34th: Escape Plan

2.2K 73 2
                                    


Bakas ang galit sa mukha ng siyam na kasama ko sa mesa matapos kong i-detalye sa kanila ang nangyari sa akin. Ang dahilan ng pagkawala ko ng tatlong araw.

"I bet that dumb guard stopped breathing" ngising komento ni Tres.

"Dapat lang. He doesn't deserve to live" seryosong sabi naman ni Kendric

" Why didn't you fought back?" Seryoso ang tanong sa akin ni Aeco.

Tumungo lang ako sa pag tatanong nito.

Because I can't, I can't because I don't know. Tss. Maybe I'm weak.

Gusto kong sumagot pero mas pinili kong wag nalang mag salita. Napansin ko ang pag tapik ni Riley sa balikat ni Aeco at ang pag iling ni Travis sa kaniya.

Iniangat ko ang ulo ko at pilit na nginitian sila. Maipakita man lang na okay na ako.

Nag salita naman si Adlie sa gitna ng pananahimik naming lahat. " I forgot, hinihintay ka nga pala ni Rancor sa likod ng carmine " nag aalalang sambit nito.

What? Hinihintay? Bakit ngayon niya lang sinabi?

Napatingin naman kamin lahat kay Jin " Oo nga pala! Tsk. Pati ako nakalimutan kong sabihin" napakamot naman ito sa batok niya.

Hay nako naman!

Mabilis akong napatayo sa mga narinig ko " K-kailangan ko na siyang puntahan. " pilit akong ngumiti sa mga ito at mabilis na nag lakad palabas ng hindi na hinihintay pa ang mga sagot nila.

Mabilis akong nakarating sa likod ng carmine building dahil halos takbo na ang gawin ko.

Tsk. Kung hindi ba naman kasi makakalimutin ang dalawang 'yon eh! Ayaw pa naman nitong nasasayang ang oras niya, parehas sila ng masungit na haring iyon!

Agad nahagilap ng mata ko ang nakaupong si Rancor sa tabi ng isang puno.

Napalingon ito sa akin dahil siguro sa mga narinig nitong tunog ng mga tuyong dahon nanaaapakan ko.

"Finally" iritang sambit nito sa akin " tsk. Sabi ko sa mga yun papuntahin ka agad rito eh!" Inis na sabi nito pagkaupo ko sa tabi niya

"Nakalimutan lang" natatawang sabi ko naman rito. Kitang kita ang pagkaasar sa mukha nito dahilan ng mahinang pag tawa ko.

Pagkaupo ko sa tabi nito ay agad na bumalik ang pag seseryoso sa mukha ko ng marinig ko itong mag salita.

"Do you really need to go out at night?" Seryosong sabi nito at diretso ang tingin nito sa akin.

Muli ay napatungo ako dahil sa tanong niya. Tsk. Bakit kailangan niya pang tanungin iyan?

Tahimik kaming nakaupo lang sa tabi ng malaking puno. Gusto ko mang mag salita para mabawasan ang awkwardness sa paligid ay hindi ko magawa.

"Don't do that suicidal move again" seryosong sabi nito habang nakatingin lang sa mga puno sa harap namin.

"I-I just want to get out of here" hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Alam kong hindi lingid sa kaalaman nila kung gano ako kahina, pero ayoko paring kitang kita nila kung gano kababa ang bagsak ko pag nagkataon.

Ayoko na rito. Gusto ko nang makalabas.

"You will. We'll get out of this hell" napatingin ako sa mga sinabi niya.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon