36th: Riddle

2.3K 61 14
                                    


Diretso ang tingin ng mga napakaseryoso niyang mga mata. Hindi pinapansin ang lahat ng taong ngayon ay nakatingin sa kaniya.

"Matagal-tagal din nawalan ng gana
Pinagmamasdan ang dumaraan
Lagi na lang matigas ang loob
Sabik na may maramdaman" pag sisimula niya.

Hindi lumipat ang tingin nito. Nanatiling diretso ang tingin nito sa akin.

Ugh! Hindi ko to kakayanin!

Sobrang lakas ng kabog ng tibtib ko!

Yumuko ako at nakinig nalang. Ayoko na siyang panuorin. Ayoko na siyang tignan. Ayokong makakita ng emosyon sa mga mata niya. Nakakatakot. Ayoko.

"Hindi ka man bago sa paningin
Palihim kang nasa yakap ko't lambing
Sa bawat pagtago
'Di mapigilan ang bigkas ng damdamin"

Boses niya lamang ang maririnig sa buong gym. Alam kong ang mga mata ng lahat ay sa kaniya lang nakatingin. Nasa kaniya ang atensyon.

"Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
walang papantay sa'yo
Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo"

I tried to look at him, hoping that he stopped looking... But...

Damn it Asche! Stop starring! Baka mahalata ng mga fangirls mo! Lalo akong mapapahamak sa pag titig mo!

"Kung may darating man na umaga Gusto kita sanang muling marinig, marinig
Ngiti mo lang ang nakikita ko
Tauhin man ang silid"

Ramdam ko parin ang bawat pag titig niya. Alam kong hindi nalang siya ang nakatingin sa akin ngayon dahil alam kong pati ang mga kasama ko rito ay ako na ang tinitignan. Tsk.

"Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila
Ikaw ang araw sa tag-ulan at sa maulap kong umaga
Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila"

Pagkatapos na pagkatapos niyang kumanta ay ang sigawan ng mga manunuod.

Mabilis kong iniangat ang tingin ko matapos niyang kumanta. Pero dapat pala hindi muna ako tumingin.

Kahit na pababa siya ng hagdan ay nasaakin parin ang tingin niya. Hindi niya parin ito inaalis.

"That was a quite lingering gaze" ngiting sabi ni Traze sa tabi ko.

Hindi ko pinansin ang sinabi nito ng mapadako ang tingin ko sa heads.

Nakatingin ang mga ito sa akin. Nakatitig, kahit na tinitignan ko na sila.

Bigla akong binalot ng takot sa kinauupuan ko lalo na sa mga ngiti nila. Ngiting hindi mawari kung anong gustong iparating.

Inilipat ko ang tingin ko sa haring kakaupo lang sa tabi ko. Mabuti naman at hindi niya na akong tinitignan.

"What a gaze! I mean, performance! " tumatawang sambit ni Zayd.

Nag tawanan ang lahat sa sinabi ni Zayd maliban sa amin ng hari. Nanatili lang ang tingin ko rito habang siya naman ay seryosong nakatingin sa harap.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon