EPILOGUE

2.6K 59 2
                                    

Asche's POV

Hindi ko mapigilan ang pag tulo ng luha ko habang nakatingin sa puntod niya. Malinis na malinis at malinaw na malinaw sa paningin ko ang pangalan niyang nakaukit sa lapida.

Kailangan ba talagang isa ka sa mga mawala? Hindi ka naman masamang tao, pero bakit ikaw?

"Asche, tara na, pupuntahan pa natin ang puntod ni Tres, at ng iba" rinig kong pag tawag ni Quen sa likod ko.

Mahirap man, kailangang tanggapin, wala na akong magagawa.

You've been a great brother Raven, I'll never forget one of my PO's, one of my brothers.

Damn it! Hindi ko maiwasang hindi magdrama tuwing pupunta ako rito. Every weekend, hindi ako nakalimot na dumaan dito dahil sa hindi ko matanggap ang nangyari sa kaniya.

"Tara na" rinig kong pag tawag sa akin ni Kierra na biglang sumulpot sa tabi ko.

Pilit akong ngumiti rito at hinawakan ang kamay nito, at sabay kaming umalis.

Kahapon lang nang magising ito, ngunit ayaw papigil. Gusto na nito agad na bisitahin ang mga kaibigan naming nasawi nang araw na iyon.

Tss. Ang tigas talaga ng bungo.

Buti nalang talaga at nagising siya. Hindi ko kayang isa siya sa mga bibisitahin ko ang puntod. Ayoko, hindi ko kaya.

Masyado ko siyang mahal.

Kierra's POV

Isang araw palamang mula nang magising ako Alam kong hindi pa ako okay, ramdam ko pa ang konting pagod sa katawan ko at ang sakit ng ulo ko. Pero dahil sa sobrang dalas kong maramdaman ang gantong mga bagay ay parang normal nalang sa akin ang lahat ngayon. Hindi ko kailangan humiga sa hospital bed dahil sa simpleng sakit ng katawan at ulo, namuhay ako ng matagal na dala dala iyan lagi.

Naaalala ko na ang lahat, lahat ng nangyari nung bata pa ako. Lalo na nang marinig ko ang kwento nila at nang makita ko ang mama ko.

Mga alaala ko kasama si Sierra, mga alaala ko kasama sina mama at papa, mga alaala ko bago ako patayin ni Jun Almonte mentally.

Papunta kami ngayon ni Asche sa puntod nina Riley at Tres. Nauna na rito ang iba naming kasama dahil natagalan kami ng Hari sa pag bisita kay Raven.

It's really hard for him. Kahit na pinapakitaan ako ng ngiti nito ay kita ko ang sakit ng nararamdaman niya sa kaniyang mga mata,

"Asche, " tawag ko rito. Tahimik siya at hindi ako sanay, ayoko nang natatahimik siya, baka bigla niya na naman akong iwan, hindi ko na kaya.

Nilingon naman ako nito agad.

"Will you marry me?" Wala sa sarili kong natanong.

Well, wala akong matanong eh. I'm willing to ask stupid questions wag lang siyang matahimik at iwan ako ulit.

"What? We're too young and I should be the one asking" kunot noo nito habang nakangiti

"So no?" Kinunutan ko rin ito ng noo na ikinagulat niya naman at agad niyang ikinailing

"Huh?! Of course yes ang sagot ko, " ngiti nito kasabay ng pag akbay niya sa akin

"Ok good" balik na ngiti ko naman sa kaniya at humawak sa kamay niyang nakapatong sa balikat ko.

Ilang saglit pa ay narating na namin ang puntod ng dalawa na magkalapit lang. Muli namang hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Masakit makita ang pangalan ng mga kaibigan mo na nakasulat sa isang lapida.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon