12th: Blue, Black and Gray

2.9K 80 5
                                    

Unti unti nang nilalamon ng dilim ang kalangitan at ang buong paligid dahilan ng pag sisimula ng ibang mga trabahador na mag ligpit na ng kaniya kaniya nilang stalls. Paunti na rin ng paunti ang mga estudyante dito sa fields at karamihan ay nakabuhat ng kanilang napakaraming paper bags.

Mag isa na lang ako mula nang matapos kaming mag lunch. Nag hiwahiwalay ulit kaming lima dahil pilit kong hindi makasama sa kanila kahit na ayaw na nilang mag hiwahiwalay pa kami dahil pahapon na rin. Samantalang ang Council naman ay nagkaroon ng meeting matapos ang lunch namin kanina kaya wala rin ni isa sakanila ang nakasalubong ko sa buong hapon kong pag iikot ikot.

5:30 na at kailangan ko ng pumunta sa dorm, hindi ako pwedeng hanapin ng mga Primas dahil paniguradong mas mahihirapan lang ako at baka makahalata pa sila. Magaling pa namang maghinala si Brynn at hindi rin biro ang pagiging matalino ni Vienna.

Sa gitna ng paglalakad ko sa padilim nang paligid ay tiniis ko ang kaba at takot na nararamdaman ko dahil sa masasamang tingin ng ilan. Pero tulad nang gabing umalis ako sa cafeteria, hindi parin nila ako magawang lapitan. Siguro ay alam nila kung paano gumalaw ang mga Prima kung sakaling malaman nilang may nanakit sa akin.

 Tss. A great advantage. 

Sa gitna ng  paglalakad ko ay nawala ang atensyon ko sa mga tingin ng mga tao sa paligid ng may makasalubong akong tatlong estudyante na siguro ay mga nasa grade 7 or 8 pa lamang ang mga ito. Bigla silang yumuko ng magkasalubong kami at rinig ko rin sa kanila ang mahihinang bulungan ngunit wala akong naintindihan sa mga sinasabi nila. Siguro ay ako rin ang pinag uusapan ng tatlong iyon dahilan ng pag iwas nila ng tingin sa akin. Tsk.

Hindi ko nalang sila pinansin at mas binilisan pa ang paglalakad ko.

Huminga ako ng malalim ng makatayo ako sa tapat ng pinto ng dorm room. Rinig ko mula sa loob ang hindi gaanong malakas na tawanan ng apat.

I guess, this is the last time I'm going to hear their laughter.  This is going to be my last to enter this door, and to be part of their group.

Kahit mabigat sa dibdib at mahirap para sa akin na humarap sa kanila ay lakas loob kong binuksan ang pinto at pilit na ngumiti sa kanila na agad na napalingon sa akin.

"Oh you're here" Sambit ni Vivienne na kumaway sa akin at sinenyasan akong umupo.

"San ka galing?" Agad namang tanong ni Vienna habang may ngiti pa sa labi, bakas ng kakahupa lang na tawanan nila.

"S-sa feild, nag ikot ikot lang.. " sinubukan kong umakto ng normal dahil baka mahalata ako ni Brynn, magaling pa naman siyang mag basa ng mga galaw.

"Have you ate already?" Tanong ni Brynn na agad na tumayo at akmang ipaghahain ako pero agad akong nag salita para pigilan ito.

"Nope, I haven't ate yet. But, busog pa ako" pilit akong ngumiti rito na ikinatango niya naman at bumalik sa pagkakaupo. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag ng tila wala naman itong nahalata sa mga galaw ko.

Naupo ako sa tabi ni Ariia na panay ang ngiti sa akin. "Kumain na naman ba kayo ni Traze sa labas?" Simulang pang aasar saakin ni Ariia na ikinatawa ng tatlo.

Tss. Sabi na nga ba't iyan ang iniisip niya. Nabuild up na naman tuloy ang topic tungkol sa amin ni Traze. Nako naman!

"Hindi no! Kayo talaga! Tigilan niyo nga ako" suway ko sa mga to na nag sisimula na naman akong pag tawanan

"Hindi mo naman sinabi na naughty and nice like Mr. Quindara ang type mo sa boys" Patuloy na asar sa akin ni Vivienne na tila maraming alam sa mga uri ng mga lalake.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon