4th: Rebellious 10

3.3K 106 1
                                    

Kanina pa kami nag hihintay ni Brynn sa pag balik ng tatlo dito sa dorm.  Palubog na ang araw pero wala parin sa kanila ang bumabalik. Saan naman kaya pumunta ang mga yon? Dumidilim na sa labas at ayon kay Brynn ay hindi na ligtas na lumabas pa.

Nabanggit nito na maraming estudyante o grupo ng mga gang ang pakalat kalat lang at kinaumagahan ay may mga mangilan ngilang bangkay ng estudyante ang natatagpuan kung saan. Ayon pa rito ay wala lang pakealam ang organisasyon ng paaralan dahil wala silang ginagawang aksyon sa kahit ano mang nangyayaring karumaldumal na pagkamatay ng kahit na sino.

Parang sa movie na The Purge lang. Legal ang pumatay at walang pakialam ang gobyerno sa mga illegal na mangyayari sa loob ng ilang oras. Nakakatakot isipin kung totoo man lahat ng sinasabi nila. Hindi pa man ako masyadong kombinsido ay natatakot na ako.

Hindi ko pa alam kung paniniwalaan ko ang kwento sakin ni Brynn. Pano ako maniniwala sa sinabi niya kung hindi naman siya mukhang natatakot para sa tatlo ngayon. Tahimik lang siya sa pagluluto niya at walang bakas ng pag aalala ang mga galaw niya.

Ang hirap maniwala lalo na't wala pa akong masyadong alam tungkol sa paaralang ito. I just got here, and everything I know about this Academy is just from the stories these girls told me. Hindi ko naman alam kung pinagtitripan lang ba ulit ako tulad nalang ng ginagawa ng lahat sa akin.

Ugh! Sumasakit ang ulo ko sa pag iisip!

Napaangat ang tingin ako sa biglaang pag bukas ng pintuan at pumasok ang tatlo na kanina pa namin hinihintay.

"At asan kayo galing??" Medyo mataas ang boses ni Brynn sa pagtatanong pero hindi bakas ang pag aalala sa boses niya. 

"Uhmm, sorry" agad na sabi ng kambal na pilit na ngumingiti kay Brynn.

"Sorry girls, promise last na to" pag hingi naman ni Ariia ng tawad. Mukha siyang pagod at medyo hinahabol pa nito ang kaniyang pag hinga.

Saan ba sila galing at ngayon lang sila nakabalik?

Tumango nalang si Brynn at itinuloy na ang kaniyang pagluluto.

"Kierra, napano yan?" Tanong ni Ariia ng mapansin ang ice bag na idinidikit ko sa noo ko.

Lumapit ito sa akin para hawiin ang ice bag na tumatakip sa maliit na bukol sa dinadampian nito. Hinawakan nito ang baba ko para iangat ang mukha ko para mas malinaw niya itong makita. Lumapit rin ang dalawa at inusisa ito.

"Ah, wala to, natamaan lang ng bola" sagot ko naman dito at agad ring yumuko.

Marahan namang tumango si Vienna habang nakakunot ang kaniyang noo na tila hindi naniniwala sa sinagot ko

"Great force huh" sabi nito at naupo sa tabi ko. Hindi parin ito tumitigil sa pag tingin sa noo ko habang nakakunot.

"Next time be careful.  Mabuti at bola lang ang ibinato sayo" Vivienne smirked as she sit beside Ariia.

"We're damn very careful. Ang hindi nag iingat ay ang Saji na yon. Sinadya niya talagang tamaan ng bola si Kierra eh! " inis na sabi ni Brynn na tuloy lang sa pag luluto.

"Chill, Brynn, maupo ka na nga don at baka masunog mo pa yang niluluto mo, ako na mag tutuloy niyan" Ani Vienna na umalis sa tabi ko at agad kinuha ang sandok kay Brynn para ituloy ang pag luluto samantalang si Brynn naman ay umupo kaharap namin.

"Saji? As in Saji Mendez? One of the Rebels? " sunod sunod na tanong ni Vivienne na tila kumikinang pa ang mga mata dahil sa narinig niya.

What's up with her? She sounds excited.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon