44th: Pleasure to Kill

2K 68 12
                                    

"Let me ask you something" mapang usisang tanong ni Ariia sa akin. Seryoso at naniningkit pa ang mga mata nitong tumitingin sa akin.

Andito kami ngayon sa cafeteria kasama ang ilan sa mga council. Sina Nathan, Raven, Bryon at Traze. Wala ang apat dahil sa meeting nila sa heads ng school. Masyado na silang abala sa pag dating ng foundation day.

"What is it?" Tamad na balik ko ng tanong rito.

Why am I feeling so bored? Ugh!

"Rancor's dating you right?" Normal na tanong nito na tila hindi iniisip ang lahat ng maaaring makarinig.

Ugh! Akala ko manlang kung anong seryosong bagay ang itatanong nito. But hell?!

What the hell?! Anong sinasabi ng babaeng to?!

Agad akong napaupo ng maayos nang mapagtanto ang sinabi niya. Naramdaman ko naman ang biglang pag lingon ng iba pa naming kasama pero tanging kay Ariia lang akong napatingin

Pinanlakihan ko ito ng mata "H-hindi! " gulat na sagot ko rito.

I and Rancor aren't dating!

No, No, No. Not really. Tsk.

Alam kong nasa akin na ang tingin ng lahat ng mga kasama namin ngayon sa mesa. Malokong nakatingin sa akin ang mga babae habang ang council naman ay puno ng pagtataka ang mga mukha. Tila hindi makapaniwala sa tinanong ni Ariia.

Wala pa namang alam ang council sa madalas kong pag sama kay Rancor. Alam kong hindi nila magugustuhan iyon at baka kung ano pang isipin nila.

Baliw na Ariia talaga ito!

"You're with him earlier." Ngiting sambit naman ni Vivienne.

Mabilis ko itong binalingan ng tingin "I-I am, but we're not dating. " iling ko rito.

Damn! I look defensive!

Nagtawanan naman ang tatlong babae maliban kay Brynn dahil sa mabilis kong pag sagot.

I sound too defensive! Pero hindi naman talaga kami nag de-date ni Rancor!

Damn it! We just talked! Ugh, trip talaga nila akong pag tripan sa harap ng mga council, hay nako.

"Your dating Rancor?" Takang tanong ni Raven.

"She's not. I know she doesn't" ngiting sagot ni Traze sa tanong ni Raven sa akin.

Thanks Traze.

Ngumiti ako rito at ganon rin naman siya.

"Close kayo ni Rancor?" Tanong naman ni Nathan, ngunit hindi pa ako nakakasagot ay muli na itong nag salita "ingat ka sa kaniya" sambit nito ngunit hindi ko mawari kung anong ekspresyon ang nasa mukha nito.

"Stop talking like that as if Brynn's not here. Kapatid niya parin si Rancor, Nathan." Irap na sabi ni Bryon kay Nathan.

Napailing nalang si Brynn sa usapan ng dalawa.

Tsk. Bakit parang hindi pa siya sangayon sa ginawang pag tatanggol ni Bryon sa kapatid niya?

"I know Rancor likes Kierra, but he doesn't know how to ask a girl out. I know they're not dating" sambit ng nakangising si Brynn sa akin "And yeah. You should listen Kierra. Wag kang masyadong lumapit don" muling pag sasalita nito

Bakit ba parang lahat ata sila may galit kay Rancor. Mabait naman siya.

Saglit na natahimik ang lahat hanggang sa nag salita naman si Vienna

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon