11th: Stygian SKY

2.9K 78 3
                                    

Andito parin kami ni Traze sa field, sa raw food section. Naghahanap siya ng mga pwede niyang lutuin for this week. Kanina pa kami paikot ikot at marami rami na rin ang nakalagay sa cart niya.

May balak pa kaya itong mag bayad? Parang sobrang dami niya naman atang bibilhin?

"I've heard you've experienced Kai's warning" sabi nito at patuloy na nag tutulak ng kaniyang cart na ngayon ay patungo nang cashier.

Wait... how did he know?

"Yeah, actually andito parin iyon" turo ko sa braso ko na natatakpan ng manggas ng 3/4's ko na sinadya kong isuot para maitago ang pasa sa mga malisyosong mga estudyante dito.

"Tss. Hindi parin talaga siya nag babago" mahinang sabi nito at sinimulan nang ilagay ang items sa table at mabilis naman ito pinunch ng cashier.  Nag bayad na siya ng kaniyang mga binili at pumunta na kami sa gym kung nasaan nakatayo ang mga food stalls.

Marami ditong street foods, meron ring mga finger foods lang, pero karamihan ay mga fried something.

Bumili kami ng pagkain at umupo sa isang bench. Abala si Traze na kaniyang pagkain nang pasimple kong tinanggal ang bracelet ko na nabili ko sa mall last year. Mabilis ko itong inipit sa corner ng bench kung saan hindi ito ganon kadaling makita at ng lumingon sa akin si Traze ay agad akong naupo ng maayos at umakto nang normal.

No one should ever know.

Tahimik lang kaming kumakain ni Traze ng mapansin ko ang apat na babaeng nag lalakad palapit sa pwesto namin. May kaniya kaniyang paper bags silang hawak pero kita ang pagkakaiba ng bilang ng paper bags na hawak nila. Tila nag enjoy talaga si Vivienne sa pamimili.

 Mabilis naman akong dumistansya kay Traze ng makita ang mga makahulugang ngiti ng mga to kahit na hindi pa man sila gaano kalapit sa amin.

Damn! Aasarin nanaman ako ng mga to!

"Ehem! Kierra? Andito ka pala, kanina ka pa namin hinahanap. " mapang asar na sabi ni Vienna ng makalapit sila sa amin.

"Hindi mo naman sinabi sa amin na may date ka pala ngayong Saturday" sunod naman sabi ni Brynn na agad na naupo sa tabi ko.

Ugh! Hindi ko inaasahang sila pa talaga ang mangungunang mang aasar sa akin. Sila pa naman ang inaasahan kong mag sasabi na mag kaibigan lang kami at walang ibig sabihin kahit na mag kasama kami, hindi dapat binibigyan ng ibig sabihin ang pag sama sa akin ni Traze lalo na't isa siyang Stygian, mapanganib siyang tao.

"Girls, we're not dating. " Pinanlakihan ko ng mata ang dalawa na ikinatawa naman nila ng mahina. Rinig ko rin ang mahinang tawa ni Traze at pansin ko ang kaunting pag iling nito.

Hell! Nakakahiya kay Traze! Tigilan niyo ako! Nakakahiya talaga Primas!

Ramdam na ramdan ko ang pag init ng mukha ko at pamumuo ng pawis sa likod at noo ko dahil sa kahihiyan.

"Yeah, whatever you say. " pag babaliwala ni Vivienne sa sinabi ko.  " Ahm, Mr. Quindara, can we now have our somewhat lucky friend? We'll just have our lunch, we can give her back after lunch" Tuloy pa nito na ngiting ngiti kay Traze habang nakahawak sa kamay ko.

Damn! Why does she need to say those things?

"Why can't we just have a lunch together? With the Council?" Walang ano anong suhestiyon nito matapos magsalita ni Vivienne.

Oh no! That's not gonna happen!

"N-No, we're good. W-we'll have our lunch sa do-... " bago pa man makapagsalita ang isa sa kanilang apat ay agad na akong nag salita pero nahinto rin ako ng biglang...

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon