40th: Wet Pants

2.2K 63 4
                                    

Tahimik at maingat akong nag lalakad dito sa gilid ng Amaranth building. Madilim ang paligid at walang ibang tao rito maliban sakin. Nakakabingi ang katahimikan at dahil don ay lalong nagiging nakakatakot ang paligid, pero hindi ko rin maisip ang mangyayari sakin pag nakarinig ako ng kung ano na hindi galing sakin.

Ilang beses na akong napahamak pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko sa pag gawa ng mga bagay na ikapapahamak ko tulad nito. Ang pag imbestiga sa mga bagay ng mag isa tuwing gabi.

Habang patagal ng patagal ang pananatili ko sa loob ng Akademing ito ay mas nalalagay sa panganib ang buhay ko. Kung dati ay gabi lang ang hindi ligtas na oras, ngayon maski sa umaga ay hindi na rin ligtas. Ayoko ng magtagal pa rito. Gagalaw na ako habang maaga pa at hindi pa huli ang lahat para sa amin.

Lalo na't may paparating pang okasyon dito sa akademyang ito. Baka hindi kami umabot sa selebrasyon at maubos kaming lahat dito dahil sa madalas na pag suspende ng mga klase. Nawawalan pa namang ng utak at konsensya ang mga estudyante tuwing walang klase.

Wala namang kakaiba sa paligid ko, mukhang wala nanamang pupuntahan ang pag lalagay ko ng buhay ko sa panganib.

Damn it! Bakit napakagaling nilang mag tago?!

Napagpasyahan ko na bumalik nalang sa dorm. Pero hindi pa ako nakakalayo sa Amaranth building ay nakarinig ako ng isang malakas na tunog mula sa second floor.

Muli akong bumalik sa tabi ng building at nag masid sa paligid. Tinitingala ko lang ang kataasan ng building sa tabi ko. Wala akong ibang galaw na magawa kundi tignan ang bulding mula dito sa gilid nito.

Damn it! Hindi talaga ako makakapasok sa loob! Masyadong maraming bantay sa pintuan papasok.

Matiyaga akong nag hintay ng kung anong pwedeng mangyari, ngunit walang nag bago sa paligid maliban sa biglaang malakas na pag buhos lang ng ulan.

Tsk. Makisama ka naman panahon! Ano ba yan!

Basang basa ako ngayon dito sa kinatatayuan ko na nag pahirap lalo sa kalagayan ko. Ni hindi na ako makatingala dahil sa pag patak ng tubig ulan sa mukha ko. Lalo namang humirap ang pag silip ko sa entrance ng building dahil sa panlalabo ng paningin ko dahil sa ulan.

Pero kita ko ang lalong pag dami ng mga gwardyang nag babantay sa pintuan dahil sa pag silong ng iba kaya wala parin akong ginagawa rito kundi ang tumayo at mag hintay.

Muli akong nakarinig ng malakas na tunog mula sa itaas na nakakuha ng atensyon ng ibang gwardya ngunit ipinagsawalang bahala rin nila ito.

Ano ba kasing meron sa itaas? Tsk. Kailangan kong malaman kung anong meron doon.

Nararamdaman ko na ang lamig ng hangin sa paligid na lalong pinapalamig ng basang jacket na suot ko. Nanginginig na rin ang mga labi ko sa sobrang lamig ngunit wala akong magawa. Hindi pa ako pwedeng umalis, bakasakaling may makalap pa akong impormasyon.

Tila nawala lahat ng lamig na nararamdaman ko. Ang lahat ng tapang na meron ako ay tila nag laho rin na parang bula nang maramdaman ko ang isang kamay na pumulupot sa braso ko.

Hindi ito mahigpit pero hindi ko magawang igalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. Pakiramdam ko ay sa leeg ako nito hinawakan dahil sa pag hirap ng pag hinga ko. Nabalot ng takot ang katawan ko at alam kong hindi na dahil sa lamig ang dahilan ng panginginig ko.

Am I damn doomed again?

Nanatili akong tahimik habang hinihintay ang unang galaw ng taong nasa likod ko ngayon.

Hell! Please tell me it's not a guard!

Literal na nanghina ang tuhod ko ng marinig ko itong nag salita. Napahawak nalang ako sa pader para mapanatili ang balanse ko.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon