16th: Glee Club

2.8K 67 2
                                    

Andito na ako ngayon sa dorm kasama ang Primas dahil dito na ako pinapunta ng Hari matapos mangyari sa akin ang mga bagay na hindi namin inaasahang mangyari kanina. At bago pa man ako makablik ng dorm room ay nagawa na palang ipaalam ng Hari sa Primas ang nangyari kaya naman nang dumating ako dito ay andito na sila.

Mula ng malaman nila ang buong pangyayari ay hindi na sila tumigil pa sa pag papangaral sa akin. Kanina pa nila ako pinapagalitan, hanggang sa nawalan na ako ng interes na makinig sa mga pangaral nila dahil paulit ulit lang naman ang sinasabi ng mga ito.

Wala ba silang balak tumigil?

"Kierra, are you listening? Dalawang braso mo na ang napapahamak. May balak ka bang mag ingat?" Nag aalalang tanong ni Ariia sakin na may kaunting inis pa sa boses niya ng mapansin nitong hindi na ako nakatingin sa kaniya at abala ako sa paglalaro ng buhok ko.

Tsk. Nanay talaga ang babaeng to dito.

"I'm sorry. Promise mag dodoble ingat na ako. Promise" pilit na ngumiti ako dito at itinaas pa ang kanang kamay at nag promise sign para kumalma na sila

"Triple ingat, Kierra. " ani naman ni Vivienne na pilit ring ngumiti sa akin.

Nako naman. Buhay pa naman ako. Grabe sila mag alala, at hindi rin naman gaano malalim ang sugat ko.

Pilit nalang akong ngumiti sa kanila bilang kasiguraduhan na sa susunod ay mag titriple ingat na ako.

**

Late kaming nagising kaya naman nag mamadali sila sa pag lalakad papunta sa Carmine building. Hindi ako gaanong nag mamadali dahil 7:50 pa ang first subject ko samantalang sila naman ay 7:30 dahil nga naadjust ang klase ko dahil sa Hari na iyon.

Hindi pa ulit kami nagkita mula ng konsensyahin niya ang dalawang estudyante kahapon gamit ang pagpapakita sa mga ito ang naging pinsala nila sa akin dahil pagkatapos niyang gawin iyon ay pinaalis niya lang ako at hindi na kami nagkasalubong pa pagkatapos.

Ni hindi ako nakapagpasalamat sa kaniya ng personal dahil tinulungan niya akong madala agad sa clinic pero parang ayaw niya rin namang makipag-usap kahapon.

Tss. Suplado eh.

Nang makapasok na kami sa building ay biglang tumunog ang mga speakers na tumawag sa atensyon ng lahat ng estudyante. Napatigil rin kami sa aming pag lalakad at pati ang mga nasa loob ng kanilang silid aralan ay nag labasan para lang mas malinaw na mapakinggang ang anunsyo.

"Calling all your attention, calling all your attention. Announcement, Classes from all levels are suspended until Friday for the opening of clubs. Please proceed to your buildings bulletin board for more information. I repeat, Classes from all levels are suspended until Friday for the opening of clubs. Please proceed to your buildings bulletin board for more information. This is your councils PIO speaking. Do have a good day thank you." Rinig kong sabi ni Nathan. Nakilala ko ang boses nito at nasabi rin ang pwesto nito sa council na alam naman ng lahat na siya ang PIO.

Pagkatapos non ay binalot ang paligid ng saglit na katahimikan, at sa isang iglap ay biglang naghiyawan at tilian ang mga estudyante na tila nag diwang sa kanilang narinig.

Tsk. Hindi ko alam kung napatili sila dahil walang pasok o dahil sa malamig na boses ng PIO.

Hay nako ang haharot!

"Oh.My! So girls, anong club kayo?" Masayang tanong ni Vivienne kasabay ng pag harap niya sa amin.

Tulad niya ay todo ngiti rin si Ariia, nagkabuhay naman ang mukha ni Vienna at si Brynn naman ay tila natuwa rin sa kaniyang narinig. Pero ako, ano ba dapat ang maramdaman ko?

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon