Ending

3.7K 78 24
                                    

DAHAN-DAHAN umupo si Louise sa tapat ng kanyang salamin. Marahang tumulo ang luha sa kanyang mga mata bagay na kanyang ipinagtataka. Malalim na ang gabi ngunit nanatili pa rin siyang gising at kinukwestyon ang sarili.

"Bakit ganito? Bakit nakakaramdam ako ng sobrang lungkot?"

Marahas niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi maalis sa isipan niya ang lalaking nakausap. Hindi niya rin maintindihan kung bakit mayroong mga lalaking nagpapakita sa kanyang mga panaginip ngunit hindi niya maaaninag nang maayos ang kanilang mga mukha.

Halo-halong kaba, lungkot at sakit ang kayang nadarama.

"Bakit ganito? Ano bang problema sa katawan ko?" saka niya muling pinahid ang mga luha.

"Basta't tatandaan mong mahal na mahal kita."

Marahan siyang napahawak sa kanyang ulo. Mariing pumikit habang inaalala ang imahe ng 'di kilalang lalaki sa kanyang isipan. Malabo. Mas'yadong malabo ang imahe nito. Ngunit malinaw niyang naririnig ang tinigat alam niyang kilala niya ito.

I'll be right here with you for life

Oh, baby all I wanna do

Is spend my every second with you

So look in my eyes

I'll be by your side

"Salamat, Louise dahil minahal mo ako. Mahal na mahal kita. Ipinapangako ko sa 'yo na hindi ka na iiyak ulit sa akin."

Yeah, look in my eyes

I'll be by your side

For life


"Louise?"

Kunot-noo siyang lumingon sa binata. Natigilan sila sa pagsasayaw at marahan siyang napaatras. Mabilis niyang iginala ang kanyang mga mata at nakita ang mga kaibigang nagtataka rin na nakatingin sa kanya. Tumigil ang kanyang paningin kay Kyungsoo na nagmamasid habang nasa entablado.

Birthday party. Nasa gitna siya ngayon ng kasiyahan matapos masaksihan ang lahat.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Xiumin.

"Buhay ka?" Mabilis na hinanap ng kanyang paningin ang ilang mga kaibigan. "Ayos lang si Tao at Baekhyun? Nasaan ang iba?"

Marahan siyang hinawakan nito sa braso. Kaagad niya rin namang hinawakan ang kamay nito at mariing pinisil. "Hindi ko alam kung ano ang bagay na nakita ko pero gusto kong maghanda ka. At maghanda kayong lahat. Mangako ka sa akin na kahit na anong mangyari, h'wag kang mamatay."

"Ano bang ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong nito.

"Maghanda ka dahil magsisimula na ang lahat." Kaagad na naglaho ang ilaw sa paligid. Nagkaroon ng sandaling bulungan kasabay ng pag-ibabaw ng tinig ni Suho.

"Bigyan liwanag ang buong paligid!" bulalas nito.

Kaagad namang nagpakawala ng liwanag si Baekhyun at iba pang mga bisitang may kapangyarihan ng liwanag. Nagkaroon ng liwanag ang palasyo hanggang sa masilayan nila ang ilang mga kalaban na paparating na sa palasyo. Kanya-kanyang takbuhan ang lahat papaalis sa lugar na 'yon. Yumanig ang lupa't hindi maiwasang mabasag ng ilang glass windows. Malakas ang epekto ng pagsabog kung kaya't maging ang chandelier ay bumigay.

Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Isang premonition ang kanyang nasaksihan at sigurado siyang alam ni Tao ang lahat ng ito o inaasahan na mararanasan niya ang bagay na ito.

Ipinagpapasalamat niyang nakita niya ang lahat dahilan upan mailigtas niya ang mga mahal sa buhay laban sa matinding sakuna.

Kaagad niyang pinunit ang kanyang mahabang damit at tinanggal ang takong ng kanyang sapatos. Sa huling pagkakataon, binalingan niya ng tingin si Xiumin. "Hindi kita papatawarin kung sa laban na 'to, makikita kitang patay." Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito. "Babalik ako para sa 'yo. Hanapin mo si Tao."

EXO: Twelve Princes ✔️Kde žijí příběhy. Začni objevovat