45th: ... Me Instead

2K 68 5
                                    

Ugh! Hindi ako makagalaw! Damn it!

Napakasakit parin ng katawan ko. Ramdam ko parin ang pagtama ng matitigas na bagay sa katawan ko kagabi.

"Sabi ko naman kasi sayo wag ka ng lumabas kabag gabi." Pangangaral sa akin ni Ariia habang ginagamot ang maliliit na galos na nakuha ko kagabi.

"Kierra, kung gusto mong mag imbestiga tawagin mo kami sa mga plano mo. Hindi pwedeng kayo lang ni Rancor ang gumagawa ng lahat. " alalang sambit naman ni Vienna.

Hindi kami pumasok sa mga klase namin ngayong umaga. Hindi ako makagalaw sa higaan ko kaya naman napagpasyahan ng apat na samahan nalang ako sa aking pag papahinga.

" Damn that Rancor!" Inis na sambit ni Brynn at mabilis na nag lakad palabas ng kwarto.

Sinubukan namin itong tawagin pabalik ngunit parang wala itong narinig at nag tuloy tuloy lang sa pag labas.

"Kierra, stop moving alone. Andito kami, gusto rin naming makatulong " sambit ng nag aalalang si Vivienne

Naiintindihan ko sila. Ganyan rin ako nang sabihan ako ni Rancor na mag hintay nalang sa mga impormasyong siya ang mag hahanap, pero hindi pwede. Ayokong malagay tayong lahat sa alanganin girls.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Ayokong sabihin sa kanila na hindi ako papayag na samahan nila ako dahil alam kong lalo lang nila akong pipilitin.

"Kung ayaw mo kaming isama sa mga plano mo, stop planning about your escape with Rancor" pagtatapos ni Ariia sa usapan bago lumabas ng kwarto

Sinundan naman ito ni Vivienne para pakalmahin.

Alam kong magagalit sila, pero hindi ko kayang sila ang malagay sa kalagayan ko, sila lang ang meron ako.

"Stop everything Kierra, " alalang sambit ni Vienna na siyang natitirang kasama ko rito.

"N-no, hindi pwede. Hindi pwedeng hayaan ko nalang ang sarili kong makulong rito. Vienna, makakalabas tayo " hindi ko na mapigilan ang pag tulo ng luha ko.

"Please Kierra, stop it. Kung makakalabas ka man ay maaaring hindi ka na humihinga dahil sa mga ginagawa mo. Tama na. " pati si Vienna ay lumuluha na rin.

Rinig ko ang pag suko sa boses niya. Pagkawala ng pag-asa. Napaka tapang ng babaeng ito, pero wala na, asan na si Vienna na hindi sumusuko?

Napaisip naman ako sa mga sinabi niya. Maaaring mamatay nga ako, pero hindi parin ako titigil sa pag subok sa pag labas sa impyernong ito. Hindi pwede dahil pag ginawa ko iyon ay kaming lahat ang mamamatay.

**


Andito kami ng apat ngayon sa cafeteria, katatapos lang ng aming pananghalian. Ngayong hapon nalang kami papasok dahil medyo ayos naman na ang pakiramdam ko at kaya ko ng makagalaw.

Tahimik ang apat habang kumakain kami kanina. Ayoko ng mga ikinikilos nila, masyadong matamlay at mga walang buhay.

Kasalanan ko lahat ng ito. Damn it!

"Tara na, baka maabutan pa tayo ng time" tumayo na si Vivienne kaya naman nag tayuan na rin kami para pumunta sa kanya kanya naming rooms.

Tahimik kaming nag lalakad hanggang sa marating na naming ang aming pag hihiwalayan.

Nakatungo akong nag lalakad mag isa sa ginta ng mga estudyanteng galit, natatakot, at mga emosyong dahilan ng pagkakakulong namin.

Ayokong mabalot ng galit ang lahat ng estudyante sa paaralang ito. Hindi ako titigil hanggat hindi kami makakalabas rito.

"Aray!" Napasigaw ako sa pag higit ng kung sino sa braso ko.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon