35th: Linggo ng Wika

2.3K 81 4
                                    

I knew from the start that no one wanted to stay here, but all of them was just left with no choice. It's either end up being dead, or alive but locked. At kahit gano ka kataas sa loob ng paaralang to, hindi naiiba ang pagpipilian mo sa pinakamababang estudyante.

I can't believe to hear that from him. He's the f*ck*ing president of the students' council. Alaga siya ng heads ng school, pero pati siya, hindi maatim ang manatili sa lugar na ito.

Ngayong araw na ang selebrasyon ng linggo ng wika. Awardings and performances, nothing special. Tss.

Naglalakad kami ngayon ng Primas papuntang gym kasabay ang ibang estudyante sa kanikanilang magagarang damit.

Ugh! Dapat talaga nag flats nalang ako eh! Bakit pa kasi ako pinasuot ng heels, eh hindi rin naman kita. Tsk, Vivienne talaga!

"Prima Donnas, please proceed to your seats in front" nakangiting bungad sa amin ng naatasang EOC member na mag welcome sa mga estudyante kahapon.

Agad kaming nagtungo sa harap kung saan ang aming upuan.

Primas will always be Primas. Tsk. Special treatment again.

Naabutan namin sa harap ang council sa harap kung saan sa pagitan nila ay ang limang bakanteng upuan.

At talagang hiwahiwalay kami ng upuan ha.

Alam kong hindi ganto ang pagkakasunod sunod ng magkakatabi. Dapat ay sa dulo ako at si Ariia ang katabi ko, pero mukhang wala naman kaming magagawa dahil sila ang nauna at sila na ang nag ayos kung saan kami uupo. Tsk.

"Hey, you guys are here" Ngiting bungad ni Nathan.

Nag lakad si Ariia papunta sa tabi nito at doon na naupo. Nag lakad na rin ang iba para umupo sa upuang inalok sa kanila kaya naman nag lakad na rin ako papunta sa tabi ni Vienna.

"Kierra, sit here" ngiting pag tawag ni Traze sa attention ko habang tinatap ang bakanteng upuan sa tabi niya. Sa tabi nila ng hari.

What? Ugh! Of course, doon ako. Damn it!

Wala na akong ibang nagawa ng makitang wala na ring bakanteng upuan sa tabi ni Vienna. Mukha atang sadya na naman ito. Hays.

"Uy! Bl-.. Asul! " Natatawang sambit ni Zayd.

Nag tawanan naman sila ng muntik na itong mag salita gamit ang english na ngayon ay ipinagbabawal.

Hindi ko pinansin ang sinabi nito bagkus ay napansin ang sunod nitong binigyan ng makahulugang ngiti. Ang hari.

Ngayon ko lang napansin na parehas kami ng kulay ng damit. Parehong pareho, animoy napagusapan namin ito.

"Pares!" Tumatawang sabi naman ni Quen na malayo sa amin.

Muling nag tawanan ang lahat kaya naman yumuko nalang ako. Habang ang hari ay seryoso lang nakatingin sa harap.

Wala ba siyang balak patigilin ang mga ito? Kailangan bang kami talaga ang napapansin pag magkakasama kami? Ugh!

Nag patuloy ang asaran nila dito sa harap habang nag hihintay sa pag dating ng mga estudyante, mga guro at ng pinakamatataas na tao dito. Ang school heads.

Tila may kung anong nangyari nang biglang ang kaninang maingay na gymnasium ay nabalot ng katahimikan at mahihinang bulungan galing kung kanikanino.

Napansin ko ang pag akyat ni Nathan sa stage at mabilis na kinuha ang mic. Agad naman akong lumingon sa pasukan ng gym kung saan diretso ang tingin nito.

They're here. Principal Meryll, Principal's right-hand, Jun Almonte and Principal's secretary, Bianca Lei.

Tahimik ang lahat habang nakatingin sa pasukan ng gym kung saan nakatayo ang mga ito kasama ng ibang mga guro sa kanilang likuran.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon