14th: Slave

2.8K 76 5
                                    

Nakatayo kami ngayon sa harap ng pinto ng SC office. Parang kailan lang ay si Traze ang nag dala sa akin dito.

Ano na naman kaya ipapagawa sakin nito? Ugh!

Pumasok ito sa loob kaya ako naman 'tong si parang buntot, sunod lang ng sunod sa kaniya. Tulad nga ng sabi niya 'follow me'

Pag pasok ay agad kong napansin ang Councils. Kumpleto sila dito at lahat sila ay walang ginagawa. Nakaupo lang sa couch at nag chichismisan.

Wala bang mga klase ang mga to?

"Oh, bakit andito si Kierra?" Unang nag salita si Quen na unang nakapansin sa pagpasok namin dahil siya ang nakaharap sa bandang pintuan.

"Kierra, wala kang pasok?" Sunod na tanong ni Nathan na agad ring napalingon sa gawi namin nang sundan nito ang tingin ni Quen.

"I bet she have" Pag sagot ni Bryon dahilan kaya hindi na ako nag salita pa.

Hindi ako nakasagot sa tanong nila. Hindi ko naman alam kung bakit nga ba dito ako dinala ng President. At tama si Bryon, may pasok ako pero andito ako ngayon, absent.

"Kai anong meron?" Tanong ni Traze sa  President na diretso lang ang lakad papunta sa swiveling chair niya.

" I'll give her punishment " plain na sabi nito habang tila may hinahanap sa drawer ng mesa niya.

Jusko, dyan niya ba itinatago ang baril niya? P-papatayin niya na ba talaga ako? It's just 30 minutes!

Ang kaninang kaba na humupa na ay muling namuo sa dibdib ko habang pinapanuod ko ang hari na mangalkal sa kaniyang drawer.

"Punishment? Or pleasure? " tumatawang tanong ni Zayd. Agad ko itong nilingon at kinunutan ng noo dahilan ng pag pigil niya sa kaniyang tawa.

What the hell?! Manyak!

Argh! Habang tumatagal ang pangangalkal niya ay bumibilis lalo ng bumibilis ang pag tibok ng puso ko dahil sa kaba. Pero habang naririnig ko ang pag tawa ni Zayd ay parang nakakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman siguro ako tatawanan nito kung kamatayan na ang parusang ipapataw sakin ng Hari.

"Gago! Manahimik na nga lang jan! " binatukan naman siya ni Raven na napailing nalang sa akin at tila sinasabing wag ko nang pansinin ang kalokohan ni Zayd.

Ang ingay ingay talaga ng Zayd na to! Tsk.

Tinignan lang siya ng masama ni King pero hindi parin nito tinitigilan ang maloko niyang ngiti sa hari.

"Anong klaseng punishment ba kasi yan? At anong hinahanap mo dyan? As far as I remember, hindi ka dyan nagtatago ng condom." Natatawang tanong ni Zayd na ngayon ay tinataas taas pa ang kilay sa akin.

"What the fvkc are you talking about?! I don't own any condom!" Pagkasabi niya niyan ay kasabay nto ang pag tigil niya sa pangangalkal sa drawer niya at pag labas niya ng napakaraming crumpled paper at hinayaan itong kumalat sa sahig. " She'll just clean the SC office. " Sabi nito at sumandal sa sandalan ng swiveling chair niya at ngumisi sa akin. 

Nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi baril ang inilabas nito pero bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang sinabi nitong parusa ko.

Dahan dahan kong inilibot ko ang paningin ko at ngayon ko lang napansin kung gaano kakalat ang SC office.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa Hari at nakita ko ang pag crumple nito sa isang papel na inilabas niya sa kaniyang drawer kanina lang at itinapon kung saan.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon