41st: Carried

2K 58 1
                                    

Pagkasabi non ni Traze ay kakaibang kalungkutan ang nakita ko sa mga mata niya. Lahat ng emosyong madalas na makita sa mukha nito ay nawala at napalitan ng matinding kalungkutan.

The girl he love's?

Nanatili ang pananahimik ko at ang hindi maiwasang naaawang tingin ko rito.

Ano bang dapat kong sabihin? Ayokong magkamali sa sasabihin ko dahil pinag-uusapan namin rito ang mahal niya, at ang taong nakakapagpalungkot sa kaniya ng sobra.

"6 years ago, when that massacre happened. " napapikit ito sa pag sisimula niya.

6 years ago? Massacre?

Unang mga salitang binanggit niya. Una palang iyan pero sobrang bigat na ng dulot sa pakiramdam ko. Nararamdaman ko ang bigat na dala nito sa loob niya.

"I'm still in elementary back then, isang napakapayapang gabi sa bahay. Normal ang takbo ng lahat ng bagay. Pero sa isang iglap, nawala ang lahat sa akin." Ramdam kong hirap itong nagkekwento sa akin. Alam kong masakit sa kaniya na alalahanin ang mga bagay na sinasabi niya.

Minabuti kong manahimik lang at makinig sa kaniyang pag kekwento. Ni hindi ko magawang alisin ang tingin ko rito habang siya naman ay nakatungo lang habang nag sasalita.

"5 men came from nowhere, I don't know what they want, I don't know what they need, I don't know why they did that" nakita ko ang pag tulo ng ilang luha mula sa mga mata nito at lalong naging malinaw sa akin ang mga luha niya nang tignan ako nito diretso sa aking mga mata.

Did what?

"T-they killed my parents. Walang kalabanlaban nilang pinatay ang mga magulang ko, a-and my little s-sister." Muling bumalik ang pag tingin nito sa sahig.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ano bang dapat kong sabihin? Damn it! Wala akong magawa para pagaanin ang loob niya, wala akong ibang magawa kundi ang maawa.

Ngumiti ito sa akin ngunit bakas parin ang lungkot sa kaniyang matang namumula dahil sa pag luha nito.

"Sorry, nag drama pa ako rito." Pilit na ngiti nito.

Malimit ko rin itong nginitian "i-it's ok, " pilit na sabi ko "I can call you 'kuya' then" tuloy ko. Pagbabakasakaling mapagaan ang loob nito.

"Ok, little sister" ngumiti naman ito sa akin.

Mag sasalita ulit sana ako ng marinig namin ang pag bukas ng pinto ng kanilang kwarto. Natuon ang atensyon namin sa lumabas na Hari na seryoso ang tingin sa amin ni Traze.

"Why aren't you sleeping yet?" Diretsong tanong nito sa akin.

Tumayo naman si Traze at nag paalam ng babalik na sa kanilang kwarto. Matamlay ko itong nginitian at tinanguan lang ako nito bago niya tuluyang isinara ang pinto.

"I-I can't sleep" tungong sagot ko kasabay ng pag ayos ko ng higa.

Iyan naman talaga ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog diba?

"Hindi ka talaga makakatulog kung makikipag chismisan ka kay Traze" nag lakad ito sa akin at inayos ang kumot ko.

Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa nito.

I can do it by myself King. Tsk.

"Kailangan mo nang matulog, " huling sambit nito bago isara ang pinto ng kanilang kwarto at iniwan akong mag isa.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon