CHAPTER 42

4.9K 82 5
                                    

Nanatili muna ako ng Isang linggo sa ospital bago ako pinayagang ma-discharge ng doktor. Sa loob ng Isang linggo, hindi ko pa kinakausap o hinahayaan man lang na dalawin ako ni Skyrile kahit araw araw pa siyang nagpupumilit. Nanatili akong matigas kahit ngayon lang. Hindi ko rin kinakausap si Mommy Jane at hindi rin naman siya gustong makita ni Mommy Liezel.

Wala akong gana sa mga araw na 'yon. Hindi rin ako masyadong nagsasalita. Gusto kong tahimik muna para makapag-isip ako. Binibigyan naman ako ng oras nila Daddy kaya nagpapasalamat ako sa pag-iintindi nila sa kalagayan ko.

I miss him. Nami-miss ko na si Skyrile pero sa ngayon sapat na muna sa'kin ang malamang hindi siya sumusuko para sa'ming dalawa. Masaya na akong malaman na hindi ko man siya hinahayaang dalawin ako ay nananatili pa rin siya sa labas ng kwarto para bantayan ako. Napapikit nalang ako. Sana maintindihan niya na hindi ko pa siya kayang mahalin ng buo ngayon hanggat hindi ako nakakahingi ng tawad kay Samantha at sa mga magulang niya. Mabigat pa rin ang loob ko. Lalo na kapag naiisip ko na may nasasaktan habang patuloy akong nabubuhay. Pakiramdam ko hindi ko deserve ang lahat ng ito.

"Gusto ko pong dalawin si Samantha..." Sabi ko kay Mommy na abala ngayon sa pagliligpit ng mga gamit ko. Nag-aantay na sa sasakyan sila Daddy at Cain.

"Ngayon na ba?" Malumanay niyang tanong.

Tumango ako. "Opo sana, Mommy."

Ngumiti siya at tumango. Tumalikod ulit siya sa'kin pagkatapos ay sinara ang maliit na bag. "Galit ka pa rin po ba kay Mommy Jane? Nitong mga nakaraang buwan ay nakita ko na naging close kayong dalawa. Sana po..huwag po 'yong mawala sa inyo, Mommy." Malungkot kong sabi.

Huminga siya ng malalim 'tsaka ako nilapitan. Nakaupo na ako ngayon sa gilid ng kama at nakabihis na rin. "Don't worry, Victoria. Magiging maayos din ang lahat." Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. "Ang gusto kong alalahanin mo ngayon ay ang sarili mo at kung paano mo matatanggap ang mga nangyayari ngayon. Pasensiya kana talaga kung hindi ko sinabi sa'yo kung sino ang donor mo. Ayoko lang ma-guilty ka at sisihin ang sarili mo sa nangyari kay Samantha. Sarili niyang desisyon 'yon, Victoria. At gusto ko na lamang isipin na ginawa niya 'yon para sa'yo..."

Nangilid ang mga luha ko. "Mommy..." Nabasag na rin ang boses ko. "Gusto ko lang naman pong maging masaya kasama kayong mga mahal ko....pero bakit parang imposible po 'yon para sa'kin?" Humikbi ako. "Iyong sakit, pagsisisi, guilt at galit po kasi...hinahabol ako kahit saan ako tumakbo. Pagod na pagod na ako, Mommy. Gusto ko na ulit sumaya kasama kayo."

"My victoria..." Pinunasan niya ang luha ko. "Naniniwala ako na makukuha mo rin ang kaligayahang gusto mo. Magpakatatag ka, anak. Pagmamahal ang maging sandata at sigurado ako na mananalo ka. Nandito lang ang Mommy para sa'yo..."

Tumango ako at yumakap sa baywang niya. Doon ako humagulgol at malayang nalalabas ang lahat ng sama ng loob ko. Kailangan ko talaga nang mahigpit na yakap....lalo na ngayon.

Hindi ko na nakita si Skyrile sa paligid nang makalabas ako ng kwarto hanggang sa makasakay ako sa SUV namin. Pinigilan ko ang sariling lumingon lingon para tingnan kung nasa paligid lang siya pero natural na ata talaga sa akin ang hanap hanapin siya. At mukhang pati si Daddy alam na may hinahanap ako at kung sino 'yon.

"Nagpaalam siya sa'kin kanina na uuwi lang sa mga magulang niya. I guess, hinintay niya lang na masiguradong okay ka bago siya umalis." Imporma ni Daddy.

Inabot ni Mommy ang kamay ko. "He's giving you time to think, now..." Ngiti niya.

Nilingon ko si Cain na nasa kandungan ni Mommy. Maski ito ay nakatuon ang mga mata sa'kin na para bang alam niyang may problema ako. "S-Sana hindi nalang siya nagpaalam sa inyo, Daddy..." Sana hindi niya nalang din sinabi kung saan siya pupunta. "Baka kasi hindi ko po mapigilang puntahan siya."

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon