63rd: War

1.9K 46 6
                                    

Kyo's POV

Muli ay nasa gitna ng buhay at kamatayan ang buhay ko.

"Anong ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong ni Rancor nang makita kaming tumutulong sa pakikipag patayan nila.

"Bumalik na tayo sa gym! Doon na namin sasabihin! Bilis!" Nang mapatumba ko ang kaharap ko ay mabilis na kaming bumalik sa loob ng gym. Pero ang iba ay naiwan dahil hindi nila matakasan ang kaharap nila.

Damn! Bilisan niyo!

Sunod sunod na pumasok sina Zayd, Nathan, Jin at Saji na ilan sa mga naiwan.

Kita ko na sa kinakatayuan ko ang pag balik ng iba pa nang hindi inaasahang matamaan si Tres sa hita dahilan ng pagkatumba nito na inalalayan naman ni Aeco na naiwan rin.

Hindi magawang tumayo ni Tres dahil sa tama nito. Akmang lalabas na ako para tulungan ang dalawa nang pigilan ako ni Jin at gulat na nakatingin sa gawi ng Amaranth building.

Mahigit sampung gwardya ang tumatakbo palabas rito. Nakatutok ang mga baril na isang kalabit lang ay paniguradong ikakapahamak namin lahat.

Damn! Aeco! Tres! Bilisan niyo na!

Aeco's POV

"Leave me Aeco! Iligtas mo na ang sarili mo! Mamamatay tayong dalawa kung hindi ka pa aalis!" Sigaw sa akin ni Tres na pinipilit kong alalayan sa pag tayo ngunit hindi nito tinutulungan ang sarili niya.

"F*ck Tres! Get up there! Hurry!" Balik na sigaw ko rito habang pilit parin siyang hinahatak patayo.

Hindi ko siya pwedeng iwan!

Kita ko na ang papalapit na mga gwardya na dahilan kung bakit ako pinapalayas ni Tres.

"Please! Aeco! Move for your life!" Sigaw nito at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kaniya.

Wala na akong nagawa nang pulutin niya ang baril sa kaniyang tabi at sinubukang patamaan ang mga gwardyang palapit. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo pabalik sa gym.

"Do me a favor!" Rinig kong sigaw nito nang hindi pa ako masyadong nakakalayo, "promise me you'll keep an eye on my sister!" Nang masabi niya iyan, kasabay nito ang pagsara ng pintuan ng gym.




At ang pagkalabit sa baril ng isang gwardya sa harap niya.

Tres...

"I promise" I whispered.

Tres is gone. F*ck! Wala akong nagawa!

Adlie's POV

Muli ay nag tipon tipon kami sa stage. Wala na si Tres. He's dead.

"Kailangan nating pag isipan ng mas mabuti ang plano natin. " rinig ang lungkot sa boses ni Kyo

"W-where is Riley?" Tanong ni Quen ng mapansing wala si Riley.

Kita kong nag tinginan ang iba sa mga kasama namin.

F*ck! Please don't-..

"H-he's gone" Ariia said in a low voice at kasabay nito ang pag takip niya sa kaniyang mukha. Hindi na nito napigilan ang mag labas ng lungkot sa kaniyang mga mata na agad namang kinomporta ni Nathan.

Tres and Riley, are both gone.

F*ck! Two of the rebels are gone!

Kierra's POV

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon