IV

7.8K 189 23
                                    

KABANATA IV

"Sa oras na ipakita sa 'yo ng isang lalaki ang nakakatuwang parte ng kanyang pagkatao. Walang duda, komportable siya sa piling mo"

DAHIL sa kakayahan ni Kai na teleportasyon ay kaagad na nakarating ang magkakaibigan pabalik ng kanilang dormitoryo. Kaagad na inilapag ni Xiumin si Louise sa sofa nang dahan-dahan upang hindi kumirot ang kanyang mga sugat na natamo. Kaagad namang lumayo at dumistansya ang ilang mga binata upang bigyang daan si Lay patungo sa kinaroronan ng dalaga. Nagsalubong ang kilay ni Xiumin habang pinapanood na mag-alala ang mga kaibigan niya para sa kaligtasan ng dalaga sa kanyang harapan.

Isang imahe ang dumaan sa kanyang isip at ang mukha ni Louise ay napalitan ng isang mukhang hindi na niya nais pang maalala. Hindi iyon ang unang pagkakataon na mapalapit ang mga kaibigan niya sa babae at naging komportable ang mga ito sa kanya.

"Salamat, Lay" Wika ni Louise na may halong kalungkutan. Hanggang ngayon ay naalala pa rin niya ang nangyaring kahihiyan sa presentasyon sa harap ng maraming tao. Pakiramdam niya sa mga oras na iyon ay siya ang pinakamahina sa mahihina. Isang pabigat sa mga binatang nasa kanyang harapan lalo na kung papaano itaya ng ilan ang kanilang pangalan mailigtas lang siya.

"Hindi niyo na dapat ginawa pa iyon. Napahamak lang kayo dahil sa akin" Mahinang wika niya. Dahil sa pagtalon ni Xiumin sa gitna ng presentasyon ay para na rin niyang nilabag ang patakaran ng eskwelahan. Layunin ng mga propesor ang mapalabas ang kapangyarihan ng kanilang mga estudyante sa kahit anong pamamaraan, bagay na tinutulan naman ni Xiumin.

Marahas na bumukas ang pintuan ng dormitoryo ng mga kalalakihan na kaagad nilang kinabigla. Mabilis na nagtungo si Luhan sa harapan ni Louise upang harangan ito sa maaring gawin ng ilang gwardya ng eskwelahan sa kanila. Isa-isang humarang ang mga binata sa harapan ng dalaga't naghanda sa magiging aksyon ng mga ito sa kanila.

"Mr. Frost, ipinapatawag ka ng punong-guro sa kanyang opisina" Kaagad nabaling nang kanilang tingin sa kaibigan si Xiumin na nakapamulsa sa harapan ng mga gwardya ng eskwelahan. "Inaasahan ko ang pagpunta niyo rito" wika niya habang naglalakad papalabas ng kanilang dormitoryo.

"Xiu..min.." nag-aalalang wika ni Louise. Kahit papaano'y nag-aalala pa rin siya sa kaligtasan ng binata dahil siya mismo'y itinaya ang kanyang kaligtasan para iligtas siya mula sa kapahamakan.

"Ang mga babae talaga. Sadyang kapahamakan lang ang dala" Nakatalikod na wika niya. Kaagad na lumabas ng dormitoryo ang mga gwardyang susundo sa kanilang kaibigan. Kaagad namang yumuko si Louise dahil sa nangyayari ngayon sa magkakaibigan.

Kaagad na lumapit si Chen sa kaibigang si Chanyeol at kaagad na inakbayan ito. "Hulaan mo kung anong gagawin nila sa kanya? pustahan tayo limang gems sa akin. Suspended si Xiumin bukas" pagpupusta nito.

"Ang daya mo naman. Malamang masususpend si Xiumin alangan namang i-kick out siya agad?" kaagad nitong binatukan si Chen. "Pasensya na talaga. Kasalanan ko 'tong lahat" malungkot na wika niya. Kaagad namang nagtungo si Chanyeol sa tabi niya't kaagad ginulo ang buhok ng dalaga.

"Wala ka namang ginawa, Louise. Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo" Wika ni Chanyeol upang mapasaya ang dalaga. "'Yun na nga eh, Wala akong ginawa kaya nagkaganito" Kaagad namang napailing si Chen na nakikinig sa gilid.

Dahan-dahang lumapit si Sehun sa kanila habang hawak-hawak ang kanyang t'yan. "Pumunta na tayo tha bayan. Kailangan ko ng bubble tea, Thanyeol nauuhaw kathi ako" wika ni Sehun. Napataas ang kilay ni Louise dahil sa narinig.

"Gutho mo bang thumama, Louithe?" pigil tawa naman si Chen sa gilid marahil ay napapansin niyang naweweirduhan si Louise sa pagsasalita ng kanilang kaibigang hindi mabigkas ng maayos ang salitang mayroong 's'.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now