25th: Missing

2.5K 71 5
                                    

Kasabay nang ibang estudyante ay andito kami ngayon sa maling table dito sa cafeteria. Mag kakasama muli ang Council at Primas na nag la-lunch.

Kumpara sa ikinikilos ng councils kanina ay masasabi kong mas maayos na sila ngayon. Bumalik na ang kakulitan at nag sasalita na ulit silang lahat tulad ng dati.

I can say that this is way better, kesa sa pananahimik nila tulad kanina.

Kanina-.. Ugh!

Kanina! So awkward! Akala ko wala na siyang balak umalis doon. Halos isang oras kaming ganon at walang ginagawa. Ewan ko ba sa kaniya, napakaweirdo!

Ugh! Shake it off Kierra!

I'm done eating. Medyo wala ako sa mood kumain. Wala akong gana. Kahit anong gawin ko ay walang ibang bagay ang pumapasok sa isip ko kundi ang ginawa ng Hari. Nakakasira siya ng ulo.

Sumandal ako at kinomportable ang sarili ko sa upuan kahit na medyo mahirap maging komportable sa tabi ng Hari. Nakaupo siya sa head ng table samantalang ako ang nasa right side nito.

Nasa gitna ng tawananan ang lahat nang nilagyan muli ng pagkain ni King ang plato ko.

Agad akong napabalikwas at kinunutan ko ito ng noo pero hindi siya sa akin nakatingin.

A-anon gina-ginagawa niya?

"Hey, tapos na akong kumain" umayos ako ng upo at tinabig ang kamay niyang hindi parin tumiyigil sa pag salin ng pagkain.

What the-?! Ba't ang dami?!

"Tss. You're not a cat. Eat more" seryosong sabi nito at siya naman ang sumandal sa upuan niya.

Binitawan nito ang kutsara at tinidor niya at tumingin sa akin tsaka sa pagkaing inilagay niya sa plato ko na nagsasabing kumain na muli ako.

"Ahem! " tikhim ni Traze na nakangiti at palipat lipat ang tingin sa amin ng Hari

Dahil sa ginawang iyon ni Traze ay isa isang napalingon sa gawi namin ang iba at agad kaming binibigyan ng makahulugang tingin at parang mga baliw na nakangiti na sa amin ng Hari.

Ugh! Tignan mo kung anong ginawa mong Hari ka! Sisimulan na naman nila to!

Yumuko ako at sumandal nalang sa sobrang kahihiyan. Alam kong nakatingin parin ang mga ito dahil naririnig ko pa ang mga pigil na tawa at bulungan ng apat na Primas.

"Don't look at her, she'll eat" Rinig kong seryosong sabi ng Hari.

Dahil sa sinabi nito ay hindi ko napigilan ang sarili ko na mag angat ng tingin sa kaniya. Dahil sa ginawa kong pag tingin rito ay nasalubong ko ang mga tingin niyang seryoso at tila hindi magpapatinag.

"Buti nga kami tingin lang, eh ikaw titig bruh eh!" Tumatawang sabi ni Zayd na tinawanan naman ng lahat.

Tinignan ko ito ng masama ngunit imbes na tumigil ito sa kakatawa ay lalo lang lumakas ang tawa niya.

What the hell? I'm really just a joke to him. Tsk.

"Damn! Kailangan talaga sabay kayong ganyan tumingin kay Zayd no? " malakas na halakhak naman ni Quen na may pailing iling pa.

Muli akong bumalik sa pagkakayuko nang tumawa na naman sila.

Shiiit! Nakakahiya!

"Shut up guys. Continue eating" seryosong sabi ng Hari.

Rinig ko ang pag ayos ng iba ng kanilang mga upua at humina na ang tawanan.

Nang lumipas ang ilang segundo na pag yuko ko ay nag angat na muli ako ng tingin nang makasiguradong abala na ang lahat sa pag kain nila.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon