10th: Saturday

3K 79 0
                                    

Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. The room where I woke up then everything in my life changed. I'm at the clinic again.

As I saw the man sitting beside the bed where I am, I remembered what happened earlier in fast forward. Nag simula ng mahuli akong late, pababain mula third floor hanggang first floor, paakyatin mula sa first to third floor at pababain ulit, hanggang sa nawalan na naman ako ng malay.

Ugh! Lagi nalang akong nawawalan ng malay!

Napatingin ako sa relo ko at nakitang tapos na ang klase ko ngayong araw. Damn! 3:30 na, kakatapos lang ng last subject ko! Hindi na naman ako nakapasok! Well, sanay naman akong hindi pumapasok, at isa pa, mas importante pa yung isipin kong buhay ako kesa mamatay ako sa class room. Tsk.

Muli akong napatingin sa lalaking naka yuko at mahimbing na ntutulog sa gilid ko. Nakayuko ito sa kama kung saan ako nakaupo. Mukhang wala pa atang balak magising to.

Hoy! Gising na iyong binabantayan mo! Kung preso lang ako kanina pa ako nakatakas eh!

Gusto ko sanang sabihin iyan pero baka magalit sa akin at baka saktan rin ako kaya minabuti ko nalang na yugyugin ang braso niya hanggang sa maalimpungatan ito at bumangon. Agad nitong iniangat ang kaniyang ulo at mabilis na ikinukurap ang mga mata kasunod ng pag kusot nito dito habang nakatingin siya sa akin.

"Gising ka na pala" ani nito habang nag iinat.

Yeah. About 5 minutes ago. Siguro kung umalis nalang ako at hindi ka inabala sa pag tulog mo ay tulog ka parin ngayon. Tsk.

Napailing nalang ako sa mga salitang naiisip ko tsaka sunod na tumango nalang rito bilang sagot. " Aalis na ako, sigurado kong hinahanap na ako ng mga kasama ko" agad akong tumayo ngunit pinigilan niya ako bago pa man ako makababa sa kama.

"Alam mo ba kung nasaan sila? " tanong nito sa akin kasunod ng kaniyang pag tayo at marahang inayos ang kusot sa kaniyang damit. Nakangisi ito na tila ipinapamukha sa akin na hindi ko nga alam kung saan ko hahanapin ang apat.

Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya at natahimik na lamang dahil sa ngisi at mayabang nitong tingin.

Lahat ba sila ganto kayabang? At hindi ba niya  naiisip?! Mag kasama kaya tayo Mr. PO! Malamang hindi!

Gusto kong isigaw yan sa mukha niya pero masyado pa akong mabait para gawin iyon. At masyado akong takot para bastusin ang mga matataas na tao dito. Tss.

"I don't -... " napayuko ako dahil hindi ko na matagalan pa ang mga tingin niya. At bago ko pa naman maituloy ang sasabihin ko ay hinila niya na ako palabas.

"I know where they are" nakangiti ito habang hawak hawak ako sa aking pulso at hinihila patungong kung saan.

Bakit ba lagi nalang akong hinihila palabas ng clinic? At hindi niya ba alam na kagigising ko lang mula sa pag kakahimatay? Tapos kung hilain niya nalang ako ay para bang close kami?

Ugh! Ba't ba ako ganIto mag isip?! Pakiramdam ko tuloy ang sama sama ko dahil sa mga naiisip ko!

Saglit kaming tumigil sa tapat ng isang pintuan. Rinig ang sagutan ng mga babae at lalaki sa loob ng silid na nasa aming harap. Napa iling naman ang kasama ko dahil sa naririnig naming ingay mula sa loob.

"Bakit hanggang ngayon ay wala parin siya?"

"Why can't you just wait? Have patience"

"Wait? Patience? Hindi na kami nakapag lunch kakahintay sa kaniya."

Mga pamilyar na boses ng mga babae ang nagmumula sa loob. Sigurado akong nasa loob ang apat.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon