1st: Entered

6K 119 0
                                    

Argh! My head hurts!

Dahan dahan akong nagmulat ng mata. Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko dahil sa sakit ng ulo ko. Mabilis akong napahawak rito at inipit ito sa pagitan ng dalwa kong ng kamay sa pagbabakasakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Shit! Pakiramdam ko ay mabibiyak ito sa sobrang sakit!

"Miss are you ok?" Rinig kong tanong sa akin ng kung sino na biglang sumulpot sa tabi ko at agad akong inalalayan sa aking pag upo.

I can't speak, and I can't find the right words to say. Hindi ako makapagsalita sa sobrang sakit ng ulo ko at wala akong magawa kundi dumaing dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Here" malumanay na sambit nito sabay abot sakin ng isang baso ng tubig at hinimas ang likod ko habang tinutulungan rin ako sa pag hawak ko sa baso.

Ng maramdaman ko ang pagdaloy ng tubig sa lalamunan ko ay tsaka ko lang naramdaman ang sobrang pagiging tuyo nito, animoy ilang araw akong hindi uminom dahil sa ginawa kong paglaklak sa tubig hanggang sa huli nitong patak.

Makalipas ang ilang saglit ay hindi ko parin inaalis ang pagkakahawak ko sa aking ulo pero hindi na ito tulad ng kanina na mahigpit. Unti unti rin akong bumitaw ng nabawasan ang pananakit nito. 

Ng medyo nakaluwag ang pakiramdam ko ay tsaka ko lang nagawang ikutin ang silid kung nasan ako gamit ang paningin ko. 

"A-asan ako?" Agad na tanong ko sa babaeng nakatayo sa gilid ko ng mapagtantong hindi ko alam ang lugar na ito at nakasisisguro akong unang beses palang akong nakapunta dito. Ngayon ko lang rin napansin ang suot nitong purong puting damit at pang ibaba. Pati na ang sapatos nito ay puti na nag bigay sa akin ng ideya na isa siyang nurse.

Anong nangyari? Sinong nag dala sa akin sa ospital?

Muli ko siyang binalingan ng tingin pero hindi ito sumagot bagkus ay binigyan ako ng matamlay na ngiti tsaka agad na lumabas. Iniwan akong nagtataka sa kung anong nangyayari at kung asan ako.

Weird.

Ibinaba ko ang paa ko sa sahig at akmang tatayo na para sundan ang nurse na iyon sa kaniyang nilabasang pintuan ng may biglang pumasok dahilan ng pagkatigil ko.

Isang babeng nasa mid 30's or 40's, hindi ako sigurado. Nakasuot ito ng glasses at nakauniporme. Maayos ang tindig nito at tila hindi katiwatiwala ang mga ngiti nito sa kaniyang labi.

"Good morning miss, welcome to SKY Academy" nakangiting wika nito. 

Hindi ko alam pero ito iyong tipo ng mga ngiti na hindi mo ngingitian pabalik dahil hindi ka sigurado kung anong mensahe ang ipinapahiwatig niya sa mga ngiti niya. Nakakapagtaka pero mas nananaig ang takot na nararamdaman ko dahil sa ngiti niyang iyon.

 Hindi takot sakanya, kundi takot dahil sa ngiti niyang tila takot rin.

Pero asan ako? Sky Academy? It doesn't sound familiar. And as far as I remember, last night I was chased by someone whom I don't know in the middle of no where. In the middle of a forest... And then I'm standing in front of a big gate then..., ugh! My head! It hurts again! Fuck this head! If only I can remove it and bring it back if it's already fixed!

"Easy miss, don't think too much, your inside our school, your at SKY Academy" She again repeated to say the academy's name but when I saw that she was about to go near me, I immediately gave her a scared look that stopped her from making another step towards me.

Mabuti naman at naintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig dahilan para mabawasan ang kaba na nararamdaman ko dahil sa mga ngiti niyang hindi ko maintindihan. 

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon