13th: Waited

2.8K 77 0
                                    

Blue.Black.Gray.

Iyan agad ang pumasok sa isip ko nang magising ako. Ano ba talagang meron sa mga kulay na yan? Bakit hindi pa sinabi sa akin ni Rancor ng diretso, at kailangan niya pang guluhin ang utak ko?

Bumangon na ako at agad na nag ayos ng sarili, gising na rin ang apat at nakahanda na ang almusal namin pagkalabas ko ng cr.

**

Nag lalakad kami ngayon sa labas ng Inamorata building kasabay ng ibang studyante. Papunta na sa school grounds, at sa dinaraanan namin ngayon ay wala pa naman akong nakikitang kakaiba.

Pero agad akong napatigil sa paglalakad ng sa hindi kalayuan ay nakita ko ang kumpulan malapit sa gate. Tulad ng araw na una akong nakakita ng kumpulan sa kung saan, muli akong nakaramdam ng kaba at takot sa loob ko.

Agad naming pinuntahan ang kumpulang iyon at tama nga ang kutob ko. May tatlong bangkay ang nakahiga. Hindi ko makita kung pano sila pinatay. Malinis at walang bakas ng dugo ang kahit saang parte ng katawan nila.

Nakaramdam na naman ako ng nakakakilabot na pakiramdan dahil sa nakikita kong mga katawang wala nang buhay at pakiramdam ko ay may naktitig sa akin.

Agad kong nilibot ang paningin ko at hindi inaasahang sa di kalayuan ay nakita ko si Rancor. Wearing that serious face and looking at me straight to my eyes.

Ibinaling ko muli ang tingin ko sa tatlong katawan sa lupa.

Damn!

Sila iyon.

Ang tatlong bata kagabi.

Blue, Black and Gray.

A sudden gasp came out from my mouth.

Ang kulay ng damit na suot nilang tatlo, blue, black and gray.

Sila ang tinutukoy ni Rancor.

Damn! He really knew that this would happen. Nagawa niya pang tandaan ang kulay ng damit ng tatlong batang ito na maaabutan ng lahat na hindi na humihinga ngayong umaga.

Napatingin ako sa gawi ni Rancor pero wala na siya doon.

Hell! Damn, I should've tried to convince them harder. I feel so useless.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kagabi lang ay nakausap ko sila. Nakita ko pa silang buhay at puno ng pag asang makakalabas na. Pero ngayon, malamig na bangkay na nila ang nasa harap ko.

Nagising ako sa malalim na pag iisip ng yugyugin ako ni Brynn.

"Okay ka lang Kierra?" Pag yugyog nito sa braso ko.

I'm not. Isa ako sa mga huling nakakita sakanilang buhay at wala akong nagawa para matulungan sila.

Hindi ako makapagsalita kaya tumango nalang ako. Hindi ko maalis ang tingin ko sa tatlo. Sobrang awa para sakanila ang nararamdaman ko.

Ilang saglit lang ay naramdaman ko nalang ang pag hila ng apat sa akin paalis sa mas dumaraming kumpulan ng mga estudyante.

Hindi pa nga siguro ako ganon ka sanay na nakakakita ng bangkay sa umaga. Tss.

Dumiretso na kami sa aming mga klase. Pag pasok ko sa loob ng unang classroom ko ay bulungan ng mga kaklase ko ang bumungad sa akin.

"Mangaagaw!"

"Akala ko mabait, malandi rin pala. Tsk tsk"

"Una ang Primas, ngayon si Traze, sinong susunod na mapapaikot ng bruhang to?"

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon