XIII

6.7K 158 12
                                    

KABANATA XIII

MAALIWALAS ang buong paligid ng Academy. Unti-unting humiwalay ang makapal na ulap sa maliwanag na sikat ng araw. Pinagmasdan ni Luhan ang paglayo ng mga ulap sa araw kasabay ng malalim na pagbuntong hininga. Sumagi sa kanyang isip ang nangyari kaninang umaga bago pa man sila pumasok sa academy.

"Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa nangyari" kaagad siyang sumadal sa puno at ipinikit ang kanyang mata.

Hindi niya aakalaing magkasama si Xiumin at Louise sa loob ng school library sa buong magdamag. Hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksyon niya patungkol sa nangyari. Masaya siya na nasa maayos na kalagayan ang dalaga ngunit hindi siya masaya na nalaman niyang magkasama ang dalawa.

"Ayos ka lang?" napadilat siya matapos marinig ang tinig ng kanyang kaibigan sa kabilang parte ng kanyang sinasandalan.

"Sakto lang, Lay, hindi ko lang maintindihan ang nararamdaman ko" sagot niya.

"Kanino?" muling tanong nito.

Malumanay ang kanyang mata habang pinapanood si Louise kasama si Kyungsoo na magsanay sa hindi kalayuan. Bakas sa mukha ng dalaga ang saya at tila walang iniindang problema.

"Nevermind" tipid na wika ni Luhan at muling ipinikit ang kanyang mata.

Naiinis siya sa tuwing naalalang magkasama ang dalawa sa buong magdamag. Mayroong kirot sa kanyang puso sa tuwing sumasagi ito sa kanyang isipan. Bakit sa dinami-dami ng makakasama ni Louise sa loob ng library ay si Xiumin pa. Si Xiumin na walang pakielam sa kanyang paligid, si Xiumin na palagi nalang sinasabihan ng kung ano-ano si Louise. Si Xiumin na nais niyang dumistansya sa dalaga upang hindi na ito maging malungkot pa.

"Don't tell me may gusto ka kay Louise?" gulat na tanong ni Lay matapos itong madiskubre sa kanyang sarili.

"Kindda, to tell you honestly ayokong nakikita siyang malungkot. Ayokong nagiging malungkot siya dahil sa mga sinasabi sa kanya ni Xiumin. Afterall isang mabuting tao si Louise, napakasimple niya, Happy go lucky" napangiti si Luhan matapos niyang maalala ang ngiti ng dalaga sa kanyang isip.

"Sa tuwing kasama ko siya nawawala ang mga iniisip kong problema. Gusto ko lang siyang makasama palagi, gusto ko siyang tingnan at titigan ang kanyang ngiti."

Bahagyang sinuntok ni Lay ang balikat ni Luhan kaya't napadilat ito at sumulyap sa katabi. "Pag-ibig nga naman, Luhan" natatawa niyang komento.

Natawa rin si Luhan sa kanyang sinabi. Hindi rin naman niya aakalaing sasabihin niya ang mga gano'ng bagay sa unang pagkakataon. Hindi siya malambing na tao o kung ano pa man. Sinasabi niya lang ang laman ng kanyang isipan at kung papakinggan mo nga'y matatawa ka dahil sa tamis ng kanyang iniisip.

"I wonder if she likes you too" napaisip naman kaagad si Lay samantalang napabuntong hininga naman si Luhan.

Kaagad siyang nahawakan ng kaibigan sa kanyang balikat kasabay ng pagngiti. "Don't worry. Magugustuhan ka rin niya"

SA KABILANG BANDA napatigil naman sa paglalakad ang dalagang si Min Ae matapos harangin ng ilang mga estudyanteng babae sa loob ng canteen. Kaagad na napatago sa likuran ni Min ae ang kasamang si Angelu na tila alam na ang maaring mangyari.

"Listen" napalingon ang ilan pang mga estudyante sa kinaroroonan nila matapos marinig ang otorisadong tinig ng school president.

"Don't come near them. I warned you" napa-ismid naman si Min ae at napailing sa narinig.

Hindi kinakitaan ng kahit anong ekspresyon ang kanyang mukha. Kaagad niyang hinawakan si Angelu sa kanyang braso at hinila. Muli namang ibinaling ng tingin ni Angelu ang kanyang tingin sa student president na hindi nagustuhan ang ginawang pagkilos ng kasama.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now