57th: Tight Hug

1.8K 47 3
                                    

Pagkatapos na pagkatapos ng laban na iyon ng Hari ay mabilis akong umalis sa lugar na 'yon.

Sinubukan akong pabalikin ng council pero hindi ako nakinig sa kahit anong pag tawag nila sa akin.

Gusto kong mapag-isa.

Ayoko na.

Pagod na ako.

Gusto ko nang lumabas rito. Masakit ang masaktan physically, pero parang mas masakit na makita 'yong taong mahal mo na masaktan dahil sa pananatili sa impyernong ito.

Hanggang ngayon ay rinig ko parin ang bawat sigaw niya dahil sa sobrang pananakit sa kaniya.

Damn! I can't do anything about what I am feeling right now.

Ayoko munang pumunta sa kaniya. Alam kong pagod siya at kailangan niyang mag pahinga pero baka pag pumunta ako doon ay ako na naman ang uunahin niya.

Ayoko nang nagkakaganto siya. Lagi nalang ako ang inuuna niya. Hindi niya ba naiisip ang sarili niya? Kailangan ko na ba siyang layuan para maisip niya naman ang sarili niya?

Ugh! Iniisip ko palang ay sobrang hirap na.

Hindi ko ata kaya.

Ayoko na.

Halos isang oras na rin akong mag isa rito, pero hindi ko parin kayang bumalik sa magulo at mataong lugar. Hindi ako handa sa mga maaari kong maramdaman pag nakita ko ang kahit na sino sa kanila, lalong lalo na siya.

"Kierra..." agad akong nakaramdam ng pangingilabot sa buong katawan nang marinig ko ang boses ni Nathan mula sa likuran ko.

Hindi ko siya nilingon. Hindi ko siya kayang tignan.

"Please, leave me alone Nathan, kahit ngayon lang" pag mamakaawa ko rito.

"B-but, K-kierra.. Si Asche, ... He needs to see you" alalang sambit nito.

Lahat ng pag aalinlangan ko ay nabura sa isip ko nang marinig ko ang sinabi kito. At nang marinig ko ang pangalan niya.

Mabilis akong napalingon rito at bumungad sa akin ang pag aalala sa kaniyang mukha.

"A-Anong nangyari?" Tanong ko rito nang makalapit ako sa kaniya.

Hinila ako nito papunta sa Escorts building at walang alinlangang pumasok sa loob ng kanilang dorm room.

"Thank God you're finally here" isang mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa akin pagkapasok ko.

Puno ang kaniyang katawan ng mga galos at pasa, sa kaliwang noo nito ay may bandage, ang pisngi nitong halata pa ang pamamaga at ang sugat na gawa ng kutsilyo, at sa gilid ng kaniyang labi ay bakas pa ang sugat mula rito.

He's in pain. And I can't look at him while he look's like this. It's too much for me to handle.

"K-king..." Hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko at gumanti ng yakap rito.

I don't want to see you hurting. I dont.

**

"Are you sure you're ok now?" Alalang tanong sa akin ni Ariia habang nilalagyan ako ni Vivienne ng make up.

Tonight is the foundation ball, at masyadong nag aalala ang apat sa kalagayan ko.

Kanina pa sila paulit ulit sa pag tatanong sa akin kung gusto ko ba talagang pumunta sa kabila ng pag iyak ko buong hapon.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon