II.

8.5K 213 8
                                    

KABANATA II

MAAGA nagising ang dalagang si Louise. Hindi pa masyadong lumalabas ang araw sa kalangitan sa mga oras na iyon nang mapagdesisyunan niyang lumabas ng silid ni Luhan at nagpunta sa sala. Nakakatuwang isipin na hinayaan ng binata na matulog siya sa sarili nitong silid upang maging komportable sa kanyang pagtulog. Habang naglalakad ay patuloy niyang sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay nang maabutan niya ang binata na natutulog sa sala ng dormitoryo.

Bahagya siyang napangiti sa nakita "Magulo ka rin palang matulog" Ngumiti siya't lumapit sa natutulog na si Luhan kung saan inayos niya ang kumot na nalaglag sa sahig. Hindi niya maiwasang mapatitig sa binata, hindi maitatanggi na may itsura ito kahit na tulog ito, idagdag na rin ang mabuti niyang kalooban na nakakapagpadagdag ng karisma.

"Gising ka na pala" bahagya siyang nagulat sa narinig at mabilis na lumingon sa kanyang likod. Nakita niya ang binatang nakasuot ng itim na damit habang nagkukusot ng mata. "Ah, oo. Magandang umaga, Kyungsoo?" hindi pa niya siguradong sagot. Bahagyang ngumiti ang binata sa kanya at nagtungo sa kusina. "Mabuti naman natandaan mo pangalan ko" Wika niya.

Sumunod siya sa binata kung saan naabutan niya itong naghihilamos ng mukha. "Ang aga-aga mo namang titigan si Luhan" Pagbibiro nito. Hindi niya maiwasang mamula sa narinig kasabay ng nauutal na pagsasalita.

"Hindi ko naman siya tinititigan. Inayos ko lang ang kumot niya. 'Yun lang" pagdadahilan ng dalaga. Bahagyang natawa si Kyungsoo sa naging reaksyon niya. "At saka, gusto ko lang maghanda ng almusal para sa inyo. Gusto ko kasing magsorry sa inasal ko kahapon. Alam kong hindi naging maganda ang pananalita ko sa inyo" Naging mahina ang kanyang tono.

"Hindi" Nagtaka ang dalaga sa narinig maging sa tono ng pananalita ni Kyungsoo. Kaagad siyang tumingin sa mata ng binata kung saan niya nakita ang masamang tingin nito sa kanya. Kaagad itong lumapit sa kanya ng dahan-dahan dahilan para kilabutan siya. Bahagya siyang umatras papalayo rito ngunit kaagad siyang nabangga sa pader dahilan upang macorner siya nito.

"K-kyung.." nauutal niyang wika.

"Sa lugar na ito, ako lang ang maaring maghanda ng pagkain" Hindi maintindihan ng dalaga ang binata't kaya't dahil sa pagkataranta'y tumango nalang ito bilang sagot. Kaagad naman natawa ang binata sa naging reaksyon nito. Pahampas siyang tumatawa habang hawak-hawak ang tiyan. Napahawak naman ng ulo si Louise dahil wala pa rin siyang ideya sa kalokohang ginawa sa kanya ni Kyungsoo.

"Kyungsoo!" Inis na wika ni Louise. "Biro lang, Louise, Hahaha kung nakita mo lang ang mukha mo!" patuloy ang kanyang pagtawa. Napakamot na lang ng ulo ang dalaga.

Sumagi sa kanyang isip ang napakaraming bagay. Ang una ay kung anong dahilan kung bakit siya napadpad sa isang mundong hindi niya sigurado kung saan matatagpuan, pangalawa ay kung bakit nakakagamit si Luhan ng telekinesis at ang ikatlo'y kung anong mangyayari sa kanya sa mundong ito. Kung babalik pa siya sa orihinal niyang mundo'y siguradong magiging mahirap sa kanya ang lahat dahil siguradong hindi siya tatantanan ng kanyang tita.

"Hindi naman masama kung mananatili muna ako dito sa lugar na ito" Wika niya sa kanyang isipan. Ngumiti sa kanya si Kyungsoo kasabay ng pag-aabot niya ng mga rekado sa binata. Pinanood niya itong magluto ng almusal para sa kanyang mga kaibigan. Ito ang unang beses niyang magkaroon ng kaibigan lalaki dahil sa orihinal niyang mundo'y hindi siya nagkaroon ng kaibigan.

Nagkaroon nga ngunit sa isang araw lang. Natutuwa siya habang pinapanood si Kyungsoo magluto. Hindi niya maipaliwanag ang itsura nito dahil tila bata ang kanyang reaksyon sa tuwing natatalsikan siya ng mantika.

"Maghahanda na ako ng pinggan sa mesa" Wika niya sa binata. Kaagad nitong itinuro ang lagayan ng pinggan kung saan naman nagtungo si Louise. Sa kanyang paglabas ay sumalubong sa kanya ang iba pang kaibigan ni Kyungsoo na nasa sala. Nakita niya ang isang binatang ginuguhitan sa mukha si Luhan habang nagpipigil ng tawa. Isa na sa mga saralin dito ay si Chen.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now