23rd: Muse

2.7K 75 6
                                    

Kasalukuyan akong nag kekwento sa lima ngayon tungkol sa pagiging muse dahil nabalitaan rin nila ang nangyari.

Tsk. If I know hindi naman talaga totoo iyong mga sinabi ng Hari. He just said that because he don't want to be issued being with a 'flirty'. Kumbaga, pinaganda niya lang yung tawag sakin para pag nadikit sa ako sa pangalan niya ay less nakakahiya. Tss. Really smart.

"I can't believe he really did that. So romantic" Ani Vivienne habang nakaupo at tila nagaganap sa utak niya ang mga kinwento ko

I don't find it romantic really. Tsk. That was just for his own sake, para hindi siya ang pag usapan kung bakit siya may kasamang isang tulad ko na mababa sa lugar na to, at para malipat sa akin lahat ng sisi at atensyon.

Gumawa siya ng ingay tungkol sa akin. Ngayon, paniguradong kalat na sa lahat na may mahinang newbie ang naligaw sa SKY Academy na nanlalandi sa Hari. Ugh!

"Everything is romantic for you tho" natatawang sabi naman ni Vienna kasabay ng kaniyang pag tayo at pag inat ng kaniyang mga braso.

"Introduced as the muse by the king? What a dream come true" sambit rin ni Ariia na tila nananaginip tulad ni Vivienne.

Dream come true?! It's more like a nightmare to me!

"Tsk. Stop being love freaks girls. " pag papatigil ni Brynn sa dalawa na tumayo na rin tulad ni Vienna.

"Bitter" sabay namang sabi ni Ariia at Vivienne na ikinailing nalang ni Brynn.

Nag puntahan na kami sa aming mga higaan at nag handa na para matulog.

"Good night Primas" Ani Ariia na nakahiga

"Good night" sabay sabay naman naming sabi at nag kaniya kaniya na ng ayos.

Wait, I can't sleep yet. Yung libro.

Nang maalala ko ay agad kong kinuha ang libro sa ilalim ng unan ko. Tumagilid ako para makapagbasa ng maayos.

It was entitled SKY Academy. Ano namang meron sa librong ito at ayaw ipabasa sa akin ng hari? Tss.-- Well, lahat naman ayaw niyang ipabasa sakin eh.

Mabilis kong natapos ang pag babasa ngunit kulang ito. May isang pahina muli ang nawawala.

Nakasaad dito ang mga ipinagdiriwang ng paaralan tulad nalang ng Linggo ng Wika, Foundation day at iba pa. Mula sa pinakamaliliit na tradisyon ng paaralan hanggang sa mga pinaka-enggrandeng kaganapan sa loob ng paaralang ito.

Nabasa ko rin kung sino ang may pakana ng pagkakulong namin dito. Lahat ng ito ay dahil sa principal, at ang buong staff ng paaralan. Hindi ako sigurado kung pati mga guro ay kasama sa masamang gawain ng mga head ng school.

Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. Principal Meryll Yuzon

**
Malakas ang hiyawan ng mga tao dito sa gym. Maraming estudyante na animo'y may napakalaking celebrasyon ang magaganap.

Ngayon ang try out game para sa iba't ibang sports sa varsity. Ngayong umaga ang para sa basketball game at ngayon din ang audition day para sa cheering squad.

Andito kami ni Vienna sa bench ng isang team at hindi na kailangang makipag siksikan sa taas.

Tss. Special treatment.

Limang guro naman ang nakaupo sa stage at nag hihintay sa pagsisimula ng game.

Sa dami ng gustong sumali sa varsity club, sa tingin ko ay kulang pa ang limang gurong andito ngayon na siyang huhusga sa individual performance ng mga gustong makapasok sa varsity club.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon