2nd: Locked

4.5K 118 0
                                    

Tanghali na at andito ako ngayon sa dorm room ni Ariia. Nakaupo ako sa isang di kalakihang sofa, sa tingin ko ay dalawang tao rin ang kasya dito at kaharap ko naman si Ariia. Sa pagitan namin ay may rectangle na babasaging mesa kung saan may mga magazines sa ilalim. Sa bandang likuran ko ay ang dining area. Andon na rin ang lutuan nila, ang mesa at apat na upuan. Sa kaliwa ko ay may dalawang pintuan, malamang ay ang kwarto ang isa at ang isa naman ay palikuran. Kung tutuusin ay malaki ang lugar na ito para sa kaniya, pero sa paraan nito ng pagdadaldal sakin ay parang okay lang sakaniya na makikihati pa ako sa espasyo niya. Ayon sa kaniya ay dito na rin ako mamamalagi, pero sigurado naman akong hindi dahil alam kong susunduin ako ni tita maya maya lang.

Ewan ko kung gaano kalayo ang nilakad namin kanina. Hindi naman ganon kalayo pero medyo napagod ako, dahil na rin siguro sa hindi pa ako gaanong nakapagpahinga mula sa lahat ng nangyari sa akin kagabi.

Kanina pa siya nag sasalita at kanina pa paikot ikot ang tingin ko sa  lugar na ito. Mula ng dumating kami dito ay hindi na siya natigil sa pag dadaldal at hindi na rin ako nakasunod pa sa mga kinekwento niya. 

Wala ba tong balak tumigil sa kakadada? Hindi ko na maintindihan kung anong gusto niyang malaman ko. Kanina niya pa ako tinatanong ng kung ano ano pero hindi naman ako binibiigyan ng pagkakataon na sumagot. At wala bang balak kumain to? Napatingin naman ako sa relo ko at 11:35 na nga. Tanghalian na.

"May mga ka-- ..." Magtatanong nanaman sana si Ariia ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong babae.

Isa sa kanila ay nakasuot ng eye glass, may hawak itong tatlong libro na magkakaiba ang kapal. Tulad ni Ariia ay nakakumpletong uniporme ito. Sa kabila ng medyo gulat niyang mukha habang nakatingin sa akin ay hindi nito maitatago ang kaamuhan ng mukha niya. Pulang pula ang mga labi niya na pinapatingkad lalo ng napakaputi niyang balat. Kamukha nito ang kasunod nitong pumasok. Itim na itim ang buhok nito. May makapal siyang eyeliner at pula ang mga labi niya dahil sa lipstick. Ayos na ayos ang kaniyang buhok at tila isa siyang modelo dahil sa suot niyang itim na hapit na hapit na dress at ipinapakita ang perpektong hubog ng katawan niya. Magkamukha sila pero parang kabaliktaran nila ang isa't isa. Panghuli namang pumasok ang isang hindi katangkarang babae ngunit kung titignan mo ang itsura ay mukhang siya ang pinakamatapang sa kanila. Wala rin itong kolorete sa mukha maliban nalang sa makapal nitong eyeliner. Hindi siya gaanong ngumingiti at di tulad ng dalawa, hindi ako nakakita ng kahit na anong gulat sa kaniya. Hindi ko rin mawari kung ngumiti ba ito o ngumisi bago muling nag lakad palapit matapos niya akong tignan.

Nakakailang ang mga tingin nila. 

Ng tuluyang maisara ang pinto ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na yumuko dahil malamang sa malamang ay sa akin na ang atensyon nila.

"Omg!"

"Riiiaa!!!"

"Really?"

Rinig kong hindi makapaniwalang sambit ng tatlo kaabay ng nagmamadaling yabag ng mga paa nilang papalapit sa akin.

Bigla namang humarang si Ariia sa harap ko dahilan ng hindi pagkalapit sa aking ng mga babaeng tila hindi makapaniwala na may kung sino sa loob ng dorm room ng kaibigan nila.

Teka, dorm room ng kaibigan nila? o dorm room nila?

Bakit parang hindi naman ata nasabi ni Ariia na may kasama pala siya dito?

"Shut up girls. Maupo nga kayo." Iritang sambit ni Ariia na nag lakad pabalik sa kaniyang upuan. "Normal reaction for having a new friend after how many years" mabilis na bulong ni Ariia dahilan para maintindihan ko kung bakit ganyan sila makareact.

"Hiii! I'm Vivienne. Vivienne Doreen." Mabilis itong umupo sa tabi ko matapos itong magpakilala. "She's my twin sister" turo nito sa simpleng babae na umupo sa arm rest sa kabilang side ko dahil sakto lang kaming dalawa ng nagpakilalang si Vivienne sa upuan. Agad ko itong tinignan at dahan dahang napatango. Kaya pala sila magkamukha. "I know, I know. I'm so much prettier. " She chuckled as she flipped her hair.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon