyong pelikula ni vice ganda iyong pinapanuod namin, matagal na 'to pero ngayon ko lang napanuod kasi wala naman nito sa states. This guys in love with you pare ata ang title...kasama dito si luiz manzano at tony gonzaga.

Natatawa nga ako kasi ang lakas ng tawa ni jethro hindi tuloy ako makapag-focus sa panunuod. Sa hagalpak niya lang na nakakaawa ako natatawa eh. Para siyang bata na ngayon lang nakanuod ng comedy.

Napailing nalang ako at hinayaan siya kahit masakit minsan sa tenga. 'Yong tawa niya kasi minsan parang nang-aasar na eh. Nilalapit niya pa sa tenga ko ang bibig niya atsaka siya hahalakhak kahit nasa drama scene naman.

Hay nako.

Nang matapos naman ang movie ay nag-aya siyang pumunta sa botique ni mommy. Magpapasukat na daw siya para sa damit na susuotin sa launching ni mommy, sa mismong araw iyon ng party for a cause kaya lahat ng kikitain ay mapupunta sa mga batang kapus palad at di makapag aral. Nasa finale kami ni jethro doon, first time ko iyon kaya kabado ako. Buti nalang at nangako naman si jethro na aalalayan niya ako.

"Nagpasukat kana ba sa mommy mo?" Tanong niya nang makabalik na ako sa sala pagkatapos kong magbihis.

"Alam na ni mommy sukat ko. Diba nga siya gumagawa ng mga damit na suot ko?" Sabi ko.

"Oo nga pala." Ngumisi siya. "Tara na?"

Tumango ako at sumunod na sa kaniya. Pinagbuksan niya ako ng frontseat ng sasakyan niya bago siya umikot papunta sa driver seat.

"Hindi ba magagalit manager mo?" Tanong ko.

"Nagpaalam na ako." Sabi niya naman habang nagmamaneho.

Tumango nalang ako at natahimik.

Nang makarating kami sa botique ni mommy ay kaagad nagsuot ng shades si jethro bago bumaba ng sasakyan.

"Salamat." Sabi ko ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"Marami kayang sinusukatan si tita ngayon?" Tanong niya.

"Ewan ko lang. Hindi ko natanong." Kibit balikat kong sagot.

Dumiretso na ako papasok sa loob. Maraming mga halatang mayayaman ang tumitingin sa mga naka-display na gowns ni mommy, ang iba pa dito ay tila may nagustuhan na.

Napangiti ako ng makita ang secretary ni mommy, buhat buhat si cain. Kumaway ako at agad lumapit dito. "Hi shiela! Hi cain!" Bati ko sa kanila.

"Awte!!" Utal na wika ni cain nang makita ako.

Always unwanted 💯Where stories live. Discover now