22nd: Stupid Consequences

2.5K 91 7
                                    

Siya?! But how?

...

...

...

And why?

"Y-you? " napatayo ako nang makita ko itong unti unting humahakbang papalapit sa kinauupuan namin ni Rancor.

Sunod rin namang tumayo si Rancor at tumabi sa akin. At kasunod pa nito ay naramdaman ko ang pag hawak niya sa pulsuhan ko.

Agad akong nag angat ng tingin kay Rancor pero nakatitig ito sa Hari at kita sa mukha niya ang pangaasar dahil sa pag ngisi niya rito ng nakakaloko.

What is he doing?!

Sa ginagawang pag ngisi ni Rancor ay naging matagumpay siya sa pangiinis sa Hari. Kita ko ang palipat lipat na tingin ng Hari sa kamay ni Rancor na nakahawak sa akin at sa mukha nitong nakangisi sakaniya.

"Let's go. " seryosong sambit ng Hari ng sa akin huling bumagsak ang tingin niya.

Inaasahan niyang maglalakad ako palapit sa kaniya pero hindi ako gumalaw dahil hawak ako ni Rancor.

Ugh! Pag hihilaan na naman ba nila ako?!

"She's not going with you this time, Flint" seryoso ring sabi ni Rancor pero nakangisi siya sa hari. Tila nangaasar ito lalo sa ginagawa niyang pag ngisi ng mas malaki.

Dahan dahang kumurba ang ngisi sa labi ng Hari bago ito muling mag salita. "Why not? I have the right" Dahil sa sinabi niyang iyan ay naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Rancor sa akin.

Damn! Everything is starting to get heavy here again!

Ilang segundong katahimikan at tila nag usap ang dalawa sa masama nilang tinginan.

Biglang lumuwag ang lahat para sa akin ng bigla nalang lumuwag ang hawak ni Rancor sa pulsuhan ko hanggang sa bumitaw na siya mismo sa pagkakahawak sa akin. " Ok then. Go with your powerless king for now Kierra" nakatingin lang siya sa akin nang sabihin niya ang mga iyan. Nawala ang ngisi nito at nag seryoso ang mukha niya.

Powerless? But he's not powerless.

"Shut.up" madiin na sabi ng hari at hinila na ako sa tabi niya.

Palipat lipat ang tingin ko sakanilang dalawa tulad ng pagpapalitan nila ng nakakamatay na tingin. Para silang maglalapaan anumang oras.

"Don't push me through my limits Mr. Chavez. " tuloy nito at tuluyan rin akong hinila paalis doon.

Mabilis ang lakad nito pero nagawa kong makasabay sa bawat pag hakbang niya dahil hila hila niya ako.

Why did Rancor said powerless? And why is King affected?

Isinantabi ko muna ang ilang katanungan sa isip ko ng mapansing sa field na kami naglalakad. Pinipilit kong bawiin ang kamay ko pero lalo niya lang itong hinihigpitan dahilan para hindi ako lalo makaalis sa pagkakahawak niya.

Damn it Asche! Mapapahamak ako dahil sa ginagawa mo! Dumadami na ang mga taong nadadaanan namin at nakakakita sa pag hawak niya sa akin!

"King, please let my hand go" mahinang sabi ko rito pero lumalaki lang lalo ang ngisi niya sa akin at tila sinasadya pang huwag akong bitawan.

"Why? Is he the only one allowed to hold you? " inis na sabi nito at lalong bumibilis ang lakad.

Damn it! Of course he knows that Rancor held my hand! Ugh!

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon