30th: Ace

2.4K 85 0
                                    

Andito ulit kami ng hari sa likod ng carmine building. Dumiretso kami rito matapos siyang bumili ng pag kain sa cafeteria kung saan kami unang dumaan kanina. Isipin niyo nalang kung anong mga itsura ng mga estudyanteng nakakita nanaman sa amin. Nakakapagod nang sabihin nanaman ang itsura, hindi na sila nasanay sa mga nakikita nila. Sasabihan ako ng malandi at kung ano ano pero parang bago lang sakanila pag nakikita akong may kung sinong kasama. Ewan ko ba!

Ano na naman kayang gagawin namin dito?

Tahimik kong pinagmamasdan ang kakahuyan sa harap ko nang inabutan ako nito ng makakain.

"Eat" pag uutos nito sa akin na kung akala mo ay isa lang akong tuta na obligado niyang pakainin. Tsk

May problema ba to? Napakatamlay naman ata niya.

Gusto kong mag tanong pero hindi ko magawa. Pinili ko nalang kunin ang pagkaing inaabot niya at nanatiling tahimik.

"I heard what you did last night" napatingin ako sa kaniya ng marinig ko ang sinabi niya pero agad ko ring binawi ang tingin ko bago pa man niya maramdaman na gulat akong napatingin sa kaniya.

Sh*t! I forgot to tell Traze not to tell this to anyone! Ugh!

"That was ju-.." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng muli itong mag salita

"That was just new supplies and that was damn dangerous." Inis na sabi nito. Kita ko ang mahigpit na hawak niya sa sandwich dahilan ng pag kalat ng ketsup at mayo sa loob ng plastic.

Hindi ako nakapag salita nang sabihin niya iyan. Ano bang dapat kong sabihin? Tsk. I know what I did is stupid.

"Sorry" sabi ko rito ng nakayuko.

Why am I even saying sorry? Ugh!

"Please don't do that again." Diretso ang tingin nito sa harap at hindi ako magawang lingunin. Habang siya ay hindi makaligon sa akin, hindi ko naman magawang tanggalin ang tingin ko sa kaniya.

What's up with him? Para saan ang mga pangaral na to?

I was about to speak ng makarinig kami ng boses galing sa likod.

Rancor.

"Hey. You two are here." Sabi nito at narinig ko ang mga yapak nito sa tuyong mga dahon na nakalalat sa lupa.

What is he doing here?

Agad na tumayo ang Hari at hinarap si Rancor. Sa mabilis na pag lipas ng segundong iyon ay nawala ang Hari na kanina ay hindi ko maalisan ng tingin. Mabilis itong bumalik sa pagiging Hari na nakakatakot.

"What are you doing here?" Walang emosyon na pagtatanong ng Hari.

Muli kong naramdaman ang bigat ng atmospera sa paligid. Ramdam ko ang inis sa kanilang dalawa.

"For Kierra. " sabi naman nito.

Tuamayo ako at hinarap ang dalawa.

"I-I need to go" unti unit kong ihinakbang ang paa ko para makaalis na non pero tulad ng inaasahan,

Hinawakan ng Hari ang pulso ko.

"Stay" sambit nito.

I should be focused on what is currently happening but there's just something on that word. Dahil sa salitang iyon ay lalo akong hindi nakagalaw.

Damn that word! Tsk.

"Umalis ka na Chavez" wala parin emosyon sa pag sasalita ng Hari.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon