53rd: Horror House

1.9K 56 0
                                    

"Run!" Huling salita na sinabi ng cheering squad officer na siyang may hawak ng announcement room para sa kanilang club.

Kasalukuyang nag tatakbuhan ngayon ang mga estudyanteng nakasuot ng itim.

Ito ang pakulo ng Cheering squad.

They'll announce things that the students may have, for example, this; all students who are wearing black shirt will be staying inside the jail that is built in the middle of the school fields.

"Damn it! Bakit ko ba naisipang mag suot ng black ngayon?!" Inis na sigaw ni Zayd habang hinuhubad ang kaniyang t-shirt.

"Oh.. No, no, no... Unfair!" Sigaw ni Nathan dito kasabay ng tawanan ng iba pa naming kasama.

"I don't have any choice. Ayokong mag stay sa gitna ng araw. Tss. " sabi naman nito at isinampay ang hinubad nitong damit sa kaniyang balikat.

Nag patuloy ang iikot namin dito sa fields kahit na mas lalo na kaming pinagtitinginan dahil sa itsura ni Zayd.

Apat na estudyante naman ang biglang lumapit sa amin, kay Ariia to be exact.

Oh no.. Most of her shirt is black. I didn't notice that!

"A-ano? Exempted na yan! May ibang kulay naman ang shirt niya! " reklamo ni Nathan habang pilit na itinatago si Ariia sa kaniyang likuran.

"Hahahaha. No. It's ok. It's just for 10 minutes" ngiti ni Ariia at maluwag na iniabot ang kamay niya sa dalawang estudyante.

"No way. " iling ni Nathan at mabilis na hinubad ang suot nitong t-shirt dahilan ng sigawan ng mga kasama ko at ng iba pang students sa paligid.

"Wear this Zayd. " iniabot niya ang kaniyang damit kay Zayd at kinuha ang itim na t-shirt na nakasabit sa balikat ni Zayd at iyon ang isinuot nito.

Aww! That's sweet! It's a pleasure to be locked with your love. Wait... Ugh! Double meaning. Err.

Tuluyan na nga silang sumama sa apat na estudyanteng lumapit sa amin.

Nag paalam naman sina Quen at Vivienne dahil kailangan na nilang pumunta sa theatre club dahil kailangan na sila doon, at nag prisinta naman si Brynn na sumama.

Umalis naman si Traze para tumulong na rin sa mga kasama niya sa cafeteria, si Vienna at Bryon naman ay pumunta sa photo booth na booth ng oracle club, which is their own booth.

"Ikaw? Hindi ka aalis?" Pabalang na tanong ng Hari kay Zayd na nakatingin lang ng diretso sa amin ng Hari

"Why would I? Wala naman akong gagawin. " malaking ngiti nito na ikinangisi ng Hari rito.

Mahina lang akong napatawa dahil sa kawalan ng ideya ni Zayd sa gustong iparating ng Hari sa kaniya.

"Baka may kailangan kang gawin." Napailing ang hari dahil sa sagot niya

Kita kong pinanlakihan ito ng Hari ng kaniyang mata pero pati ata ako ay maiinis sa sobrang ka-slowhan ni Zayd. Tsk.

What am I thinking about? Tsk.

"Oh! " ngumiti ito ng nakakaloko.

Tss, buti naman at nakuha niya. Tatalikod na sana ang Hari ngunit hindi ito natuloy sa muling pag sasalita ni Zayd.

"Wala talaga eh. " napakamot pa ito sa kaniyang batok " I'll come with the two of you" ngiti nito kasabay ng pag akbay niya sa akin at kay King.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon