28th: Mystery Boxes

2.3K 68 4
                                    

Hindi ko alam pero pakiramdam ko nararamdaman ko parin ang yakap niya. Mahigpit, pero hindi nakakasakal, mainit, pero hindi nakakapaso, hindi nakakasakit, pero sobrang nakakatakot.

.

.

.

.

.

.

.

Yakap na nakapagpatahan sa akin.

.

.

.

Stop thinking about that Kierra! Muntik ka na niyang patayin!

Mag aalas dose na ng gabi pero ito ako, gising at di parin dinadalaw ng antok.

Why can't I sleep? I want to but hell I can't!

Papikit na ang mga mata ko ng makita ko ang isang ilaw na galing sa isang flashlight kung hindi ako nag kakamali. Tumama ang ilaw na iyon sa aming bintana at diretso sa mata ko.

Sa gulat ko ay napatayo ako at agad akong kumuha ng jacket at mabilis na nag lakad patungo sa pinto.

What am I doing again?! Ugh!

Kahit na ayaw kong lumabas ay hindi ko mapigilan ang kuryosidad na nabubuo sa isipan ko. Alam kong wala ako sa katinuan pag itinuloy ko pa ito, pero mas malakas ang tawag ng kuryosidad ko.

Kailangan kong malaman kung anong meron. Baka ito na ang chansa kong makalabas.

Dahan dahan kong pinihit ang door knob para hindi makagawa ng ingay. Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ng hindi nagagambala ang apat ay mabilis akong nag lakad sa hall ng Inamorata building para makalabas na.

I'm sorry girls but I feel like I have to do this. Hindi basta basta ang ilaw na iyon.

Malapit na ako sa exit ng building ng makita ko ang limang lalaki.

Tumakbo naman ako sa gilid para makapag tago kung saan nakikita ko parin ang mga ito. Nanatili ang tingin ko sakanila habang dahan dahan akong nag lakad papalapit.

Nang tuluyang makalapit ay nakita ko ng mas malinaw ang lima. May mga dala silang baril at nakasuit ang mga ito na nag babantay malapit sa entrance ng aming dorm building.Tahimik ang mga ito pero pareparehas silang iginagala ang tingin sa kakahuyan sa tapat ng building.

Guards.

Bakit may guards dito? Alam kong maraming guards ang nagkalat tuwing gabi, dahilan ng pag balik ng mga gang sa kanikanilang dorm tuwing gabi pero ngayon lang nagkaroon ng bantay ang nag iisang entrance at exit ng building. Anong meron?

Mga ilang minuto rin ako sa pag tayo dito ng may makita muli akong ilaw mula sa kakahuyan sa harap ng building. Malamang sa malamang ay iyon ang parehong ilaw na nakita ko kanina.

Alam kong nakita rin nila iyon dahil sa mga reaksyon nila. Mabilis silang tumakbo patungo sa kakahuyan para sundan kung sino man ang taong may dala ng ilaw na iyon.

He or she better run fast. Sobrang bilis tumakbo ng limang gwardya na iyon. Sa ilang saglit ay nawala sila sa harap ko at tuluyang nilamon ng kadiliman at kakahuyan sa harap.

Nang siguradong nakapasok na sila sa masukal at madilim na lugar sa harap ko ay agad akong tumakbo palabas. Lakad-takbo ang ginawa ko para mapunta ng mabilis sa school field.

Mabilis ko ngang narating ang field dahil walang ibang tao sa tapat ng escort building na tanging building na nadaanan ko sa pag punta ko sa field.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon