15th: Eminence Building

2.8K 80 1
                                    

"... and then he declared that I'm his slave! " Inis kong ikinekwento sa apat ang mga nangyari kahapon.

Kung paano niya ako laitin sa harap ng dalawang guro sa admissions office kahapon at kung pano niya ako ipakilala bilang yaya ng grupo niya, ARGH!!! Nakakainis! Nakakainis talaga siya! Kung katulad niya lang ako na walang puso ay mapapatay ko talaga siya dahil sa inis ko. AAAAARGH!!!

Hindi ko parin matanggap na mas dadami ang oras na mapapalapit ako sa council dahil ako ang magiging dakilang janitor nila sa SC office. Ang plano kong pag layo sa mga malalaking grupo dito ay hindi na mangyayari dahil hindi ko na alam kung paano tatakbuhan ang Primas, ang Stygians, at sana hindi na ako mahila pa papalapit sa Rebels. Patay na talaga ako nito sa mga ibang estudyante.

"What?! No! It can't be!" Sigaw ni Ariia "Isa kang Prima Donna! Prima Donna's don't work! I'll talk to King later." Desididong sabi nito. Kahit na tahimik ang tatlo ay hindi rin maitatago sa mga mukha nila ang pagkainis dahil sa mga nangyaring ikinuwento ko.

"Ariia no." Biglang pigil ni Vienna

"Why not? Kierra is a Prima, she shouldn't work for anyone" Tila walang makakapigil kay Ariia dahil sa itsura nitong mukhang desididong desidido na puntahan ang hari mamaya.

"I know! Pero kilala mo si King. Wala ni isang estudyante ang makakapigil sa gusto niya, kahit na tayo pa. We may be the group that can stand between the Stygians and the Rebels but we're not the one who can stop them from making decision for their own group. Mababa tayo sakanila, Ariia. " sambit ni Vienna na halata rin ang inis sa mukha dahil alam nitong wala siyang magagawa sa sitwasyon.

Napatahimik naman si Ariia at tila nahimasmasan sa mga sinabi ni Vienna. Tila nag rerehistro sa utak niya na si King ang gumawa ng utos at wala na siyang magagawa pa roon.

Damn! Kaya ayaw ko 'tong sabihin sa kanila eh! Hindi ko rin naman kasi pwedeng itago ito sa kanila habang buhay.

"Ugh! I hate you King!" Inis na sigaw ni Ariia gamit ang matinis nitong boses na ikinatakip ni Vivienne at Brynn ng mga tenga nila.

Tss. Napakahalaga talaga sa kaniya ng imahe niya at ng grupong ito. Pero dahil sa pag dating ko, madudungisan pa ang iningatan niyang imahe na iyon.

Tumuloy na kami sa kanya kanya naming klase. Pero kahit ang aga aga palang ay hindi na ako maka concentrate sa dinidiscuss dahil naiisip ko ang pagiging 'slave' ko.

Tsk. Wala na ngang naaral sa labas, wala pang maaaral dito sa loob. Kaya ako nasasabihang Stupid eh. Ugh! Bwisit na panlalait ng Hari na yan!

Mabilis natapos ang first subject ko ngayong araw, hindi ko na rin siguro namalayan dahil sa sobrang pag iisip. Kahit labag sa kalooban ay dumiretso na ako agad sa SC office tulad ng utos sa akin kahapon.

Diretso lang ang lakad ko, hindi gaanong mabilis para hindi ko agad marating ang opisina ng Hari-ng-mga-kalat.

Natawa nalang ako ng bahagya sa naisip ko ng biglang may tumabig sa aking balikat. "Uy Raven, ikaw pala." Nasambit ko ng lingunin ko si Raven na biglang sumulpot sa tabi ko.

"Papunta ka na sa office?" Tanong nito habang pinapaluwagan ang kaniyang necktie at ina-unbutton ang ilang butones sa itaas na bahagi ng kaniyang puting puting uniform.

"Yeah. Ayoko nang pag hintayin ang hari. Baka kung ano pang ipalinis non sakin pag lalong nagalit eh." Ani ko na ikinatawa niya naman ng bahagya.

"Pag pasensyahan mo na, hari nga naman" napangisi nalang ito at napailing rin sa sinabi niya.

Ang mabagal kong paglalakad ay medyo bumilis ng sabayan ko ang normal na paglalakad ni Raven. Kaya kahit ayaw ko pang marating ang office ay wala na akong nagawa ng makatayo kami sa harap ng pinto nito.

SKY Academy | Book 1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon