III.

7.5K 214 15
                                    

KABANATA III

MAGKAKASAMANG naglakad ang magkakaibigan sa open field ng kanilang eskwelahan kung saan gaganapin ang munting patimpalak. Hindi maiiwasan na lahat ng atensyon ay nasa kanilang paglalakad sapagkat sila ang nabansagang labindalawang prinsipe ng eskwelahan dahil sa hindi mahigitang kakayahan. "Excited na akong malaman ang secition, Sana makasama natin si Louise!" Galak na wika ni Luhan kasabay ng kanyang paglingon sa likurang bahagi.

"Nasaan si Louise!" nagtatakang wika ng binata. Kaagad na lumingon sa kanilang paligid ang magkakaibigan at pare-parehong hinahanap ang dalaga. "Oh, nasaan nga siya?" kalmadong wika ni Suho habang tinatanong ang katabing si Kai na nagkakamot naman ng ulo.

"Bakit sa akin niyo siya hinahanap? Hindi ba't kayo ang katabi niya sa paglalakad?" Sagot nito pabalik. "Bago pa lang siya sa eskwelahan, hindi kaya mawala siya rito?" tanong naman ni Kyungsoo na kaagad nagkapagbigay ng pag-alala sa kanila.

"Hindi na bata si Louise, hindi naman siya gan'on Katanga para mawala sa napakaliit na open fields" walang ganang wika ni Xiumin kasabay ng kanyang paglalakad patungo sa entablado. "Bakit ba napakatigas mo, Xiumin" Singhal ni Luhan sa kanya. kaagad nalang itong namulsa at naglakad papalayo sa kanila bagay na kina-asar ni Luhan.

"Hindi natin siya p'wedeng hayaan dito. Siguradong hindi niya alam kung papaano uuwi" Wika ni Lay sa gilid.

"Taga saang lugar ba talaga siya. Bakit parang hindi siya pamilyar sa lugar natin. Taga kabilang valley kaya siya?" tanong naman ni Tao. Samantalang inakbayan lang siya ni Kris at ginulo ang buhok nito "Masasagot 'yan kung mahahanap nga natin siya.

"Mas maigi kung maghihiwa-hiwalay tayo sa paghahanap" Wika naman ni Suho na kaagad na sinunod ng kanyang mga kaibigan.

"Pinatatawag ang atensyon ng lahat ng estudyante. Mangyari na lamang na magtipon ang lahat sa gitnang bahagi upang masimula na ang presentasyon sa umagang ito" Kaagad na lumingon ang lahat sa isang malaking speaker na lumulutang sa himpapawid. 

"Woah, hindi ko alam na may ganito pala dito" bulong ni Louise habang siya'y naglalakad sa gilid ng hallway. Muli niyang ibinaling ang tingin sa kumpulan at grupo ng mga estudyante sa gitna ng open fields. Mas naging malinaw sa kanya kung nasaan ang kanyang mga kasama dahil naiiba ang kanilang uniporme sa ibang estudyante.

"Bakit nga pala kulay puti ang uniform nila kaysa sa iba" tanong niya sa kanyang sarili.

Kaagad namang sumulpot si Kai sa tabi ni Suho habang niluluwagan ang kanyang necktie. "Mahirap nga talaga kapag nahihiwalay ang g'wapong tulad ko sa grupo. Halos lahat ng babae lumalapit sa akin" Napangiti siya't inayos ang kanyang buhok. Pakiramdam niya'y may mga makikinang na liwanag ang lumalabas sa kanyang paligid habang sinasabi ang mga iyon.

Kaagad naman lumayo ng kaunti si Suho sa kanya at nagpanggap na hindi siya kilala dahil sa dalang kahanginan. Mabilis namang natawa si Kai at hinila sa uniporme ang kaibigan upang pabalikin. "P'wede bitawan mo nalang ako kung puro kahanginan lang ang sasabihin mo" pigil tawa sambit ni Suho.

Nagsimulang dumilim ang kalangitan kasabay ng masiglang hiwayan ng mga estudyante. Bakas sa kanilang mukha ang pagkasabik sa magiging presentasyon. Maging ang liwanag sa paaralan ay nabawasan dahilan upang maging madilim ang ilang daanan dito.

Tumingala si Louise sa kalangitan nang mapansin niya ang pagbabago ng mga ulap. Ilang beses na niyang sinubukang lumapit sa mga kasamang lalaki ngunit dahil sa dami ng babaeng tumutulak sa kanya'y hindi niya magawang makalapit.

Kamuntik na lamang siyang matumba sa kinatatayuan nang may biglang umakbay sa kanyang likuran. "Kamusta, mag-isa ka lang yata" lumingon siya sa isang babaeng naka-akbay sa kanya. "Ah, oo napalayo ako sa mga kasama ko. Hindi ko naman alam na ganoon kahirap mapalapit ulit sa tabi nila"

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now